XL

3.1K 37 3
                                    

A/N: hello my dear readers! Pasensya na po kung hindi ako madalas nakakapag UD kasi ineenjoy ko ang summer haha! Anyway, nalalapit na po ang pagtatapos ng story na to so sana wag nyong bitawan hanggang sa huli. God bless! ♡

*Sandy's POV*

Kaagad na kaming nag ayos ng gamit para umuwi na kami sa bahay ko.

"Are you excited for your trial class Gabby?" Tanong ni Chun sa anak ko.

"Of course! I'm so excited!!!"

Ngumiti lang naman ako at tinuloy na ang pag eempakeng ginagawa ko. Ilang sandali pa ay nag check out na kami sa hotel at madali naming narating ang bahay.

"Ma'am Sandy!!!!! Nako ang ganda ganda nyo po! Lalo po kayong gumanda!" Masayang bati sa'kin ni Manang Fe ng makita nya kami.

"Nako manang bolera ka talaga mula pa noon"

"Nako ma'am totoo naman ho ang sinasabi ko. Si Gabby na ba yan? Ang laki laki na!"

Nilapitan nya si Gabby at niyakap.

"Sir Chun?" Pag aalinlangang tanong ni Manang Fe.

Ikinawit ko ang kamay ko sa braso ni Chun bago nag salita.

"Yes manang si Chun nga, di naman kami magtatagal dito babalik din kami ng New York. Pero in the mean time dito muna kami kasi may trial class si Gabby at para makapag bakasyon na rin kami"

"Ah ganun po ba? Sige po ma'am. Masayang masaya ako na bumalik na kayo ulit dito. Tulungan ko na po kayo sa maleta nyo"

Wala namang alinlangan na binigay na namin ang maleta kay manang at sa iba pa naming kasambahay.

*Khalel's POV*

Maaga akong nagising kinabukasan para paghanda ng almusal si Lauren. Sinilip ko muna sya sa kwarto nya at sakto naman na tulog pa sya kaya naman bumaba na ko sa kusina.

"Manang tulungan ko na po kayo" sabi ko sa kasambahay namin na kasalukuyang naghahanda ng pagkain sa mesa.

"Si ate po gising na?"

"Naku sir maaga po syang umalis"

"Ha? Bakit daw?"

"May aasikasuhin daw po syang importante sir"

"Ah ganun ba? Sige tawagan ko nalang sya. Puntahan mo nalang si Lauren sa kwarto nya tsaka mo na sya gisingin para mag almusal na"

"Opo sir"

Kaagad ko naman kinuha ang phone ko para tawagan si ate. Ilang tunog rin ang narinig ko sa kabilang linya bago nya ito sinagot.

"Hello ate? Nasan ka?"

"Nag dadrive ako. But I'm on my way home" iritang sagot nya sa'kin.

"May problema ka ba?"

"You can't believe it Khalel"

"Ha? Ang ano?"

"Basta mamaya ko na sasabihin sayo. Pauwi na ko ng bahay"

"Ok ingat ka"

I ended the call.

Napano naman kaya sya?

Nakita ko naman na pababa na ng hagdan si manang kasama si Lauren kaya naman sinalubong ko sila.

"Lauren come here. Let's eat na" yaya ko sa kanya. Ngunit umiling lang naman sya.

Nilapitan ko sya at hinawakan ang mga kamay nya bago nag salita ulit.

The Bachelor's Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon