vi

5.8K 53 7
                                    

*Andrea's POV* (Check the multimedia para makita nyo sya ^_^)

Grabe talaga lutang pa ko sa mga nangyari kanina..

Para akong nasa alapaap ng mag propose sa'kin si Gab.

Hindi ko inakala na mangyayari ang lahat ng yun kanina.

Habang nagbabasa ako ng magazine, biglang tumawag si Gab sa'kin.

Nagpa uwi muna kasi ako dito sa bahay para naman makapag pahinga kaming dalawa.

Alam ko kasi kung sa bahay nya ako matutulog ngayong gabi, for sure hindi naman kami makakatulog haha!

"Hello hon"

(Hi my future wife)

"Bakit ka napatawag? Namimiss mo ko kaagad?" at tumawa pa ko ng mahina sapat na para marinig nya.

(Oo eh.. Namiss kita agad. Ano ba kasing gayuma ang ginamit mo sa'kin hon)

"Bolero ka talaga"

(Nagpalit kana ba ng damit?)

"Yes why? nakapantulog na ko.. Aalis pa ba tayo?"

(Sana, kung di ka pa pagod.. Nag iinvite kasi si Khalel and Brigette na mag bar tonight.. Will you join us hon?)

KHALEL..

Napatigil ako ng marinig ko ang pangalan nya.

*Flashback*

Brigette's Despedida Party

"Sis, medyo nahihilo na ko, pwede ba kong magpahinga sandali sa guest room nyo?"

"Sure sis, kahanay lang ng guest rooms namin ang kwarto ni Khalel.. Kung makita mo sya sa labas pakisabi bumaba na sya kasi baka dumating na si Sandy"

"Sandy?" takang tanong ko.

"Yup! That's Khalel's girlfriend.. Nako hindi pa nga pala kayo nagkikita. Kasi naman wala pang time at lagi naman wrong timing.. Busy din kasi si Sandy"

"Ah ok.. Sige mag papahinga na ko"

Tumango naman si Brigette.

So may girlfriend si Khalel?

Well, matagal na kaming magkaibigan ni Brigette, and since then crush ko na si Khalel.

Pero walang may alam nun kung hindi ako lang.

The Bachelor's Other WomanOnde histórias criam vida. Descubra agora