xxx

4.4K 44 9
                                    

A/N: Hola! So sorry po for the slow update. Actually, di na talaga ako dapat mag a-update kasi ang daming ginagawa pero dahil sa mga comments nyo sa last chapter ng story ko e na inspire akong mag udate ulit hihi kinikilig ako *_* so here it is! Sana magustuhan nyo at mahalin nyo pa si Sandy at Gab! :)

*After 5 years*

*Sandy's POV*

"Gabby be careful! You might hurt your legs! Don't run too fast!" 

"Don't worry mom! I am strong and I can run fast! Look!"

Ang sayang pagmasdan na lumalaki ang anak mo na masaya, malaya, at hindi takot na sumubok sa mga bagay bagay kahit na hindi sya sigurado na baka masaktan lang sya.

I'm a mother now to Gabby. Halos limang taon na rin ang lumipas simula ng lumipad ako papuntang New York. Dito ko na piniling manganak at manirahan. At lalung lalo na, dito rin ako unti unting bumabangon mula sa bangungot na dulot sa'kin ni Gab at Andrea.

"Sandy tignan mo ang anak mo, ang saya saya nya" sabi sa'kin ng mama ko.

"Oo nga po ma. Lumalaki sya na lalong matapang, lumalaki syang masayahin"

"Ano ng balak mo nyan anak? Hindi mo ba sya ipapakilala sa ama nya pagbalik nyo ng Pilipinas?"

"Ma, wala na po akong balak manirahan sa Pilipinas. Tsaka isa pa, kung babalik man po ako dun baka panandalian lamang po dahil sa dulot ng trabaho ko"

"Kailan ba ang balak mo?"

"Hindi ko pa po alam. Pag naayos na ng sekretarya ko ang lahat sa amin nung kleyente ke e baka bumisita na ko sa Pilipinas"

"Paano kung magkita kayo ni Gab?"

"Ma, malaki po ang Pilipinas, siguradong hindi kami magkikita"

"Maliit lang ang mundo anak. Handa kana bang harapin sya?"

"Ma, natutunan ko na syang kalimutan paunti-unti ngayon pa ba ko bibitaw? Kung magkita man kami sisiguraduhin kong papakita ko sa kanya kung ano ang nawala sa kanya. Hindi ko rin po isasama si Gabby, ayokong malaman nya na nagkaroon ako ng anak sa kanya"

"Anak, kahit gaano pa kasama ang nangyari sa inyo ni Gab, may karapatan pa rin sya na malaman kung sino ang anak nya"

"Para ano pa ma? Para pati anak ko masaktan nya? Hindi ko po hahayaan na mangyari yun sa anak ko. Sa anak ko"

Hinawakan lang naman ni mama ang kamay ko ng mahigpit at saka ko sya niyakap.

"Mamita can we buy ice cream?" paglalambing naman ni Gabby sa kanyang lola.

"Of course we can. Let's go?"

"Yehey! Mom, wait for us there ok?"

"Sure baby"

At saka ko sila tinignan na lumakad palayo.

Hay, ang sarap ng ganitong buhay, yung malayo ka sa gulo. Yung alam mong nag uumpisa ka at bumabangon ka hindi lang para sa sarili mo kundi para na rin sa anak mo.

Habang nagmamasid ako sa paligid ay di ko namamalayan na dumating na pala sina mama kasama si Gabby.

Ngunit.....

May kasama sila?

The Bachelor's Other WomanWhere stories live. Discover now