LIT: CHAPTER 1

16 3 9
                                    


[Manilyn POV]

"Nasaan ang datong niyo? Akin na!"

Inilahad ni Botchoy ang mataba, maitim at malaki niyang kamay sa harap ni lola. Humigpit ang pagkakahawak ko sa dahon ng saging na ginamit ko pamaypay para tabuyin ang langaw na dumadapo sa mga gulay na tinitinda namin.

Si Botchoy at ang grupo niyang mga mukhang baboy ang naghahari-harian dito sa palengke kung saan kami pume-pwesto ni lola. Bawat tindera ay hinihingian nila ng pera. Teritoryo daw ng mga kumag kaya kailangan ng lagay. Malaki ang mga pangangatawan--ay hindi matataba ang mga pangangatawan nila kaya halos lahat ng tao sa palengke ay takot sa grupo.

Halos mag iisang buwan na kami pumupwesto rito ni lola para makapag tinda ng mga gulay na inaani pa namin sa taas ng bundok. May lupa kasi roon si lolo kaya sayang naman kung ang mga damo lang ang manginginabang. Unang araw namin sa palengke ay siningil na kami ng kumag. Pumalag ako syempre!

Ang sabi ko 'ang lalaki ng katawan niyo! Bakit hindi kayo mag-trabaho!'

Napikon yung Botchoy kaya pinagtulungan nilang sirain ang mga paninda namin.

Mga bwesit na 'yan!

Ninakaw pa nila yung mga gulay. Gusto ko sanang patulan ang mga bwesit na 'yon kaya lang nahimatay si lola dahil takot.

Pagkatapos ang nangyari. Pinayuhan kami ni Mang Kardo, isa sa mga nagtitinda sa palengke, na huwag nalang pumalag sa grupo ni Botchoy. Magbigay nalang daw kami ng datong kahit labag sa kalooban namin para wala nang masaktan at walang gulo.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa suhesyon niya. Ilang linggo ako nagtiis sa mga yan pero ngayon? Tignan na lang natin kung makakapagtimpi pa ako sa mga bwesit na 'to!

"Ito na iho," sabi ni lola at nanginginig niyang iniabot ang tatlong daan.

"La!" suway ko kay lola.

Nakangisi naman kinuha nang marahas ni Botchoy ang pera. Nakangiti niya pang ipinakita sa mga kasamahan niya ang perang ibinigay ni lola at pagkatapos ay nagtawanan sila.

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo Aling Ganda. Mukhang magkakasundo tayo nito ah! Parang gusto ko tuloy araw-arawin ang pagbisita ko rito," nang aasar niyang usal tapos muli silang nagtawanan.

Inis kong pinag umbog ang mga ngipin ko. Pabagsak kong binitiwan ang hawak kong dahon ng saging at kinamao ang kamay ko. Naramdaman kong hinawakan ni lola ang kamay ko at mahina niyang hinahaplos para pakalmahin ako. Sinubukan kong ngumiti nang lingonin ko siya.

"Lola, kapag po ba ginawa ko ang binabalak ko. Isusumbong niyo ba ako kay lolo?" mahina ngunit may lambing kong tanong. Umaasang sa-sang ayon siya sa balak ko pero mukhang malabo.

"Ano ka ba! Delikado apo. Hayaan mo na sila. Nangako ka sa lolo mo, hindi ba? Huwag mo nang patulan," mahina lang ang boses niya ngunit may diin sa tono nito.

Napasimangot naman ako pero nang lingonin ko si Botchoy at mga kasamahan niya pinanlisikan ko sila ng tingin. Sakto naman napatingin sila sa akin kaya nahinto sila sa pagtawa pagkatapos ay tumaas ang dulo ng labi niya na parang nang hahamon ng laban.

"Ano tinitingin mo diyan?! Aba!"

Dinuro niya ako. Mula sa masamang tingin ko sa kanya. Nginisihan ko siya. Akala niya ba matatakot ako?

"Pasensya na Butchoy! -- Apo..." saway sa akin ni lola tapos mahina niya akong pinalo sa pwet.

"Itigil mo 'yan!"

Matagal na talaga akong nagtitimpi sa mga yan! Pinag-bibigyan ko lang si lola dahil alam kong isusumbong niya ako kay lolo at pa-gagalitan naman ako ni lolo pero minsan kahit gaano ka pa magtiis sa mga magagaspang na pag uugali nila darating ang punto mapupuno ka.

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon