LIT: CHAPTER 21

4 0 0
                                    


Manilyn POV

"What do you want to eat?"

Pinakita sa akin ni Wesley ang menu. Umiling lang ako.

"Ikaw na ang pumili. Basta yung masarap at yung hindi mahal," usal ko.

I heard him chuckle. Nilibot ko naman ang tingin ko sa loob ng restaurant kung saan niya ako dinala.

"Fine," he said.

I turned at him.

"Final na ba dito tayo kakain? Ang ma-mahal ng pagkain dito, Wes. Baka maubosan ka ng pera diyan."

"Don't think about that, Manilyn. Ako na ang bahala."

Then he wink at me. I made a face. Parang ewan 'to.

Tinawag niya na ang waiter para ibigay ang order namin.

Habang wala pa ang pagkain, nag-kumustahan muna kami ni Wesley.

Nalaman ko na mag isa lang siya pupunta ng US. Susunduin naman daw siya ng step brother niya sa airport.

Bago siya lumawas ng Maynila, pinuntahan niya raw sina lola at lolo para mag paalam. Pinapasabi pa nga nila na mag iingat daw ako lagi.

"8 pm pa ang flight ko so we still have time to bond. Sasamahan mo ba ako sa aiport?" He asked.

"Of course."

Napangiti siya.

Gladly, nag text sa akin si Ate Hayde na tumawag kanina si Ma'am at pinapasabi na ituloy ko daw ang paglabas ko kasama si Wes. Masasamahan ko si Wesley pumunta ng Airport.

May susundo naman daw sa akin. I think, si manong yun.

"How's your staying here? How about your school? Sumasakit na ba ang ulo mo sa mga math problems?"

I made a face though it was clear that I was only playing at being annoyed.

"Okay lang naman. Fyi, wala kami math subject so wala dapat ikasakit ng ulo," mataray kong usal. Mahina siyang tumawa.

"Medyo hindi ko lang trip rito. You know naman, sobrang ingay ng paligid at saka hindi sariwa ang hangin. Ang init init pa," dagdag ko.

Iba pa rin talaga sa probinsya. Bukod sa tahimik, sariwa pa ang hangin.

Sumang ayon sa akin si Wesley.

"You're absolutely right. Cost of living here is extreme. Hays, I'm gonna miss Sitio Jose."

"Magtatagal ka ba sa US?"

"I don't know. Are you going to miss me? Uh?" pang aasar.

"Kahit huwag ka nang bumalik. Okay na okay sa akin," biro ko.

Tumawa siya at napailing sa sagot.

Hindi naman nagtagal at dumating na ang pagkain namin.

Pagkatapos namin kumain sa Restaurant. Nagtungo naman kami sa isang mall.

As usual, pinagtitinginan na naman si Wesley habang naglalakad kami sa loob. Tsh! Oo na! Siya na ang may itsura.

Medyo nakakairita lang dahil may mga bagets na lumalapit sa kanya para mag pa-picture.

Kahit na sinabi ko hindi naman artista si Wesley. Nag-pa-picture pa rin sila.

Gwapo raw kasi. Minsan lang daw sila makakita ng gwapo at foreigner pa.

"Akala ko yung mga babae lang sa probinsya natin ang nagayuma mo. Pati rin pala rito," naiiling kong usal.

Bigla naman ginulo ni Wesley ang buhok ko. Muntik ko pa siya masapak dahil sa ginawa niya.

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon