LIT: CHAPTER 27

2 0 0
                                    

Manilyn POV

"Teka, nasaan ako?" naguguluhan kong tanong habang dahan dahan nililibot ang mata sa boung sulok ng kwarto.

"Hala! Baka nagka amnesia na siya," rinig kong boses ni Axe.

"Baliw! Sa balikat siya tinamaan. Hindi sa ulo. Bobo mo," boses ni Grey.

Ginawi ko ang tingin ko sa kaliwang gilid ko. Nakita ko si Axe at Grey habang nakatayo at nakatingin sa akin.

Kumunot ang noo ko.

"Nasaan ako?"

"Nasa kwarto ka ngayon," sagot ni Grey.

"Ah?! Paano ako nakapunta rito?! Teka! Anong oras na?"

Dali dali akong bumangon pero mabilis din akong napahinto at napadaing nang makaramdam ng hapdi sa balikat ko.

Ayun!

Tanda ko na kung anong nangyari sa akin. Yung mokong na may piklat sa mukha, siya ang gumawa sa akin nito kaya ako nawalan ng malay. Pero sino nagdala sa akin dito?

"Me, I'm the one who brought you here."

Nakita kong nakaupo si Zero sa isang upuan na nasa likod lang ng dalawa. Tumayo siya at naglakad palapit sa amin. Pumunta sina Grey at Axe sa gilid upang bigyan ng daan si Zero.

Nakaputi siyang t shirt at nakasuot ng black short. Mukha rin bagong ligo dahil basa pa ang buhok niya.

May pasa siya sa kabilang pesngi at labi. Tapos may band aid naman dulo ng kilay niya pero kahit ganiyan ang itsura niya ay may kung ano pa rin sa mukha niya ang nakakainis at nakakabwesit.

Napaupo ako nang maayos at walang gana siyang tinignan.

"Hindi ka ba magpapasalamat?" mayabang niyang tanong.

Dagdagan ko kaya 'yang pasa sa mukha niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"At bakit?"

"Kasi dinala kita rito. I saved you from those jerks."

"Ay ang kapal mo naman pala. Hindi ba't mga kaaway mo 'yon. Dinamay mo ako sa gulo mo!"

Hindi ko na maiwasang taasan siya ng boses.

"Wow! See who's talking. You screwed me. Makakatakas na sana ako pero tinuro mo ako sa kanila. Hindi sana mangyayari 'yan saiyo kung hindi ka nangilaam so I say. You deserve that."

"Ah ganun!"

Inabot ko ang basa niyang buhok at marahas iyon hinila palapit sa akin.

Nataranta pumagitna sa amin ang dalawa pero hindi ako nagpatinag.

"Shit! Get off your hands, Bitch!"

"Unggoy!"

Isang kamay lang ang ginamit ko dahil masakit pa rin ang kabilang balikat ko pero full force ang hawak ng kabilang kamay ko sa buhok niya.

Dumadaing na siya sa sakit. Bagay 'yan sa kanya.

"Tama na!" awat ni Grey. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa buhok ni Zero. Samantalang nakayakap naman si Axe sa likod ni Zero at hinihila ito palayo sa akin pero dahil sa ginagawa niya mas dumadaing sa sakit si Zero.

"Aray!"

Inabot ni Zero ang buhok ko at hinila niya rin iyon palapit sa kanya.

Kumag!

"Hoy! Tumigil kayo!" sabay kami napahinto nang marinig namin ang sigaw ni Robert. Naunang bumitaw si Zero sa buhok ko. Hindi ko ka agad binitiwan ang buhok niya.

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon