LIT: CHAPTER 11

7 2 5
                                    



"OY! Ano 'to? Andaming pagkain naman. Parang fiesta!" mangha kong sabi habang iniisa isang tignan ang mga pagkain nakahain sa malaking lamesa. Nakatayo sa gilid si Donita at ate Hayde. Magkaibang ekspresyon ang pinakita nila sa akin. Si ate Hayde na nakangiti samantalang si Donita na seryoso lang.

"Lahat 'yan para lang say, Manilyn!" sabi ni ate Hayde.

"Sa akin lang? Share tayo. Hindi ko naman 'yan mauubos."

Sobrang dami niyan. Aminado akong medyo may katakawan ako pagdating sa pagkain pero hindi ko kayang maubos 'yan.

Grabe! Bakit parang pakiramdam ko ay anak ako ng may ari.

"Mga katulong kami Ligaya. Bisita ka ng amo namin. Magkahiwalay ang dalawang bagay na 'yon," sagot ni Ate Hayde dahilan upang kunotan ko siya ng noo.

"Ah? Ano ba pinagsasabi mo? Sige na, sabay sabay na tayo kumain," sabi ko at umupo na.

Ayokong itinuturing akong iba at espesyal dahil unang una hindi ako sanay at ayokong masanay.

Wala naman sila nagawa kundi ang sundin ako. Kahit si Donita na ayaw sa akin ay umupo na rin. Tinawag din namin si Fred, kuyang guard, para sabay sabay na kaming kumain.

Habang kumakain na ekwento sa akin ni ate Hayde na apat na tao ang kasama ni ma'am. Dalawang katulong, isang guard at driver. Dito na rin sila tumitira. Libre ang lahat, hindi mabigat ang trabaho at mahal ang sweldo.

Madalas na wala sa bahay si ma'am dahil sa mga medical operation nito sa iba't ibang lugar at kung minsan dahil sa mga operation na umaabot ng madaling araw.

Wala siyang nabanggit tungkol sa anak ni Ma'am at hindi na rin ako nagtanong.

_____

"Manong siya po yong sinasabi ni Ma'am Michelle. Si Manilyn po," anang ni Ate Hayde sa matandang lalaki. Nakasuot siya ng iuniporme na sa hula ko ay para sa mga driver. Matangkad siyang lalaki at wala ng buhok. May katabaan at may maamong mukha. Pareho sila ni lolo wala ng buhok. Ang pinagkakaiba nga lang maliit si lolo at payat.

Ngumiti ako kay manong. "Hi po," masaya kong sambit sa kanya.

"Siya naman si Manong Gilbert. Ang driver ni Ma'am."

Ngumiti rin si manong sa akin at nag tanong kung kumusta na raw sina lolo at lola. Doon ko nalaman na naabutan niya sina lolo't lola rito kaya kilala niya sila pero medyo nagtaka lang ako sa inasal niya sa akin. May ibig siyang itanong pero hindi niya matuloy hanggang sa binuksan niya nalang pinto ng kotse at pinasakay kami.

Nagpaalam kami kay Donita na aalis na. Tumango lang siya at tumalikod.

"Ganoon ba yun?" Tukoy ko kay Donita nang makasakay na kami sa kotse. Pareho kami naka upo sa likuran ni Ate Hayde kaya pwede kami mag chikahan sa byahe. Umandar na ang kotse. Bumisina si Manong nang nasa tapat na ng gate kaya dali daling binuksan ni Fred ang gate. Nagsalute pa siya pagkatapos buksan iyon.

"Oo ganoon si Donita. May kasungitan talaga. Parang may dalaw lagi."

"Ilang taon na siya?"

"Mag twe-twenty eight sa september."

"Ikaw? Taga saan ka te?"

"Taga Baguio ako. Dalawang taon na akong nagtra-trabaho kay ma'am," sagot niya.

Marami kaming napagkwentohan ni Ate Hayde sa byahe. Gusto ko nga sana itanong sa kanya ang tungkol sa anak ni ma'am pero nahihiya ako dahil nasa unahan lang namin si Manong. Baka isipin niyang chismosa ako kahit totoo naman. May mga naitanong rin si Ate Hayde sa akin. Tungkol sa buhay ko sa probinsya, kay lola at lolo at sa mga magulang ko. Nagtaka nga lang ako dahil napansin ko kay manong na panay tingin siya sa rear mirror at halatang interesado sa buhay ko. Hindi ko lang pinahalata sa kanya napapansin ko siya.

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon