LIT: CHAPTER 19

1 0 0
                                    


"Bakit ang tagal mo bumaba?" masungit na tanong ni Donita pagkapasok ko palang ng kusina.

Naghihiwa na siya ng mga sangkap para sa lulutuin namin na sinigang na baboy.

Sinagot ko naman siya na may tinawagan lang ako kaya ako natagalan bumaba.

"Hiwain mo na 'yang baboy," utos niya.

"Sige," aniya at sinunod ang inuutos niya.

Nasaan kaya si Ate Hayde?

Wala pa dalawang minuto naghihiwa ako nang bigla may bumisina sa labas.

"Baka si ma'am na 'yan. Buksan mo ang gate," utos niya ulit.

"Sige."

Binitiwan ko na ang kutsilyo at karne. Dahil sa minamadali ako ni Donita, hindi na ako nakapag hugas ng kamay.

Nasa pinto na ako nang may bigla akong naalala. Huminto ako at nilingon si Donita.

"Nandoon naman si Kuya Fred. Siya na ang magbubukas ng gate."

Biglang natigil si Donita sa ginagawa at tumingin sa akin. Salubong na naman ang makapal niyang kilay.

"Puntahan mo," aniya na may diin sa tono.

Problema nito? Konti nalang talaga at mapapatulan ko na siya.

Tumalikod na ako at lumabas na ng bahay. Saktong kakahinto lang ng kotse sa tapat ng pinto ng Mansyon..

Patakbo akong pumunta ng gate at binuksan iyon. Nang makapasok na ang kotse saka ko muli sinarado iyon.

Bumaba si ma'am Michelle.

"Good evening po, ma'am," bati ko. Ngumiti siya sa akin pero halatang pagod na pagod siya. Namumugay pa ang kanyang mga mata.

"Good evening din, iha. Kumusta ang first day mo?"

Hindi po maayos.

Tsh.

"Okay lang naman po."

"Nagkita ba kayo ng anak ko? Nagustuhan niya ba ang sandwich na ginawa ko sa kanya."

Bigla kami nagkatinganan ni Manong. Mukhang may ideya siya sa ginawa ni Sir Robert.

Sumenyas sa akin si manong na huwag ko daw sasabihin.

"Nagkita po kami at sobrang nasarapan daw ho siya sa ginawa niyo, hehe."

Nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha ni ma'am nang sabihin ko iyon.

Hays.

Zyn POV

"Mom, are you okay?" I asked.

Kasalukuyan nasa restaurant kami. Kanina niya pa hindi ginagalaw ang pagkain.

"Is there something bothering you?" I asked again.

Mom gave me a half smile. Umiling siya.

"I'm okay, son."

Kinuha niya ang wine glass sa lamesa at saka ininom ang laman ng wine glass.

Bumuntong hininga ako.

"Bakit hindi mo siya puntahan, mom? Ipaliwanag mo sa kanya ang lahat kung bakit ka umalis. Sigurado akong maiintindihan ka niya."

Ibinaba niya ang wine glass at tumingin sa labas ng bintana.

"Hindi pa ako handa, Zyn."

Mom looked at me.

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon