LIT: CHAPTER 10

10 2 1
                                    

"SIGURADO ka ito ang kwarto ko?" gulat kong tanong kay ate Hayde pagkatapos niyang buksan ang pinto ng kwarto at sabihin 'yon daw ang magiging kwarto ko.

Nasa second floor nakapwesto 'tong kwarto. May isa pa pinto ang kaharap lang nang magiging kwarto ko at ayon kay Hayde ay sa anak daw iyon ni Ma'am. Ang kwarto naman ni ma'am ay nasa baba dahil napapagod daw ito umakyat at baba sa hagdan. May dalawa pa kwarto sa taas. Yung isa ay game room ng anak at yung isa ay guest room.

"Oo. Sigurado ako ma'am Manilyn. Noong isang linggo pa 'yan pinaayos ni ma'am Michelle dahil may darating daw na bisita at ikaw yun," masayang sambit ni Hayde.

Mahina ko naman siya pinalo sa balikat.

"Oy! Huwag mo naman akong e-ma'am. Ayoko niyan. Tsaka diba mas matanda ka sa akin kaya dapat tawagin mo nalang ako sa pangalan ko," sabi ko. Nag aalangan siyang ngumiti sabay kamot sa dulo ng ilong niya

"Dalawang taon lang naman po yung tanda ko sayo tsaka bisita po kayo ng amo ko ma'am."

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Ang kulet mo rin no? Manilyn nalang kasi. Ako bahala," nakangiti kong usal at tinanguan siya.

"Ikaw bahala, Manilyn?"

"Yun oh! Oh diba! Mas maganda sa pandinig. Ngayon pwede ba tawagin nalang kita Ate Hayde?"

"Ay! Pwedeng pwede po!" Bumalik ang sigla niya.

"Pwede rin ba wala ng po?"

Mahina siyang tumawa dahil sa sinabi ko atsaka tumango.

Hindi nagtagal ang usapan namin dahil dumating si Donita. Pinagalitan niya pa si Ate Hayde dahil daw nakikipag chismisan daw sa oras ng trabaho. Nagmamadaling umalis si ate Hayde habang si Donita naman ay lumapit sa akin.

"Pagkatapos niyo ho mag ayos ay bumaba na kayo upang kumain ng pananghalian. Pinapasabi rin ni Manong Gilbert na mamayang alas tress ng hapon kayo susunduin papuntang mall," sabi niya na halatang wala sa loob at napipilitan lang. Nahahalata ko ang pasimple pagtaas ng kilay niya habang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang init ng dugo at kalamnan niya sa akin at hindi ko alam kung bakit.

Nag aalinlangan akong tumango at pilit siyang nginitian.

"Salamat ho," sabi ko. Mabilisan siyang tumango at tumalikod na.

Sungit.

KAKAUNTING gamit lamang ang nadala ko. Hindi lagpas sa sampu na pambahay at panglabas. Medyo namoblema pa ako dahil napakalaki ng cabinet at hindi nangalahati yung laman. May sarili akong banyo, sariling study table, may maliit na espayo para sa isang sofa at flat screen tv. Sa kabilang side ng kwarto ay ang isang floor to seiling window. May malaking salamin ang namamagitan mula sa loob at labas at isang kurtina nasa magkabilang gilid ng window. Natatanaw ko rin mula rito ang isang veranda ng kwarto na maaring tambayan o pahingahan. Yung ganitong uri ng kwarto ay sa mga teleserye ko lang nakikita.

Napaka swerte ko naman. Matapos kong mag ayos ng mga gamit ay naisipan kong buksan ang malaking bintana para magpahangin sa veranda.

"Never in my wildest dream na magkaroon ako ng ganitong kwarto, sosyalan ang datingan," mangha kong usal nang mabuksan ang bintana. Tanaw mula rito ang labas ng bahay kaya kitang kita ko ang mismong gate ng mansion at ang kalsada. May malawak na taniman ng palay sa kabila ng kalsada kaya sobrang ganda sa mata.

Huminga ako ng malalim at nalanghap ang malamig at preskong hangin. Kahit papaano may malinis hangin pa rin akong nalalanghap. Humawak ako sa railings ng veranda at nakangiting tinatanaw ang paligid. Maya't maya napansin ko ang isang itim na kotse huminto sa tapat ng gate ng mansion. Huminto siya sa kabilang side ng kalsada. Nag assume na ako na baka may bisita si ma'am dahil lumabas sa kotse ang isang matangkad at nakasuit na lalaki. Nakasuot siya ng sun glass. Ilang secondo niyang tinitigan ang mansion ni ma'am hanggang sa bumalik ito sa kotse at pinaandar ang sasakyan palayo sa mansion. Napakunot ang noo ko at nagtanong sa sarili.

"Sino yun?"

Bandang alas dyes ng umaga ako lumabas ng kwarto. Natapos ko nang ayusin ang lahat ng gamit ko. Nakapag banyo na rin ako at nakapag palit ng pambahay na damit. Tinawagan ko si lola kanina dahil dumating na yung pinangakong libre load ni ate Cheska. Kinumusta ko sila at ipinaalam na nasa bahay na ako ni ma'am Michelle at huwag na siyang mag alala sa akin.

Habang naglalakad pababa ng hagdan ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid ng bahay. Napansin ko ang isang malaking family picture na nakadikit sa pader. Huminto ako sa paghakbang pababa at ginawi ang tingin sa kaliwa. Tatlong tao ang nasa picture. Si ma'am Michelle at ang kanyang asawa tapos isang batang lalaki. Nakangiti siya kaya kita ang nawawalang dalawang ngipin niya sa unahan. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Ang kyut!

They're looked like a happy family. Ang saya saya nila sa picture na yan. Unti unti nawala ang ngiti ko sa labi nang maalala ko si mama. Namatay si mama pagkasilang sa akin tapos yung magaling kong ama ay tinakasan daw si mama nong malaman na buntis siya. Ambobo! Ang saya siguro kapag kompleto kayo pero okay na sa akin si mama lang. Okay lang sa akin kahit walang tatay basta kasama ko si mama.

"Ang cute nila no? Lalo na si sir Robert," mahinang usal ni Hayde nang lumapit siya sa akin.

Lumingon ako sa kanya nang nagtataka. Nakatingin din siya sa litrato habang ngiting ngiti pinagmamasdan iyon.

"Nasaan nga pala ang asawa ni ma'am?"

Tumingin siya sa akin at mapait na ngumiti.

"Isang taon nang mamatay si sir dahil sa sakit na cancer."

Napatango naman ako.

"Nag iisang anak lang ba nila yong Robert?"

"Oo pero— Aray!"

Napahiyaw si Ate Hayde nang bigla dumating si Donita tapos kinurot siya sa tagiliran.

Ang sama ng tingin ni Donita kay Ate Hayde tapos nong tumingin siya sa akin pinandilatan niya ako nang mata.

"Diba sinabi ko bawal ang chismis? Balahurang to! Hindi na nahiya. Pinag chi-chismisan niyo ang may-ari ng bahay. At ikaw Hayde! Diba sinabi kong tawagin siya pero bakit dumada ka na naman diyan? Gusto mo mawalan ng trabaho?!"

"Pasensya na po," nakangusong usal ni ate Hayde at nagmadali bumaba ng hadgan. 

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon