LIT : CHAPTER 30

1 0 0
                                    

Argous POV

Palinga-linga akong tumawid ng kalsada pagkatapos ay pumasok sa isang masikip at madilim na kalye.

Pagkalabas sa kalye iyon ay tumambad sa akin ang tanawing labis kong ikinaiirita t'wing pupunta sa lugar na iyon.

Limang kalalakihan na may malalaking katawan ang nakabantay sa isang luma at madumi bahay aliwan.

"Anong kailangan mo?" Tanong ni Bernard, isa mga nagbabantay, na sumalubong sa akin.

"Nandiyan ba si Supremo?"

"Nasa loob. Ayaw magpa istorbo. Teka, hindi ba't kumalas ka na sa grupo?"

"Gusto ko siyang kausapin."

"Hindi pwede."

Inis akong napabuga ng hangin. Maya't maya ay tumawag sa akin si Zero.

Bahagya akong lumayo kay Bernard at sinagot ang tawag ni Zero.

"Where are you? Hindi ka ba pupunta sa welcome party?"

"I'm out. Kayo nalang."

"Tsk! Nasaan ka ba ngayon dude?"

"Nasa trabaho ako."

"Trabaho? I already said na ako na bahala sa mga gastusin mo. We're brothers here. Just get home. Ay no! sumunod ka nalang sa school. Mauuna na kami nina Robert. Sige na, bye!"

Napakagat ako sa ibabang labi at pinakalma ang sarili sa nagbabadyang inis.

Binalik ko sa bulsa ang ang cellphone ko at lumapit ulit kay Bernard.

"I'll be back. Sabihin mo sa kanya bumisita ako."

Tumalikod na ako at naglakad palayo.

Manilyn POV

Leche! Paano ba ako makakatakas dito? Tumingin ako sa bintana.

Tumalon kaya ako roon?

Haist! Napasapak nalang ako sa noo ko. Kasalukuyan ako  nasa showband headquarters. Nagsisimula na ang welcome party. They introducing the new clubs at sa bawat club ay may representative na magpapakitang gilas. Bale yung mga bagong members yung kasali kaya ako yung napili nila.

Gage talaga!

Hindi talaga ako prepared eh! Buti nalang pang last act yung club namin.

Gage! Hindi rin yun okay dahil mag pe-perform pa rin naman ako. Ano ba napasukan ko?!

"Prepare yourself. You're next."

Parang bigla kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Jin. Teka! Ako na agad?!

"Ako na?! Agad agad?!"

Gulat kong reaksyon. Tumango siya bilang sagot.

"Parang kanina lang yung first club pala yung nasa stage. Ilan ba club yung mag pe-perform?"

"Tatlo."

Nyeta! Napatayo ako sa gulat

"Tatlo?! Akala ko sampu!"

Hindi ko alam kung maiinis o makyu-kyutan ako sa itsura ngayon ni Jin. He was about to laugh but he manage his default serious mode.

"Get ready. I know, you can do it."

"Wow. Thank you ah,"sarkastiko kong sagot. Bakit hindi niya man lang nila sinabi na pang tatlo ako sa mag pe-perform? They just informed me na ako ang last act.

Kainis!

Wala pa man ako sa mismong stage, dinig na dinig ko na mula sa likod ang mga ingay nila. It makes me more nervous. Kasama ko ang mga ka showband ko. They cheering me na kaya ko daw yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon