LIT: CHAPTER 2

14 3 12
                                    



"Aba! Naghanap ka pa ng kakampi!"

Ibalik kong muli ang atensyon ko kay Botchoy. Nakatingin na siya nang masama kay Wesley pero mukhang nasasaktan na siya dahil sa mahigpit ang hawak ni Wesley sa kamay niya.

"Bitiwan mo ako!" singhal ni Botchoy at pilit niyang tinatanggal ang kamay niyang hawak ni Wesley.

Though Botchoy's wrist is kind of big because of his fat habang si Wesley naman ay kalahati lang sa katawan ni Botchoy. Wesley can hold his wrist tightly.

Sumenyas si Botchoy sa kasamahan niyang tulungan siya. Muntik pa akong matawa nang mapansin kong nag aalangan sila para tulungan si Butchoy. Napansin ko rin ang ilang mga dalagang nanunuod sa amin na kinikilig habang nakatingin kay Wesley.

Tss. Kalandian. Makakita ng gwapo matic nang kikiligin ang pempem.

"Bro, are you carps?" tanong ni Wesley na may pang malakasang accent. Napakunot ang noo ni Butchoy. Halatang hindi niya naintindihan ang sinabi ni Wesley.

"Putang ina! Anong pinagsasabi mo? Bitiwan mo nga ako!"

"Deins bro. I won't bitiwan you unless you will say sorry to my bestfriend."

I blew out my cheeks because of his maarteng language. Taena! Daig pa niya yung mga maarteng babae. Baklang bakla pero hindi siya bakla.

"Ano?" Si Botchoy na sobrang nakakunot na ang noo at pilit na iniintindi si Wesley.

Wesley is a Half American and Half Filipino. Nakilala ko siya noong second year high school dahil naging magkaklase kami. Transfere siya at galing sa America. Binully siya ng mga kaklase namin dahil sa kakaibang mata niya, kulay asul, at may bakal sa ngipin. Hindi siya marunong mag tagalog dati kaya siguro walang lumalapit sa kanya.

Napaka lampa pa niyan at ubod ng kamalasan. Isang araw nakita ko siyang sinasaktan ng tatlong lalaki sa likod ng faculty room ni Ma'am Casandra. Ang ayoko sa lahat ay yung mga taong nanakit sa kapwa niya nang walang kalaban laban. Hindi ako nakapag timpi at tinulungan ko siya sa tatlong iyon. Magmula noon palagi niya na akong sinusundan. Naging makulit siya sa akin at gusto niya raw akong maging kaibigan. Ayoko naman dahil ayokong makipag english-san sa kanya. Pero dahil nga sa natural niyang pagiging makulit ay napasuko niya ako at napasubo sa English-an.

Tinapik ko si Wesley sa balikat. Nang lingonin niya ako ay bahagya siyang yumuko para makita niya lang ako. Napaka unfair, magkapantay lang kami niyan ni Wesley noon pero ngayon ay matangkad na siya sa akin.

"What is it?"

"Bitiwan muna siya."

"No! No! He is too chubs and you might talsik if he will punch you."

"Hindi yan. Bitiwan mo na," paninigurado ko saka siya sininyasan na bitiwan na si Botchoy.

Mabilis na sinalo ni Botchoy ang kamay niyang nanghihina. Nagsitakbohan papunta sa kanya ang tropa niyang nabahag ang buntot.

"Teka nga! Ano naman ang ginagawa mo rito Wesley?" irita kong tanong.

Lumipat na sila ng Centro pagkatapos ng high school graduation namin. Tatlong oras ang byahe papunta rito sa maliit na baranggay namin. Itong Baranggay namin ang pinaka dulo ng bayan.

Piniktosan niya ako sa noo kaya pinanlisikan ko siya ng mata. Bwesit!

"Hey! Hey! That's not the proper way to welcome your handsome visitor pare! Have some mercy ah? Didn't you miss me?"

"Tss! Loko."

"Inay ko po! May kutsilyong hawak si Botchoy!" sigaw ng isang dalaga.

Mabilis na dinapuan ko ng tingin si Botchoy na ngayon ay handang itama ang kutsilyo sa braso ni Wesley. Itinulak ko si Wesley pakanan. Mabilis na sinipa ko ang betlog ni Botchoy Automatikong lumukot ang katawan niya at nabitiwan ang hawak na kutsilyo.

"Pare!" Sigaw ni Wesley.

Bahagya kong itinaas ang kamay para senyasan siyang ako na ang bahala.

"Hayop ka!" daing ni Butchoy at namimilipit sa sakit.

"Sarili mo ba ang tinutukoy mo?!" natatawa kong usal.

"Yan! Bagay yan sayo!"

"Kaya mo yan Ligaya!"

"Bigyan mo nang leksyon yan!"

Sigawan naman ng ilang manonood.

Sumigaw si Botchoy nang resbak kaya sunod sunod na sumugod ang apat niyang kasamahan. Hindi naman ako nahirapan dahil malalaki yung pangangatawan nila as in matataba kaya nahirapan silang labanan ako. Ginamit ko yung technique sa pakikipaglaban ni Jackie Chan. Idol ko kasi siya eh kaya sa huli tumba yung apat! Pwede nang litsunin ! PWEE!! Paika ika tumakbo papunta sa akin si Botchoy para atakihin ako ng suntok pero mabilis akong nakailag.

Sumemplang siya sa semento. Nakapamewang akong lumapit sa kanya. Dinukot ko sa bulsa niya yung perang kinuha nila sa amin. Nagsihiyawan ang mga tao.

"That's my Pare!"

At ganun din si Wesley. Hindi ko maiwasang mapailing nang mapansin kong nasa likuran niya na ang mga dalaga na kanina lang ay pinagpapantasyahan siya. Muli kong nilingon si Botchoy na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.

"Ano kaya pa?!"

Maangas kong tanong. Itinaas ko sleeve ng damit ko.

"Tama na! Tama na ! Ayoko na!" Tumawa naman ako.

"Yon lang? Ni hindi ko ginamit sayo yung mala Jackie Chan moves ko eh! Watcha!" Nag ala kung fu style ako. Natakot naman siya. Lampa pala eh!

"Yong sinasabi ko pala sayo kanina. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga katulad mong batogan! Asang asa ka sa mga perang ibinibigay sayo eh hindi mo naman yun pinaghihirapan depungal ka!" Sinipa ko siya sa pwetan.

"Aray! Tama na!" Para na siyang batang umiiyak. Tsh!

"Tapos sisihin niyo ang gobyerno kasi walang pagbabago?! Aba! Kilos kilos din pag may time ano?! Paano naman magbabago ang Pilipinas kung mismong sarili mo hindi mo kayang bagohin kaya sa susunod-- " Inapakan ko yung paa niya. Napadaing siya sa sakit.

"Sa susunod na makita ko pa yang pagmumukha niyo hindi lang mala Jackie Chan bogbog ang matitikman niyo! Pati na rin ang mala Jet Li, Stephen Chow, Donnie Yen o baka naman Tony Ja para basag yang mga bungo niyo!"

"Oo na! Oo!" Sabay sabay pa nilang wika.

"Alis!" Wala pang isang secondo nagsitayuan sila. Naunang tumakbo yung apat habang si Botchoy naman paika ikang tumatakbo. Pasimple akong kumuha ng repolyo.

"Botchoy! May naiwan ka!"

"Ah?"

Dahil sa uto uto siya. Lumingon siya sa akin. Tinapon ko kaagad sa mukha niya ang repolyo at bogsh!

"Shoot!" Tumama sa noo niyo sabay na nawalan ng malay.

Galing diba?! Nagsipalakpakan at naghiyawan ang mga taong nanunuod. Ngumiti ako sa kanila saka kumaway. Lumapit naman sa akin si Wesley at sabay na inakbayan ako.

"You're so magaling, Manilyn!" 

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon