LIT: CHAPTER 4

14 2 8
                                    



Upang makalma ko ang sarili ko sa nagbabadyang luha ay pumikit ako nang mariin para pakalmahin ang sarili ko. Madalas ko itong gawin sa t'wing nagagalit o kaya nasasakatan ako para pakalmahin ang sarili ko. Yun nga lang ay hindi iyon nagawa kanina sa palengke.

"Kumalma ka Manilyn," bulong ko sa sarili.

Simula nong bata pa ako ay nararamdaman ko nang malayo ang loob sa akin ni lolo. Madalas niya akong paluin at pagalitan. Ako iyon palaging inuutusan niya sa lahat ng mga gawain. Nasasaktan ako sa pakikitungo niya sa akin pero mas masakit ang malaman na gusto niyang mawala na ako sa buhay niya.

"Gags! Ano ba!" reklamo ko nang maramdamang may humawak bigla sa ilong ko at pinisil iyon nang mahigpit. Mabilis kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang nakakabwesit na mukha ni Wesley.

Nabwe-bwesit ako dahil ang gwapo niya. Out of this world. Para nga siyang teen Hollywood star. Nakakainis! Pigil ang inis ko nang bitiwan niya ang ilong ko.

"Gags? What is the meaning of that?" ayan nanaman tayo sa accent niya. Medyo may pagka malalim ang boses niya pero kapag nagsasalita na siya especially with Filipino words or phrase nagiging malambot. Nagiging sexy pakinggan kaya nabwe-bwesit ako kapag nagsasalita siya.

"Gago ang ibig sabihin non! Gago ka talaga e no?! "

Lumapit ako sa kanya at tumingkayad para hawakan siya sa kwelyo at mukhang mali ang ginawa ko dahil nong iangat ko ang kwelyo niya ay mas tumingkayad pa ako dahilan para mawalan ako ng balanse.

"Bwesit!" singhal ako. Napahigpit ang hawak ko sa kwelyo niya at umasang sabay kaming matutumba at madadaganan niya pa ako pero bago pa iyon mangyari ay mabilis niyang hinigit ang bewang ko at hinila palapit sa kanya.

Palihim akong napalunok nang maramdaman kong may tumamang matigas na bagay sa tiyan ko. Umumpog din nang malakas ang ulo ko sa dibdib niya.

"Hey! What kind of stupidness is that Manilyn?" Narinig kong singhal niya sa akin.

Saktong pag angat nang ulo ko para tignan siya ay siya rin pagyuko niya. Nanlaki ang mga mata niya nang ilang inch nalang ang layo ng mukha namin sa isat isa. Kaunting usog lang ng ulo ko ay mahahalikan ko na siya. Mas nasisilayan ko ang nagkukulay asul niyang mga mata.

"A-answer m-me?" nauutal niya nang sambit. Itinulak ko siya ka agad palayo at nagkunwaring sumusuka. Taena! Nakakadiri iyon ah! Hindi, joke lang. Nakakailang pala pero nakakadiri parin dahil hindi kami talo.

"Hoy! Huwag mo na ulit iyon gagawin ah? Bwesit! Nakakadiri!" Kumunot ang noo niya.

"What?" habang nakataas nang bahagya ang balikat at dalawang kamay niya. Pinanlisikan ko siya ng mata.

"Akala ko ba nasa loob ka? Anong ginagawa mo rito?"

"Grandma Gandita asked me to get you inside. What are you doing here? Your eyes are closed like as if you're sleeping that's why I did that."

"That's crazy, Wesley!" inis kong wika saka padabog na naglakad papunta ng bahay. Hindi pa man ako nakakalayo sa kanya nang hawakan niya ako sa balikat at dahan dahan hinarap sa kanya.

"Is that true? Are you going to Manila?"

Mukhang sinabi na ni lola sa kanya.

"Yes."

"Why didn't you tell me? And you're leaving tomorrow?" Bumuntong hininga ako bago siya nilingon.

"Oo," tipid ko ulit na sagot.

"Why?" malungkot niyang tanong.

"Dahil doon ako mag aaral ng Senior High School."

Isang linggo na ang lumipas nang magsimula ang pasukan. Akala ko ay hihinto muna ako sa pag aaral pero kinausap ni lola si Mam Michelle at nagpresenta itong siya na ang mag papaaral sa akin. Nakalimutan kong sabihin kay Wesley ang tungkol doon.

"Okay, I thought I was the only one leaving, you too."

Napayuko siya nang sabihin niya iyon.

"Anong ibig mong sabihin?"

Iniangat niya ang ulo niya para tignan niya ako sa mga mata. His blue eyes are so magnificent that I could not help but be amazed but I cringe when he pouted at me.

"I will be going to US next week," he said.

"Oh," nasambit ko lang.

Sabay kaming napabuntong hininga.

Kinabukasan...

"Lola, bakit hindi po sumama sa lolo?"

Kasalukuyan nandito kami sa waiting shed. Dito dumadaan ang bus papuntang Maynila. Si lola at Wesley ang kasama ko samantalang si lolo ay wala rito.

"Halika nga rito."

Lumapit ako kay lola. Inaayos niya ang damit ko habang tipid na ngumiti.

Pinanuod ko lang siya.

"Maagang umalis ang lolo mo para hanapin yung kalabaw natin nawawala," aniya habang inaayos na ang buhok ko.

Mas importante pa yung kalabaw kaysa sa akin?

"Apo," malambing niyang sambit at nilapat niya ang palad niya sa magkabilaan kong pesngi.

Tinignan niya ako sa mata.

"Mahal ka ng lolo mo. Tandaan mo iyan."

"Pero bakit kahit ngayon lang hindi siya nagpakita sa akin. Mawawala ho ako nang matagal, hindi ba siya nalulungkot na aalis na ako?"

"Huwag mong sasabihin 'yan apo. Mahal na mahal ka ng lolo mo."

Pilit lang akong tumango sa kanya.

"Mag iingat ka ah? Huwag na huwag kang papasok ng gulo at kahit ano pa 'yan. Ayokong nasasaktan ang napaka ganda kong apo."

"She's not beautiful Grandma." Biglang singit ni Wesley kaya nilingon ko siya at tinignan nang masama.

"Tumahimik ka nga."

"I can't hear you."

"Apo."

Napatingin ako kay lola nang hawakan niya ang kamay ko

"Gusto ko kapag bumalik ka rito ay ikaw pa rin ang dating apo na mahal na mahal namin. Huwag mo kami kakalimutan kahit na anong mangyari ah?" makahulugan niyang usal kaya palihim kami napatingin ni Wesley at nagtaka.

Tumango nalang ako. Wala akong ibang maramdaman kundi ang kaba na may halong excitement.

Nang huminto na ang bus sa harap namin. Niyakap ako ni lola nang mahigpit. Muli siyang nagbilin na mag iingat ako. Sinabi naman niyang may susundo sa akin papunta sa bahay ni Ma'am Michelle.

Nilingon ko si Wesley na ngayon ay inaabot na sa akin ang isang malaking bag na hawak niya.

"Manilyn."

Bago ko pa makuha ang bag na inaabot niya sa akin, hinila niya ako palapit sa kanya para yakapin.

"I'm going to miss you."

"Ako rin naman," bulong ko. Ginulo niya ang buhok ko bago kami naghiwalay.

"Take care, behave and huwag nang magmura. It's not really suits you."

Bigla niyang binato sa akin ang bag. Napaatras pa dahil napalakas ang pagbato niya. Buti nalang at nasalo ko ka agad.

"Tarantado ka ah!"

"Hey! Stop cursing you little wretched." Balak ko sana siyang duruin nang bigla niya akong pinatalikod at tinulak papasok ng bus.

"Paalam apo! Mag iingat ka." Narinig kong paalam ni lola. Sinulyapan ko si Lola at kumaway.

"Paalam po."

Pareho silang kumaway sa akin. Sinarado na ng konduktor ang pinto ng bus. Naglakad na ako papunta sa dulo ng bus na may bakanteng upuan. Pabagsak akong umupo, sandaling napapikit at huminga ng malalim.

Sana maging maayos at ligtas ang mga taong babangga sa akin ay este ako pala. 

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon