LIT: CHAPTER 13

12 2 4
                                    



"Sigurado ka? Pwede naman ako nalang," pagpupumilit ni Ate Hayde. Kulang nalang agawin niya ang dala dala kong paper bag na ibibigay kay Sir Robert. Bakit parang ayaw ako nitong paalisin?

"Te okay lang talaga. Tapos ko na rin ayusin yung pinamili ko tsaka wala naman ako gagawin ngayon."

"Ano kasi eh." Sabay kamot niya sa ulo

"Ano?"

Sasagot pa sana siya nang tawagin siya ni Donita mula sa loob.

"Hayde! Ano ba! Kanina pa kita tinatawag! Halika nga dito!" sigaw ni Donita.

Wala naman nagawa si Ate Hayde kundi sumunod sa inuutos ni Donita pero bago siya umalis may sinabi siya sa akin.

"Mag iingat ka ah," huli niyang sinabi bago umalis.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

Bakit parang takot na takot siya para sa akin?

Iinisip ko pa iyon habang naglalakad papuntang gate. Nasa labas na kasi ang kotse ni Manong dahil ihahatid niya ako. Nasa baguio pa si Ma'am at mamaya pa daw siya uuwi. May sariling kotse naman si Ma'am kaya hindi na sumama si Manong pero mga pagkakataon na sumama si Manong lalo na kapag malayo.

Sinalubong naman ako ni kuya Fred.

"Pupunta ka raw kay Sir Robert?" tanong niya.

"Oo eh."

"Naku! Mag iingat ka ah," usal pa nito habang binubuksan ang maliit na gate. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pareho sila nang sinabi ni Ate Hayde. Pinagtritripan ba nila ako? Tinatakot? Pwes! Hindi pero ewan ko lang talaga kung bakit nila sinasabi 'yan sa akin.

"Ah? Bakit ako mag iingat?"

Tanong ko nang makalabas na ng gate.

"Ah kako mag iingat kayo sa byahe ni Manong," bawi niya saka ngumiti nang pilit. Nag salute siya sa akin bago sinara ang gate.

Sumakay na ako sa kotse at umalis na kami ni Manong. Pareho lang kami tahimik ni Manong. Siguro dahil pagod na siya. Nakakahiya tuloy.

"Okay ka lang ba, iha?" tanong niya nang mapansin ako na parang may malalim na iniisip. Tumingin pa siya sa rear mirror para e check ako.

"Okay lang naman ho ako kaya lang nagtataka ako kung bakit ako ang gusto papuntahin ni Sir Robert tapos kanina sinabi pa sa akin ni Ate Hayde at Kuya Fred na mag iingat daw ako," sumbong ko naman.

Bigla siyang natawa.

"Ano po nakakatawa?"

"Huwag mo nang isipin pa ang sinabi nila. Mabait si Robert. Hindi 'yon nangangain," pabiro pa niyang sagot.

After 20 minutes nakarating kami sa sinasabi nilang bahay daw ni sir Robert at ng mga kaibigan niya.

"Hihintayin kita dito, iha."

"Hindi ka po sasama?"

"Hindi na iha."

Balak kong kulitin si manong na dapat sumama siya dahil hindi naman ako pamilyar sa bahay at lalo na kay Sir Robert pero sige na nga.

Nagpaalam ako kay Manong at bumaba na.

Pagbaba ko parang literal na nalaglag yung panga ko sa nakita ko.

Mataas yung gate at hindi kita kung ano man ang nasa loob pero masasabi kong mas bongga at yayamanin 'to. Magkakalayo ang mga bahay dito at itong lugar na ito kung saan ako nakatayo ay parang dulo na ng kalye. Sa kabilang side naman ay ang napakalawak na taniman ng palay.

Lumapit ako sa gate at pinindot iyong isang gold na button na sa tingin ko ay doorbell. Nakatatlong doorbell ako nang biglang may narinig akong boses sa kung saan.

"Who's this?" lalaki ang boses.

"Hmm. Ako yung pinadala ni Sir Robert ser."

"K."

Maya't maya ay biglang may narinig akong beep. Bahagya pa akong napaatras nang dahan dahan bumubukas ang gate. Iginawi ko pakanan ang ulo ko para silipin ang nasa loob at parang timang ako nanlaki ang mga mata nang makita ang nasa loob.

Mula sa di kalayuan ay kita ko ang di kataasan bahay pero hula ko ay second floor iyon tapos parang pahaba. Yung parang sa napapunuod ko sa palabas na bahay ng mga mayayaman bida. May mga nakaparada sasakyan pero mostly mga motor tapos dalawang fountain na madadaanan mo bago makarating sa entrance ng bahay.

Pumasok ako at nagsimula humakbang papuntang bahay.

Nang madaanan ko ang dalawang fountain na nasa magkabilang side ay pareho ko iyon sinilip. Napangiti ako nang makita mga isda sa fountains.

Hindi ko na namamalayan na nasa tapat na ako ng double-door ng mansion. Ang tahimik naman. Ewan ko kung bakit parang may na ra-radar akong masama mangyayari. Kumatok ako sa pinto pagkatapos ay nagtaka ako nang unti unti bumubukas ang pinto kahit wala naman tao.

Napakunot ang noo habang panapanuod iyong bumabakas. Dahil napakatahimk ay naririnig ko ang pagyagitnit ng pintuan. Nang tuluyan bumukas ang double door ay bumungad sa akin ang loob na dim lang ang liwanag. Shuta! Bakit walang tao?

"Tao po? May tao ba diyan?" sigaw ko at umaasang may lalabas na tao mula sa loob.

"Tao? Wala ba tao diyan?!" muli ko sigaw pero this time ay mas malakas iyon kumpara kanina.

Nang wala kong makuhang sagot ay balak kong bumalik sa kotse para sabihin kay manong na wala ng tao pero nahinto ako nang may narinig ako boses mula sa loob. Parang huminhingi ng tulong.

"Tulong!"

Sabi na tama ako!

Hindi ako nagdalawang isip na pumasok sa loob atsaka hinanap ang boses. Nakarating ako sa kusina at nagtagpuan ko ang nakabukas na ref at isang lalaki nakahandusay sa sahig. Kahit paano ay naaninag ko siya dahil sa ilaw na nanggaling sa Ref. Nakadapa siya at puno ng dugo ang boung katawan tapos may kutsilyo nakabaon sa likod niya.

"Shutang ina! Anong nangyari!" nagmamadali akong lumapit sa lalaki.

"Hoy!"

Inaalog ko siya para di makatulog. "Ano ba!"

Maya't maya nakaramdam ako ng presenya mula sa likod ko at nang lingonin ko ay hindi nga ako nagkakamali dahil may isang lalaki nakatayo, may suot na itim na mascara at may hawak na kutsilyo na may sariwang dugo pa. Mabilis akong tumayo at nang aktong itataas niya ang kamay na may hawak na kutsilyo ay mabilis kong binato sa mukha niya yong hawak kong paper bag.

Rinig ko ang malutong niyang mura nang tumama iyon sa mukha niya. Sunod ay lumapit ako sa kanya at sinalubong ko ng suntok ang mukha niya. Muli siyang napamura at hirap na gumalaw kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para hawakan ang wrist niya at pinaikot para mabitawan niya ang hawak na kutsilyo.

Nang mabitiwan niya ang kutsilyo sinipa ko nang malakas ang betlog niya dahilan para mayuko siya sa sakit at himas himas ang gitnang bahagi. Sa huling parte ng self defense ko ay tinuhod ko ang mukha niya para umaangat iyon at pagkatapos ay tinadyakan ko siya nang malakas.

Tumalsik siya hanggang sa labas ng kusina.

"Woo!" Sigaw ko.

"What the—" narinig ko mula sa likod ko. Biglang bumukas ang ilaw at nagulat ako sa nakita ko. Mula sa pintuan ng kusina ay nakita ko si Manong kasama ang isang lalaking naka puti long sleeves at isa pa lalaki na nasa sahig habang dumadaing sa sakit na sa hula ko ay yung lalaki sumaksak.

And speaking of...

Tumingin ako sa likod para e check kong hindi pa ba patay yung lalaki nasaksak pero laking gulat ko nang makita nakatayo na siya sa likod habang nakanganga at nanlaki ang mga mata.

Teka! Anong nangyayari?!

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon