LIT: CHAPTER 5

18 2 6
                                    


Nagtataasang buildings, sobrang dami ng mga tao at sasakyan at kakaibang amoy na nang galing sa ibat ibang parte na hindi ko matukoy kung saan. Iyan ang sumalubong sa akin pagkababa ko ng bus. Mataas ang expection ko na kakaibang mundo ang Maynila dahil lahat ng bagay na makikita mo doon ay high technology na pero lahat ng expectation ko ay nasira agad pagkalabas ko ng bus. Amoy palang ng buong paligid ay walang wala na sa probinsya namin tapos ang init init pa. Ay jusko! Pero ano pa ang magagawa ko? Ito na ang magiging bagong mundo ko. Wala nang atrasan.

Kasalukuyan akong nakatayo sa may gilid ng kalsada. Medyo malayo sa mismong terminal kaya medyo kakaunti rin yung mga taong nagkalat sa paligid. Naghihintay ako ng susundo sa akin. May susundo raw sa akin eh. 'Yan ang sabi sa akin ni lola. Kinakabahan ako nang kaunti dahil mag iisang oras na akong nakatayo rito.

Sos maryusep! Parang gusto ko na ngang humiga rito. Halos boung araw lang akong nakaupo pero pakiramdam ko ay naubos na ang lahat nang enerhiya ko. Nahihilo na rin ako sa mga taong paroon't parito. Saan ba kasi ang mga lakad nila. Gabing gabi na pero madami pa rin tao.

After a few minutes, wala pa rin. Gusto kong magmura ng malutong. Ano to? Magdamag lang ba akong maghihitay dito? Scam lang? Aba! Dapat hindi na ako lumuwas ng Maynila.

Pambihirang buhay to oh! Hindi na maipinta ang mukha ko habang tinitignan ang mga tao sa harap ko. Wala na ako sa mood ngayon. Wala rin akong oras para e-appreciate ang mga nagtataasang bulidings o ano pa nakikita ko. Binalak kong tawagan kanina si lola pero kamalasan ang nakuha ko dahil nawalan na ako ng load. Napaka malas ko talaga! Si Wesley naman naka 5 missed call. Hindi ko nasagot.

Pinunas ko ang ilang butil ng pawis sa mukha ka. Feeling ko nga ang dugyot ko na ngayon. Basang basa na ako ng pawis. Naglalagkit na rin ang buhok ko at nakakaramdam na ako ng gutom. Kainis!

Nagkakamot ako sa ulo ko nang bigla may sumulpot sa harap ko. Tatlong lalaki. Badtrip yung isang kasamahan nila habang kinakausap yung dalawa.

"Asan oh?! Asan?! Alam mo tol! Umalis nalang tayo. Sinasayang lang natin ang mga oras natin and look around---" huminto siya at tinignan ang boung paligid hanggang sa dumapo ang mata niya sa akin sabay ngiwi tapos tumingin ulit sa dalawa.

Wala sa oras akong napatigil sa pagkamot at napakunot ang noo. Teka? Hinuhusgahan niya ba ako?

"Ang dudugyot at ang babaho. Disgusting!" maarte usal ng maarteng lalaki. Tinaasan ko sila ng kilay kahit hindi nila ako nakikita. Base sa mga itsura ng kumag. Halatang galing sa marangyang pamilya. Suotan palang parang sinasampal ka na ng maraming salapi.

Ang linis tignan ng itsura pati ang mga kutis. Yung isa lalaki nasa left side. Ang amo ng mukha, para ngang walang emosyon. Siya yung tipo ng lalaking tahimik lang sa buhay kahit inuulan ng napakaraming pera.

Yung nasa gitna naman parang leader material. Seryoso ang itsura pagbinangga mo titignan ka lang nang masama tapos susuko ka na agad at yung huling tukmol na umattitude sa akin. Yung aura ng kalinisan niya ay parang si Wesley. Dumihan mo ang damit mumurahin ka ng ilang beses. Itsura palang halatang mayabang at matapobre. Siguro kapag inasar mo to, mapipikon agad.

"Stop complaining, Z!" inis na singhal nong mukhang leader. Halatang may hinahanap siya dahil palingon lingon ang ulo habang hindi maipinta ang itsura.

Napansin kong madaming tao napapalingon sa kanila. Parang artista kung tignan nila at hindi ko naman masisi sila dahil kahit papaano ay may itsura silang tatlo. Pang matinee idol kumbaga.

Pumasok bigla sa isip ko si Wesley.

"Walang wala yan kay Wesley," bulong ko sa sarili habang hindi inaalis ang tingin sa tatlo. Hindi naman nagtagal at umalis na sila.

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon