LIT: Chapter 23

2 0 0
                                    

Manilyn POV

Nagtungo ako sa office ni ma'am pagkatapos ng hapunan. Hindi siya sumabay sa amin dahil kumain na raw siya sa labas pero kanina napansin kong hindi maganda ang mood niya.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ng opisina ni ma'am, nagdalawang isip pa ako kung pupuntahan ko ba siya o bukas nalang.

Umiling ako.

"Pagod si ma'am. Tama, bukas nalang," kausap ko sarili ko at maglalakad na sana palayo nang bigla bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Ma'am.

Nagulat siya nang makita ako.

"Iha,"

"Hello, Ma'am," nahihiya kong usal sa kanya.

"Nakapag desisyon ka na ba?"

"Opo. Sa katunayan niya pumunta po ako rito para sabihin ang desisyon ko."

Tumango siya.

"Ano ang desisyon mo?"

"Pumapayag na ho ako sa inaalok ni Sir Robert," diretsa kong sagot.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero mabilis niya naman nabawi nang dahan dahan siyang tumango at tumingin sa akin ng seryoso.

"Are you sure?"

Ipinaglapat ko ang labi ko at saka tumango.

"Opo," sagot ko.

"Okay. If that's your decision. I'll call Robert and will tell him na pumayag ka na. Sasabihan nalang kita kung kailan ka lilipat."

Bahagya akong yumuko sa kanya.

"Thank you, Ma'am Michelle," aniya.

Tipid siyang napangiti sa inasta ko.

"Please don't call me 'Ma'am, iha. Hindi ka na iba sa akin. Tita nalang."

Nahiya ako bigla sa sinabi niya. Hindi kasi ako sanay.

"Sige po," nahihiya kong sagot.

"Don't forget that ah? O siya, lalabas lang muna ako."

"Saan po kayo pupunta? Gabing gabi na ho."

Mag a-alas otso na ng gabi. Hindi kaya magtra-trabaho pa siya? Pero tapos na ang trabaho niya kanina.

"May i-me-meet lang ako. Hmm Iha, pwede ba paki tawag si Donita?"

"Ah sige po."

Nag paalam na ako sa kanya at nagmamadali pumunta ng kusina para tawagin si Donita.

Kinabukasan.

"Bakit ka ba interesado sa kanila?" takang tanong ni Maribel. Kasalukuyan nasa isang bench kami habang nagpapatay ng oras.

Hindi kasi pumasok si sir Alan. Nag celebrate ang mga classmate namin dahil hindi papasok ang terror teacher namin. Kahit pa-paano makakahinga kami nang maluwang ngayong araw.

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon