LIT: CHAPTER 7

12 2 5
                                    



"O siya! Natawagan ko na si Lola. Sinabi ko dito ka muna matutulog sa dorm ko pero bukas daw ay ihatid nalang kita. Binigay niya na sa akin ang address kaya huwag ka na diyan ma stress bhie," sabi ni ate pagkatapos niyang tawagan si lola. Sa mismong number niya tinawagan si lola para sabihing kasama niya ako at para huwag nang mag alala si lola. Binigay sa akin ni kuya ang bag ko na hawak niya kanina.

"Thank you talaga te."

Malaki ang naitulong niya sa akin.

Ngumiti naman siya at tinapik ako sa balikat.

"Huwag mo nang isipin yan bhie. Manong diyan nalang po kami sa kanto." sabi niya sa tricyle driver. Huminto ang tricycle sa tapat ng isang di kalakihan at lumang compound. Niyakap ko ang bag ko at tumingin sa labas. Maraming kabataan ang nakatambay sa labas. Hindi na bago kahit sa probinsya ganyan din sila.

Nag presenta ako kay ate na ako na ang magbabayad dahil nakakahiya na pero tumanggi siya at pabirong tinapik ang kamay ko nang iabot ko sa kanya ang pera.

"Para naman tayong others bhie. Bumaba na tayo."

Ako ang naunang bumaba. Napansin kong napalingon sa akin ang mga kabataan nakaupo sa sementong upuan. Huminto sila sa pagtawa at sabay sabay na napalingon sa akin.

"Oy chicks!" sabi ng lalaking nagkukulay tanso ang buhok. Tipikal na tambay sa kanto.

"Ganda! Anong pangalan mo?"

"Pa isa nga!"

Shutang ina! Nagpigting ang tenga ko dahil sa sinabi ng isa. Mabilis kong hinanap sa limang tambay ng mga lalaki kung sino ang nagsabi non at nakangisi pa ang mga tulmol!

"Hoy mga tarantado kayo! Sino nagsabi non ah?" Balak kong lapitan sila pero pinigilan ako ni ate Cheska at hinila papasok sa compound. Bale may malaki ngunit sirang gate ang masasalubong mo pagkapasok sa compound. May iilang bisikleta nakaparada at isang motor. May taas na tatlong floor ang compound at halatang luma na.

"Hayaan mo na sila bhie. Walang mangyayari kung papatulan mo ang mga 'yon. Masisira ang beauty mo," sabi ni ate Cheska at huminto. Nagpamewang siya.

"Kapag inulit nila yon! Masasapak ko sila," inis kong usal. Badtrip lang kasi. Ang ba-bastos ng mga bunganga nila. Ang ba-bata pa kung ano ano na ang lumalabas sa bibig.

"Kalmahan natin bhie. O siya, hanggang dito lang kita ihahatid. Yung dorm ko ay nasa 2nd floor. Hanapin mo number 13 room. Heto ang susi." Inabot niya sa akin ang susi. Kinuha ko naman iyon.

"Saan ka naman kasi te pupunta? Gabing gabi na oh."

"May trabaho nga ako"

"Anong trabaho?" nagtataka kong tanong.

"Bouncer sa isang resto-club. T'wing gabi ang duty ko."

"Ang astig mo naman pala," mangha kong nasabi sa kanya.

Nag flip naman siya ng invisible hair niya tsaka nilagay ang dalawang kamay sa magkabilaang bewang niya.

"I know, right," maarte niyang usal.

Sabay naman kami natawa.

PARANG lutang ang pakiramdam ko habang naglalakad papunta sa sinasabing kwarto ni ate Cheska. Tahimik ang boung sulok ng hallway at wala akong nakakasalubong na tao. Dala ng pagod, puyat at init parang gusto ko nang humiga sa malambot na kama at matulog magdamag. Nasa second floor daw ang kwarto ni ate. Akala ko ay may masasakyan akong elevator man lang pero wala. May dalawa nga elevator pero parehong sira.

Ang hirap ng buhay! Kinailangan kong maglakad nang halos lagpas sa bente baitang. Para akong lantang gulay na naglalakad. Medyo may kadiliman itong dinadaanan ko kaya kinailangan kong maging maingat. Bahagya akong napayuko upang siguradohin na tama ang bawat hakbang ko.

"Watch out," sabi ng isang boses. Huli na nang marehistro sa utak ko ang babala. Sa pag angat ng ulo ko ay bumangga ako sa isang dibdib ng lalaki. Muntik na akong bumagsak kung hindi ko naagapang ibalanse ang katawan.

"Lintek naman oh!" inis kong usal sa sarili at dahan dahan hinihimas ang ulo. Tinignan ko ang lalaking bumangga sa akin. Medyo may kadiliman ang lugar pero kahit papaano ay naaaninag ko ang mukha niya.

His expression was dead serious. Siya iyong tipo ng taong pakikibugbogan ang libangan. Paano ko nasabi? Halata sa itsura niya. May band-aid ang kaliwang kilay niya at may pasa ang gilid ng labi niya. Kung tignan niya ako ay parang may balak siyang masama.

"Ano? Titigan mo lang ako?" seryoso at parang nagbabanta usal ng lalaki dahilan upang taasan ko siya ng kilay.

"Umalis ka sa daraanan ko," sabi niya ulit pero naramdaman ko yung panliliit niya sa akin. Hinawakan ko nang mahigpit ang hawakan ng bag ko at pinag umpog ang mga ngipin dala ng inis.

Gusto kong patulan siya pero wala na akong lakas para gawin pa iyon. Inis akong bumuntong hininga at dahan dahan gumilid ngunit hindi pa man ako nakakalahati nang maglakad na siya pababa. Tumama pa ang balikat niya sa balikat ko at muntik pa nga akong mawalan ng balanse sa pangalawang pagkakataon. Inis ko siyang nilingon.

"Hoy gago ka no? Apaka yabang mong bwesit ka!" sigaw ko habang naglalakad na siya palayo.

FINALLY nakapasok na ako sa dorm ni ate Cheska. Medyo may kaliitan nga lang. Pagpasok mo palang, sala na agad. Walang partition ang kusina at sala kaya kitang kita mula rito ang mga gamit sa kusina. May maliit siyang ref at TV. Dalawang pinto lang ang meron, sa cr saka kwarto niya. Nagtext sa akin siya para sabihin na sa kwarto niya nalang muna ako matulog dahil umaga na siya uuwi.

Nagpahinga muna ako sa sala ng ilang minuto habang chini-check ang cellphone ko. Walang tawag si lola samantalang si Wesley ay nakalimang tawag. Hindi ko nasagot kanina dahil busy ako. Last call niya ay kaninang alas nyebe, alas onse na ngayon. Nag iwan din siya ng tatlong message. Nagtanong kung okay lang ba ako, bakit hindi ko raw sinasagot ang tawag niya tapos ang huli nag good night siya at sinabing tatawagan niya ako bukas ng hapon.

After a few minutes. Naligo na ako. Kailangan e! Nangangamoy na. Pagkatapos kong maligo pumunta na ako ng kwarto. Inayos ko muna ang gamit ko. Medyo makalat yung kwarto ni ate kaya nilinis ko na rin. Nang matuyo ang buhok ko saka ako nahiga sa kama at natulog.

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon