LIT: CHAPTER 15

8 2 12
                                    


"Niligtas mo ako," aniya habang titig na titig sa mukha nong Ivan. Nakatingin din siya sa akin habang nakakunot ang noo.

Bakit ang gwapo niya? Bakit mukha siyang anghel? Shuta!

Napalunok ako bigla. Sunod sunod akong napailing habang nakatingin pa rin sa kanya. Mas lalo naman kumunot ang noo ni Ivan.

'Tigilan mo 'yan kahibangan, Manilyn! Huwag mong iisipin na gwapo siya. Hindi porket niligtas ka niya ay pupurihin mo na ang itsura niya. Kaibigan pa rin siya ni Sir Robert at lahat ng kaibigan niya ay masasama ang ugali.

"Hindi ka pogi!" naibulalas ko.

Shutang ina!

"What?!" takang tanong ni Ivan.

"Holy cow!"

Sabay kami napalingon sa gilid nang may biglang nagsalita. Ngayon ko lang napagtanto na muntik na akong masagasaan ng motorsiklo. Sumempalang ang motor bago pa man tumama sa akin kasama ang driver.

Binitiwan ni Ivan ang kamay ko at nagtungo sa lalaki nasa semento. Napalunok ako nang sunod sunod. Sana naman hindi siya napuruhan.

Nilapitan ako nong babae bumangga sa akin kanina.

"Ayos ka lang?" Nilingon ko siya.

"Hindi," diretsa kong sagot.

Hindi ako okay dahil muntik na akong masagasaan tapos...

"Shit!" mura nong lalaki habang tinutulungan ni Ivan makatayo. Sabay kami napatingin nong babae sa dalawa.

"Oh no!" bulalas nong babae habang nakatakip pa ang bibig gamit ang isang kamay nito.

"Bakit?" tanong ko.

Hindi siya nakasagot dahil bigla nagsalita si Ivan

"Are you fine?" Ivan asked.

"Dude! What kind of question is that? Obviously, I'm not!"

Nang makatayo yung lalaki ay kaagad niya akong hinanap. That moment his eyes dropped on me ay bigla niya akong dinuro. Mukhang alam na ni Ivan ang sunod na mangyayari dahil bigla niyang hinawakan yung lalaki para pigilan ito.

"You! Fucking bitch! I know that face!"

"Not here, Z. You need to go to clinic," pigil sa kanya nong Ivan.

"Dude! Didn't you remember this face?! Siya yung babaeng tinutukoy ko sa terminal. Siya yung babaeng bumangga sa akin at naging dahilan kung bakit nagkasugat ako sa siko at sa kamay!"

Ano ba sinasabi niya?!

Terminal?!

Oh wait! Siya ba yung lalaking bengi na nakaharang sa daan ko kaya muntik nang makawala ang nagnakaw sa bag ko?!

Shuta!

Ito ba ang bawi sa akin ng tadhana? Kung noon ay nabangga ko siya dahil nakaharang siya sa daan ko. Ngayon naman siya naman ang muntik nang bumangga sa akin. Matindi sa akin dahil motor niya ang babanga sa katawan ko.

"You need to calm down, Z."

"No. Ivan!"

Marahas na tinanggal nong tinutukoy na Z ang kamay nong Ivan. Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit siya sa akin at habang papalapit siya ay marahas niyang tinanggal ang helmet na suot atsaka binato iyon sa sahig.

Napa atras ang ilang mga estudyante nanunuod. Nasira naman ang helmet nong Zero dahil napalakas ang bato niya.

Nang makita ko ang mukha niya ay ka agad na naningkit ang mga mata ko. Shuta! Siya pala yung maarteng lalaki nakita ko sa terminal bago ko siya nabanggaan and all this time, kaya pala pamilyar sa akin ang mukha nong Ivan ay dahil isa siya sa kasama ni Sir Robert nong araw na susunduin sana ako.

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon