LIT: CHAPTER 8

13 2 4
                                    



Nagising ako ng bandang alas singko ng umaga. Paglabas ko ng kwarto saktong pumasok si kuya este ate Cho—Cheska. Ano ba yan!

Napailing nalang ako sa inisip ko.

"Hi bhie! Good morning!" masigla niyang bati. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita siya. Ang cute cute niya kasi. Ang laki ng katawan ni ate pero parang uod kung kumilos.

May dala siyang isang supot ng pandesal at dalawang supot ng pansit.

"Mukhang maganda ang araw mo ngayon ate ah! Good morning din."

Pumunta siya ng kusina na kumekembot. Sumunod naman ako sa kanya.

"Sumuweldo na kasi ang ate mo bhie! Masaya ang betla," sabi niya habang nilalagay sa lalagyan ang pandesal. Naghilamos at nagmumog na ako pagkatapos ay ako na ang nagtimpla ng kape para sa amin dalawa.

Habang nag aalmusal maraming na ekwento sa akin si ate. Magmula kung paano siya naging ate, mga naging trabaho niya at buhay niya rito. Mahirap nga talagang mabuhay lalo na rito sa Maynila. Para ka raw nakikipag karerahan sa pagitan ng buhay at kamatayan. Kapag hindi ka kumilos wala kang makakain. Sipag at diskarte ang kailangan. Kung wala ka niyan ay hindi ka aangat sa buhay.

"Kaya para sa akin bhie. Okay sa akin yan ganyan mong ugali. Alam ko naman keribels mo ang mga 'yan. Maging matapang ka lang palagi at huwag hahayaang apak-apakan ng mga tao. Huwag mo rin susuluhin ang problema at huwag kang mahihiyang lumapit sa akin." ang huling sinabi niya bago matapos ang pag uusap namin.

ILANG beses na akong humihinga nang malalim habang nakasakay sa jeep. Ihahatid ako ni ate sa bahay ni ma'am Michelle. 'Yon kasi ang napagkasundaan nila ni lola. Ilang minuto lang ang byahe pagkatapos ay bumaba kami sa guard house ng subdivision.

"Ano ho kailangan nila?" tanong ni manong guard. Bale dalawa sila naka duty, 'yong isa nasa loob ng guard house.

"Kuya ihahatid ko lang 'tong pinsan ko sa loob. Papasukin niyo naman kami, 'di ba?" usal ni ate. Nawala yung pitik sa boses niya. Naging lalaki siya bigla. Gusto ko tuloy tumawa.

"Sino hinahanap niyo sir?"

"Si Ma'am Michelle ho," sagot ni ate.

Tumingin sa akin si Manong guard.

"Ikaw ba si Manilyn Samonte?" tanong niya.

"Ah oo, ako po 'yon," sagot ko naman.

"Ibinilin na sa amin ni ma'am na darating ka kaya kami na maghahatid sa iyo sa loob."

Lumingon ako kay ate. "Paano yan te?"

"K lang bhie. Sige na. Sumama ka na sa kanila. Tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka o kaya bumisita ka nalang sa akin kapag wala kang pasok." Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Salamat talaga ate," mangiyak ngiyak kong isal at niyakap siya. Nong niyakap niya ako pabalik bigla ako napadaing dahil naipit ako ng mga malalaki niyang muscles. Shuta!

"Te! Huwag mo akong ipitin," daing ko.

Mabilis siyang humiwalay sa akin at tumawa.

"Sorry bhie," natatawa niyang usal.

"Sige na te. Alis na ako. Bibisitahin nalang kita. Mag iingat ka lagi."

Lumapit na ako kina manong guard.

.

AMAZE na amaze ako habang pinagmamasdan isa isa ang mga naglalakihang bahay. Nakasakay ako sa patrol car ng subdivision. Nag dri-drive naman si manong guard. Ang expensive tignan at saka nakakalula. Napansin yata ni manong ang itsura ko kaya nagsalita siya.

"Highclass ang mga nakatira rito. May artista, may senador, doktor at kung ano ano pa," sabi niya.

"Talaga po? Grave!" sagot ko at hindi maiwasang magulat.

Huminto ang sasakyan namin sa mismong tapat ng isang malaking gate. May isang guard ang nakatayo mula roon. Nang makita niya kami ay lumapit siya. Bumaba ako at nagpaalam na sa akin si Manong.

"Manilyn? Ikaw ba si Manilyn?" tanong niya. Mukhang bata pa ang itsura niya. Mga nasa mid 20s ata siya. Naka uniporme siya ng pang guard, may hawak na batuta at may suot na itim na cap. Tumango ako at bahagyang ngumiti..

"Ako nga po," sagot ko.

Balak niyang kunin sa akin ang hawak kong bag pero nahinto siya nang may bumisina mula sa loob.

"Sandali lang," sabi niya at nagmadali pumunta sa maliit na gate na kadugtong lang nitong malaki at dali dali niya iyon binuksan.

Mula sa loob lumabas ang isang lalaki nakasuot ng itim na helmet at sakay sakay ng isang hindi ordinaryong motorsiklo. Mas mataas at malaki iyon kumpara sa normal na motor na nakikita ko. Huminto ang motor nito sa harap ko at nagulat ako nang lumingon siya sa akin. Kahit na hindi ko makita ang kabuan ng mukha niya at pati ang ekspresyon niya. Alam kong nakatitig siya sa mukha ko.

Problema niya? Kinunotan ko siya nang noo at nakipag titigan din sa kanya.

"Sir, ano ho problema?" tanong ni kuya habang papalapit sa amin. Doon niya lang inalis ang tingin sa akin at walang sabi sabi pinaharurot ang sasakyan.

Tumama sa mukha ko ang usok na nanggaling sa tambutso ng motor niya. Napamura ako nang malutong.

"Putang ina naman!" umubo ako nang paulit ulit habang mabilis na pinapaypay ang usok palayo sa mukha ko. Lumapit sa akin si kuya at tinulungan akong tanggalin yung usok. Nang mawala ay suminghap ako nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni kuyang guard.

Inis kong nilingon si kuya.

"Sino ba 'yon kuya?" inis kong tanong.

Nag aalangan pa siyang sumagot. Napakamot pa siya sa ulo.

"Anak siya ng may- ari nito. Si sir Robert." 

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon