LIT: CHAPTER 14

10 2 5
                                    



Tawang tawa si ate Hayde habang e kwenikwento ko sa kanya ang nangyari kanina.

Kanina sobrang napikon ako nang malaman kong prank lang pala 'yon. Bwesit na yan! Ako pa talaga yung pinagtripan. Hindi nakakatuwa. Nalaman ko rin na wala sa Mansyon si Sir Robert at hindi siya yung nabugbog ko.

Thank you, Lord!

Padabog akong lumabas ng bahay tapos sinundan nalang ako ni Manong. Si Manong na ang humingi ng pasensya sa akin kahit hindi niya naman kasalanan. Maloloko talaga daw ang mga kaibigan ni Sir Robert lalo na daw yung Zero pero hindi niya naman aakalain na ganoon kalala ang pagiging pasaway non.

So Zero pala ang pangalan ng bwesit na lalaking iyon!

"Kaloka! Ikaw na! ikaw na talaga Manilyn!"

"Ay naku te! Huwag ka ganiyan. Badtrip talaga ako. Bweisit na lalaking yon! kahit kaibigan pa siya ni Sir Robert. Di ko siya mapapatawad."

Uminom ako ng tubig upang kahit papaano kumalma ako. Hindi pa rin humuhupa ang pagka badtrip ko sa nangyari kanina. Kahit tatlong oras na kami nang umalis sa Mansyon na 'yon hindi pa rin ako nakakamove one.

Nasa kusina kami ngayon ni Ate Hayde. Katatapos lang ng mga gawain niya. Nasa kwarto na rin si Donita at si Ma'am Michelle ay wala pa. Nasa kwarto na sana ako para matulog pero dahil nga sa nangyari kanina ay hindi ako makatulog.

"Alam mo pasaway talaga yang si Zero. Sa magkakaibigan siya talaga ang pinaka maloko. Minsan na ako niyan na prank nong time na nagdala rin ako ng pagkain kay Sir Robert. Buti nalang gwapo siya," bigla ay parang kinilig si Ate Hayde. Napangiwi naman ako.

"Anubayan te. Hindi na uso ang kagwapohan kung katarantadohan din naman ang palagi nasa utak."

Pinalo niya naman ako sa balikat.

"'to naman! Huwag kang ganiyan. Mabait din naman siya hindi lang katulad kay Zyn pero sa kagwapohan naman ay si Zero ang nangunguna. Diba para siyang Korean actor na may pagka Jungkook ang datingan."

Mas lalo akong napangiwi sa pinagsasabi niya. Anong Korean actor? At anong Jungkook? 'di naman ako mahilig diyan tsaka di ko pa naman nakita yung boung itsura nong Zero. Nakadapa siya sa sahig bago nawalan ng malay kaya hindi ko nakita ang itsura niya.

Pero bigla kong naalala yung itsura nong lalaking naka putting long sleeves na kasama ni Manong kanina pagpasok ng Mansyon. Sa pagkakatanda ko binanggit ni Manong yung pangalan niya 'Ivan' pamilyar din sa akin ang itsura 'di ko lang matukoy kung saan ko siya nakita. Artistahin yung itsura ng lalaki yun at yayamanin.

Nagkwentohan pa kami ni Ate Hayde dahil pareho kami hindi makatulog. Bandang alas dyes ay nagtungo na kami sa kanya kanyang kwarto.

Linggo bukas. Isang araw bago ako pumasok.

Pagkarating ko sa kwarto ay kinuha ko ang cellphone ko sa drawer tsaka nahiga sa kama. Walang tawag sina lola pati na rin si Wesley.

Kinaumagahan maaga akong nagising. Naabutan kong nagwawalis ng damo sa likod ng bahay si Ate Hayde kaya tumulong ako. Namalengke naman si Donita. Ayon kay Ate Hayde nakauwi daw ng alas tres si Ma'am pero bumalik daw sa hospital mga bandang alas singko ng umaga.

Boung maghapon akong tumulong sa mga gawain bahay rito. Kahit na todo pigil sa akin si Ate Hayde ay hindi ako nagpaawat. Bukas na din naman ang pasok ko kaya sigurado akong magiging busy na ako bukas.

Dumating ng gabi si Ma'am Michelle kaya sabay na kami naghapunan. Tinanong niya ako kung kumusta ba yung pagpunta ko sa anak niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pero sinabi ko nalang na okay lang naman kahit hindi. Hindi ko naabutan si Sir Robert dahil nga sa ginawa nong Zero. Kinumusta niya rin yung pagpunta namin sa mall. Sabi ko naman okay lang.

LOVE IN TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon