PROLOGUE

998 32 1
                                    

"DARATING na bukas si Yui, plano ko na ipakilala ka na sa kanya," sabi ni Hajime.

Natigilan si Julianna sa sinabi ng nobyo. Tumigin siya dito ng may bahid ng pag-aalala. Iyon ang unang beses na narinig niya mula kay Hajime iyon. He usually didn't want to talk about his Mom. Ang totoo ay iyon ang minsan nilang pinag-aawayan. May mga bagay na gusto niyang malaman tungkol sa binata, gaya ng tungkol sa pamilya nito, pero madalas ay ayaw nitong sagutin iyon. Kapag nangulit siya ay magagalit ito. Hindi niya maintindihan noong una pero mas pinili ni Julianna na unawain ito.

"Oh, bakit parang gulat na gulat ka?" natatawang tanong nito.

"Akala ko ba ayaw mo na pinag-uusapan ang tungkol sa kanya?" nagtatakang sagot niya.

"Oo nga, pero kahit naman ganoon, gusto pa rin kitang ipakilala sa kanya. Ayaw mo ba?"

Biglang ngumiti si Julianna. "Hindi, ano ka ba?! Gusto siyempre, nagtaka lang ako. But of course, I want to meet your Mom."

"Great, bukas, hintayin mo ang text ko kung anong oras tayo magkikita."

"Okay."

Nakaramdam ng excitement si Julianna. Ramdam niya ang effort ni Hajime at natutuwa siya na ito mismo ang nag-open ng topic na iyon tungkol sa ina.

"Do you think she will like me?"

"Sino? Sino Yui?" halos pabulong na tanong din nito.

Marahan siyang tumango. Hinila siya ni Hajime palapit saka pinasandal sa dibdib nito at niyakap siya mula sa likuran.

"Oo."

"Importante ba kung magustuhan ka niya o hindi? Gusto kitang ipakilala bilang respeto sa kanya dahil magulang ko siya. But I really don't care if she will like you or not."

Nakaramdam ng kaba si Julianna sa naging sagot nito.

"Bakit parang gusto kong matakot?"

He chuckled. "What I'm trying to say is, don't expect too much from her. Ayokong umuwi ka bukas na umiiyak."

Napaisip bigla si Julianna. "Kento, I hope you don't mind if I ask you this."

"Ano 'yon?"

"Napapansin ko kasi, you always call your Mom on her first name and the way you talk about her is cold. Hindi ba maganda ang relasyon mo sa Mommy mo?"

Mahabang katahimikan. Iyon ang sunod na narinig ni Julianna mula sa nobyo.

"Ipagpalagay natin na ganoon nga. That's why I always don't like talking about her. Kung ako ang masusunod, ayoko nang ipakilala ka sa kanya. Pero alam ko naman na gusto mong ipakilala kita sa kanya, di ba?"

Siya naman ang natahimik pagkatapos ay napalingon siya dito.

"Look, Ken, if you're not comfortable introducing me to your Mom. Then, it's okay, we don't have to do it. I mean, I can wait. Hanggang sa kung kailan ka magiging komportable."

Ngumiti si Hajime pagkatapos ay dumukwang ito at mariin siyang hinalikan sa labi.

"Always remember that I love you so much," he said.

"I love you too."



TWO WEEKS LATER...

Halos takbuhin ni Julianna ang hagdan pababa matapos makatanggap ng text message mula kay Hajime. Sa wakas, matapos hindi magparamdam sa kanya ang nobyo ng dalawang linggo. He finally sent her a message.

Ang usapan nila ay itutuloy nila ang pagpunta sa Mommy nito para ipakilala siya. Naghintay siya ng text at tawag nito noong araw na dumating ang Mommy nito. Iyon din ang araw na nagkasundo sila na ipapakilala siya sa ina nito. Pero lumipas ang buong maghapon, walang Hajime na tumawag sa kanya. Nang puntahan niya ito sa bahay na tinutuluyan nito ay wala naman tao. Hanggang sa lumipas ang mga araw at naging mga linggo. Wala pa rin Hajime na nagpakita sa kanya. Halos mamatay siya sa labis na pag-aalala maging ang mga kaibigan nila. Hindi alam ng dalaga kung ano ang gagawin niya o kung saan hahanapin ang nobyo. Labis ang takot niya na baka may nangyari nang masama dito. Kaya ganoon na lang na ang saya niya nang sa wakas ay makatanggap ng message mula kay Hajime.

"Anak, be careful, I told you do not run down the stairs!" paalala ng ina.

"Sorry Mom!" mabilis niyang sagot.

Parang tinangay ng hangin ang lahat ng pag-aalala, galit at tampo niya kay Hajime nang sa wakas ay makita ang mukha nito.

"Love!" malakas na bulalas niya.

Tumakbo siya palapit dito at agad yumakap ng mahigpit.

"You made me so worried about you. Ano bang nangyari sa'yo? Bakit hindi ka nagparamdam ng dalawang linggo? Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo?!"

Imbes na sumagot ay nanatili itong tahimik. Ni hindi niya naramdaman na gumanti ito ng yakap sa kanya. Ang sayang naramdaman niya kanina nang matanggap ang mensahe nito ay unti-unting natunaw na parang yelo at napalitan ng kaba.

"Kento, are you okay?" tanong niya habang patuloy ang pag-ahon ng takot sa kanyang dibdib. Alam ni Julianna, nararamdaman niya, something is not right.

When he looks at her with that cold, blank and emotionless eyes. Parang dinurog ang puso ni Julianna.

"Let's break up, Jules. Tigilan na natin 'to."

Para siyang tinulos sa kinatatayuan at natulala na lang kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng luha niya.

"Are you sure?" sa halip ay tanong niya.

"Yes."

"Okay," mabilis na sagot niya.

"Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit?"

Pinahid niya ang luha at tumingin ng deretso sa mga mata nito.

"Hindi na. Ayokong malaman ang dahilan," sagot niya saka tumalikod at naglakad palayo.

"Bakit parang napakadali sa'yo na tanggapin ang lahat?!" tila naiinis na tanong nito.

Huminto siya at muling lumingon. "Bakit?! Dapat ba magmakaawa ako sa'yo habang nakaluhod at umaatungal ng iyak?! Hindi ba dapat ganito lang talaga kadali? Gaya ng kung ganoon kadali lang para sa'yo na hiwalayan ako! I waited for two weeks! Two weeks, Kento! Wala akong narinig mula sa'yo! Para akong gaga na kung anu-ano nang naiisip! Tapos magpapakita ka sa akin para makipaghiwalay?! Sige, let's do it your way. Let's make this break up very simple. Gaya ng kung gaano kadali para sa'yo na kalimutan ang pinagsamahan natin. And keep your reasons to yourself. I'm not interested!"

That was the last time she talked to him. Since that day, Hajime became a total stranger to her. 

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon