Chapter 12

317 26 4
                                    

"JULIANNA!"

Hindi pa man siya nakakahakbang para sundan ang dalaga ay hinawakan na siya ni Charry sa braso.

"Kento-kun, ikanaide kudasai," pakiusap nito na ang ibig sabihin huwag na siyang umalis.

Binawi niya ang braso at salubong ang kilay na humarap dito.

"Kanojoni nan'te ittano?!" galit niyang tanong.

Hindi agad nakasagot si Charry. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso at sinandal ito sa pader.

"Sumagot ka! Anong sinabi mo sa kanya?!" ulit niya sa tanong. 

"Sinabi ko na layuan ka niya dahil napapahamak ka dahil sa kanya!" umiiyak na sagot nito.

Nanggigigil sa galit na sinuntok niya ang pader kaya napasigaw ito. Lumingon pa siya sa paligid at sinigurong walang tao.

"Makinig ka sa akin at siguraduhin mo na maiintindihan mo ang sasabihin ko," mariin niyang wika. "Wala akong pakialam kung gusto mong magpakatuta kay Yui. Sundin mo ang gusto niya, handa rin akong magpanggap sa harap ng mga tauhan niyang nakabantay sa akin. Pero huwag na huwag mong idadamay si Julianna dito!"

"Pero dahil sa kanya kaya ka napapahamak! Kaya ka nasasaktan! Hanggang kailan mo kayang tiisin ang mga ginagawa sa'yo ni Yui?! Alam mo na matatapos lang ito kapag sinunod mo ang gusto niya!"

Napamura at napaluha si Hajime sa sobrang galit.

"Wala pa sa kalahati ang alam mo sa mga ginagawa sa akin ng babaeng 'yon, Charry! Baka kapag nalaman mo ay bumaligtad ang sikmura mo at pati ikaw ay layuan ako! So, stop talking as if you know everything. At wala kang karapatan sabihan si Julianna na layuan ako. Tama siya, ako ang lumalapit sa kanya kaya wala siyang kasalanan! I am so done living my life in fear. Pinagbigyan ko na siya noon, and I won't let that monster control my life anymore."

Pagkatapos niyon ay iniwan na rin niya ito. Dumiretso siya sa studio kung saan madalas nag-eensayo si Julianna. Kumatok siya doon habang hawak sa kabilang kamay ang tumbler. Imbes na si Julianna ang magbukas ay ang professor nito ang sumalubong sa kanya.

"Hi Miss, is Julianna in?"

Lumingon ito sa likod. "Yeah, she's here. Pero hindi siya puwedeng istorbohin sa ngayon."

Malungkot siyang ngumiti. "I thought so. I just came here to give her this," sabi niya.

"Ako na ang mag-aabot sa kanya," sagot nito.

"Thank you."

Nang maiabot ang tumbler sa guro ay umalis na rin siya. Hinayaan muna ni Hajime ang dalaga at lumabas siya school ground. Mayamaya, dumating na ang mga kaibigan niya na manonood din ng audition.

"Oh, anong ginagawa mo dito? Hindi pa ba nagsisimula?" tanong sa kanya ni Ren.

"Hindi pa."

"Bakit ganyan nakasimangot ka?"

Bumuntong-hininga siya. "Wala."

Tinapik sa balikat ni Makaio ng umakbay ito sa kanya. "Nag-usap na kayo ni Tito Leo?"

Tumango siya. "Oo, nasabi ko na sa kanya ang lahat."

"Anong sabi ni Tito?" tanong naman ni Maceo.

"Huwag na daw akong mag-alala, siya daw ang bahala. Ang intindihin ko daw ay ang pag-aaral ko at si Julianna."

Tinapik siya sa tiyan ni Aven. "Sabi naman sa'yo eh, wala kang dapat ipag-alala. Narinig ko na nag-uusap si Tito Leo at sila Daddy kagabi. May plano yata sila para ma-trap at mahuli si Yui."

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now