Chapter 18

652 40 9
                                    

"YUI is a sadist," pagsisimula ni Hajime. "She's a socialite. Nakilala sa Japan bilang negosyante ng isang sikat na brand ng alahas. She's even an Ambassador against child abuse from an NGO in Japan."

Naroon na sila ospital at katatapos lang gamutin ang sugat nito at kausapin ang mga pulis para ibigay ang kanyang salaysay. Sinadya rin silang iwan muna ng mga magulang nila at kaibigan para makapag-usap ng maayos.

"You should rest first, saka mo na ikuwento 'yan," pigil ni Julianna sa nobyo.

Umiling ito. "Hindi. Hayaan mong sabihin ko sa'yo ngayon lahat. Matagal ko na dapat ginawa ito pero nauunahan ako ng takot."

Huminga siya ng malalim at hinanda ang sarili.

"Yui has been molesting me since I was a child. She's a female pedophile. Hindi lang niya sa akin ginagawa ito kung hindi maging sa ibang batang lalaki din. Magpapanggap siyang mabait sa mga bata. Hihiramin niya ang mga anak ng kaibigan niya at dadalhin sa bahay. O kaya ang mga batang nasasagip niya sa mga rescue operation nila. Kukunin muna niya ang loob ng mga bata pagkatapos ay doon momolestiyahin niya kami. Para hindi magsalita ang mga bata, she bribed them with toys, clothes and food. O kaya ay pagbabantaan na patayin para hindi magsalita o magsumbong. Kapag tumatanggi ako, doon niya ako binubugbog. It went on until I met Tito Leo. Kaya nang makalayo ako sa kanya, pakiramdam ko nagbagong buhay ako. Nakalimutan ko na siya habang lumalaki ako. Seventeen years old ako no'n, nang biglang dumating si Yui sa harap ng school. Biglang bumalik sa isip ko lahat ng ginawa niyang kababuyan sa akin. I was so scared of her. Makita ko pa lang ang mukha niya, automatic nagrereact ang katawan ko at nanginginig na ako sa takot. Nawawala bigla ang tapang ko.

That night, she invited me to a dinner. Sabi niya, gusto lang niya akong kumustahin. Nagpunta kami sa bahay na tinutuluyan niya. My nightmare started again that night. She raped me that night. Nilagyan niya ng pampahilo ang ininom ko. Nang umiikot na ang paningin ko, dinala niya ako sa kuwarto niya at pinosas ang mga kamay ko sa kama."

Nang magsimulang maiyak si Hajime, hindi na rin napigilan ni Julianna ang maiyak.

"Pinapili niya ako, sabi niya, whip or bliss. Kapag pinili ko ang bliss, ibig sabihin, makikipag-sex ako sa kanya. She won't let me stop until she felt satisfied. Kapag hindi niya nagustuhan ang performance ko sa kama, ipapabugbog niya ako sa mga tauhan niya. Kapag whip, lalatiguhin niya ako. Mas pinili ko ang latigo dahil hindi ko kayang galawin siya. Pero sa kabila ng pinili ko, pagkatapos niya akong bugbugin sa latigo. Pinilit niya pa rin may mangyari sa amin. She knows I won't be able to resist anymore, dahil nanghihina na ako sa bugbog at masakit na katawan ko dahil sa latay."

Doon napahagulgol ng iyak si Hajime. "Wala akong magawa dahil nakaposas ang kamay ko noon. Tinutukan niya ako ng kutsilyo at paulit-ulit niyang pinaalala sa akin na binili niya ako kaya sa kanya pa rin ako. That went on for about a year and a half. Kapag nandito siya sa Pilipinas para gawin ang mga illegal niyang negosyo. Palagi niya akong pinapatawag, para makaiwas ako sa bugbog. Pumapayag na lang akong makipag-sex sa kanya. Naisip ko kasi, kapag umuwi ako sa bahay na maraming latay, tiyak na magtataka sila Tito Leo. Marami na silang nagawang kabutihan para sa akin simula nang kupkupin nila ako. Bukod doon, nagbanta din si Yui na papatayin kayo kapag nagsumbong ako. Delikadong tao si Yui. Malawak ang impluwensiya niya at alam ko ang kaya niyang gawin."

"She's sick," hindi napigilan reaksiyon ni Julianna.

"May mga pagkakataon na sinubukan ko na lang magpakamatay para matigil na 'yong pangbababoy sa akin ni Yui. Dahil sa tuwing pagkatapos namin mag-sex, palagi akong nagsusuka sa banyo. Nandidiri ako sa kanya. Nandidiri ako sa sarili ko at sa buhay na mayroon ako. Hindi ko matanggap na hinahayaan ko ang sarili ko na sumunod sa gusto niya. I hate myself for being coward."

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now