Chapter 2

340 25 1
                                    

"GOOD morning, Ninong Olay!" masayang bati ni Julianna sa malapit na kaibigan ng parents niya.

"May mas gaganda pa ba sa'yo?" sagot nito.

Malapad na ngumiti siya.

"Teka, bakit parang ang ganda ng gising mo?"

Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi na pinakita niya ang wallpaper ng phone niya sa Ninong Olay niya na picture niya kasama si James ng Bluelight.

"Ay oh, bongga!" masayang bulalas ni Olay.

"I know, right Ninong? I'm so happy! Buti na lang sinama ako ni Maceo sa backstage!" kuwento pa niya.

"Oh ano 'yan ah?" pang-uusisa ni Regine paglapit sa kanila na kalalabas lang mula sa gate. Ang bunsong anak ng mag-asawang Roy at Panyang Cagalingan.

Pinakita niya ang cellphone dito maging sa iba pang mga kaibigan na kararating lang.

"Ang haba ng hair! Ganda ka, teh?" natatawang sabi ni Jamila, ang panganay na anak naman ni Jared at Adelle Bandonillo.

Hinawi niya ang buhok. "Of course, wala sa lahing Pengkum ang hindi maganda," pagmamalaki niyang sagot.

"Ay, alam mo 'yan!" sabi pa ni Nadia, ang bunsong anak ng mag-asawang Justin at Nancy Chua.

"Pero teka, balita ko sabi ni Maceo balak ka daw niyang ireto dun sa isa sa tatlo?" tanong naman ni Ren na kadarating lang din, ang nakakatandang kapatid ni Regine. Ilang sandali pa ang nagsilabasan ang iba pang mga kababata nila.

"Ay teka, ano 'to? Nagtawag ba ng pagpupulong si Kapitan? Bakit nagsilabasan kayo?" nagtatakang tanong ni Regine.

"It's Saturday, walang pasok, saka may basketball practice kami mayamaya lang," sagot naman ni Channe, ang bunsong anak naman ng mag-asawang Humphrey at Lady Lombredas.

"Ah, sabi ko nga."

"Teka, kumpleto na ba tayo?" tanong naman ni Maceo, ang adopted at panganay na anak ni Darrel at Allie Luciano.

Lumingon sa paligid si Makaio, ang panganay ng mag-asawang Ken at Myca Pederico at binilang ang iba pang kalalakihan. "Wala pa si Adam at Hajime," sagot nito.

"Hep, nandito na ako!" sagot ni Adam at lumapit sa nobya nitong si Nadia saka hinalikan ito sa noo. Si Adam ay isa sa mga kaibigan nilang hindi naman lihitimong taga-roon sa Tanangco. Pinalaki at kinupkop ito ni Doc Ken at naging parang totoong miyembro na ito ng Pamilyang Pederico.

"Sabi pala ni Hajime, male-late lang siya ng konti," sabi pa ni Adam.

"Bugok na 'yon, kung hindi missing in action, laging late," komento ni Page sabay lingon kay Julianna.

"Sabihan mo nga 'yang jowa mo," nang-aasar na sabi nito sabay ngisi.

"Correction, EX!" mabilis na sagot niya na pinagdiinan pa ang huling salita. "At

puwede ba, Page? Ang aga aga ha? Don't ruin my day, maganda ang gising ko!"

"Mayroon bang ex na ganoon? Bantay-sarado sa'yo kagabi noong pinakilala ka ni Maceo doon sa mga kaibigan niya?" tanong pa ni Steven, ang ikalawang anak ni Dingdong at Chacha Santos.

"Ay naku, wapakels ako! I don't care basta ako may Oppa!" pagmamalaki niyang sagot.

"Naku girl, kapag niyaya ka ng date, sunggab agad! Masarap kaya sa feeling na maka-date 'yong bias mo. Tingnan mo 'ko, jinowa ko pa!" sabi pa ni Regine sabay yapos sa braso ng nobyong si Maceo.

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now