Chapter 8

277 29 3
                                    

PINILIT ni Julianna na ngumiti nang pumalakpak ang vocal coach niya, maging si Hajime matapos maitawid ang kanta na ipe-perform niya sa audition ng Les Miserables. Gusto niyang maging masaya at proud sa sarili. Pero hindi kayang lokohin ng dalaga ang sarili, because she knows it's not her best performance. Her voice is completely failing her. Habang kumakanta ay mas lalong sumasakit ang lalamunan niya. May mga pagkakataon na nauubo siya sa gitna ng pagkanta. Her voice is getting raspier and hoarse.

"That was good, Jules."

"Really?" paniniguro pa niya.

"Yes. This will be our last rehearsal. Sa isang linggo na ang audition mo, dahil sa lagay ng boses mo. Mas kailangan mo pa siyang ipahinga para makakanta ka ng maayos."

"Pero coach, hindi pa ako satisfied. Mag-practice pa tayo. I can do much better than this."

Huminga ng malalim ang professor niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Hija, listen to me. Kapag pinilit natin mas lalong lalala ang lagay ng boses mo. To be very honest, gusto ko sana sabihin sa'yo na huwag mo nang ituloy ang audition mo at magpa-check up ka dahil nag-aalala ako sa'yo. Mag-iisang buwan nang hindi nag-i-improve ang boses mo."

"No. I can't back out. This is my dream, you know that."

"Alam ko. At alam ko rin na hindi ka papayag na hindi mo ituloy ang audition. Kilala na kita. Determinado ka at gagawin mo ang lahat basta alam mo na kaya mo."

"Magtiwala lang po kayo sa akin, coach. Makakasama ako cast. I'll make you proud."

Ngumiti ito sa kanya at tinapik siya ng marahan sa pisngi. "Of course, I trust you. Pupunta ako doon sa audition at papanoorin kita."

"Thank you po."

"Sige na. Umuwi ka na para makapagpahinga ka."

Yumakap pa siya sa coach bago tuluyan lumabas sa studio kasama si Hajime. Nang makalabas saka niya pinakawalan ang kanyang luha. Alam ni Julianna, may hindi tamang nangyayari sa kanyang boses at hindi iyon simpleng pamamalat o sore throat lang. Gusto niyang magpa-check up pero nauunahan siya ng takot sa maaari niyang marinig. That was her worst performance. Alam niyang ang papuri na iyon galing sa kanyang coach ay pampalubag loob lang.

To be part of an international broadway musical is her greatest dream. Ngayon halos abot kamay na niya ang pangarap, hindi siya papayag na may maging hadlang doon. She's Julianna Apilado. The fighter and the one who never backs down.

But that moment, she allowed herself to cry and let go of the fear. She allowed herself to cry, be weak and feel defeated. Kahit ngayon lang. Kahit sandali lang. Para kapag gumaan na ulit ang kanyang dibdib, kaya na ulit niyang tumayo at ipagpatuloy ang laban. Hanggang sa naramdaman niyang umakbay sa kanya si Hajime.

"Let's go, Jules."

Hindi siya sumagot at hinayaan ang binata na alalayan siya palabas ng campus. Pagdating sa kotse, hindi ito nagsalita at hinayaan lang siyang tahimik na umiyak. Makalipas ang ilang minuto, saka niya lang napansin na hindi sila dumiretso ng uwi. Sa halip ay naroon sila sa basement parking ng apartment building kung saan ito nakatira.

"Bakit dito? Akala ko ba under renovation 'to?"

"Basta, sumama ka sa akin."

Pagdating sa unit nito. Naabutan nilang magulo ang loob. Puno ng mga kahoy, bakal at iba pang kagamitan. Ang mga furnitures ay may mga takip na plastic at tela para hindi madumihan. Inalis ni Hajime ang takip ng couch at doon sila naupo.

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now