Chapter 3

314 27 0
                                    

"DEPENSA!" narinig niyang malakas na sigaw ni Maceo.

Binantayan niyang maigi si Channe habang nagdi-dribol ng bola si Makaio at naghahanap ng tiyempo para makalusot at mai-shoot ang bola. Matapos magkita sa tapat ng tindahan ng Tito Olay nila ay doon sila sa basketball court sumunod na pumunta. Sabado ng araw na iyon. It's basketball day for Hajime and his friends, wala silang pasok sa University ng weekends kaya naman libre silang maglaro.

Bigla nawala sa pagbabantay kay Channe ang atensiyon niya nang biglang dumaan si Julianna. Ang ganda ng ngiti nito sa labi habang may kausap sa cellphone. Mayamaya ay huminto ito at lumingon doon sa loob ng court kung saan sila naglalaro.

"Maceo!" malakas ang boses na tawag ni Julianna sa kaibigan nila.

Lumingon ang tinawag nito.

"Tuloy ang date namin ni James mamaya! Thank you! May libre ka sa akin!" malakas ang boses na sabi nito.

"Date?! Sandali nga! Totoo 'yon?!" mabilis niyang reaksiyon.

Bigla itong tumingin sa kanya at inirapan siya saka pinagpatuloy ang

paglalakad. Nang-aasar talaga ito, sinadya nitong pinarinig sa kanya iyon. Walang nagawa si Hajime kung hindi ang sundan na lang ito ng tingin. Narinig niya mismo kay Julianna na magde-date nga ang dalawa, pero ang buong akala niya ay sadyang inaasar at pinagseselos lang siya nito. Mayamaya ay narinig niyang nagsigawan ang mga kaibigan.

"Hajime! 'Yong bola!"

Eksaktong paglingon ay sinalubong siya ng bola ng basketball at solid iyon tumama sa mukha niya. Dahil sa lakas ng impact ng pagkakatama ng bola ay natumba siya at umikot ang paningin. Natatawa na mabilis siyang dinaluhan ng mga kaibigan.

"Pare, bakit mo pinangsalo ng bola ang mukha mo?" tawa ng tawang tanong ni Aven.

"Napakahayup n'yong mga kaibigan, tinawanan n'yo pa ako!" sagot niya habang namamahid ang mukha.

"That's what true friends are for, tatawanan ka muna bago ka tulungan," sabi naman ni Ren.

"Mga hayop!"

"Sorry pare, ikaw kasi kung saan-saan ka nakatingin," natatawa pa rin sagot ni Dawson.

"Kasalanan ko pa?!"

"Nakita mo lang si Julianna ang nawala ka na sa sarili mo," sabi pa ni Ren.

Inalalayan siyang itayo ng mga kaibigan saka pinaupo sa mahabang sementong upuan sa courtside. Lumapit sa kanya si Maceo saka tiningnan ang mukha niya.

"Itai desu ka?"

Tinatanong nito kung masakit.

"Hai," sagot ni Hajime na ang ibig sabihin ay oo.

Mayamaya ay marahan siyang natawa. "Hindi pa rin pala kinakalawang ang Nihonggo mo," aniya.

"Mas magaling na ako sa'yo," pabirong pagmamayabang nito.

Pabiro niyang tinulak ito. Mayamaya ay dumating si Page dala ang cold compress at maingat na tinapal iyon sa mukha niya.

"Ikaw ang may kasalanan nito eh," paninisi niya kay Maceo.

"Oh? Bakit ako?" gulat na tanong nito.

"Bakit naman ganoon, Pare?! Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit ikaw pa ang nag-set up kay Jules ng date sa James na 'yon?" humihingal na pagmamaktol ni Hajime.

"At lumabas na rin ang totoo, lumilipad utak mo kanina habang naglalaro tayo," sabi pa ni Steven.

"Bakit ba? Interesado sa kanya 'yong kaibigan ko, anong magagawa ko?" sagot ni Maceo.

"May magagawa ka, brad! Pwede ka naman mag-dahilan na hindi puwede dahil ma—"

"May boyfriend siya? Sino? Ikaw?" putol ni Page sa sinasabi niya.

"Sa pagkakaalam ko, Haj, wala na kayo, mahigit isang taon na ang nakakaraan. Remember, it was you who dumped her?" sabi pa ni Adam.

"I know! Pero—"

Hindi ulit naituloy ni Hajime ang sinasabi matapos umakbay sa kanya si Steven.

"Dude, kilala mo ang pinsan ko. Don't expect her to come to you running and beg, especially when it was you who broke up with her. Kung ayaw mo siyang makipagdate sa iba, do something, hindi iyong para kang timang na akala mo guardiya ka na lagi kang nakabantay," payo nito.

Mayamaya ay sumeryoso ang mukha ni Maceo.

"Hindi mo pa rin ba sinasabi kay Julianna ang dahilan?"

Umiwas siya ng tingin saka umiling. "I don't have the guts to tell her. And I don't know if I'll be able to tell her. Baka hindi niya matanggap ang nakaraan ko."

Bumuntong-hininga si Ren saka bahagyang tinaas ang manggas ng suot niyang t-shirt. Bumungad sa mga ito ang atay ng latigo.

"Does it still hurt?" tanong pa nito.

Umiling si Hajime. Tinapik siya nito sa balikat. "Pare, hanggang kelan mo hahayaan na mangyari ito sa sarili mo?" seryosong tanong ni Channe.

"I'm fine, don't worry. It's healing. Mas gusto ko na magtiis sa ganito."

Mabigat na bumuntong-hininga si Maceo. "Natatakot lang kami na baka dumating ang isang araw na mabalitaan na lang namin na may nangyari nang masama sa'yo."

He gave his friend a smile of assurance. "Huwag kang mag-alala, pare. Hindi mangyayari ang iniisip mo."

"Haj, unless you're not ready to tell Julianna about the truth. Hayaan mo muna siya. It may look like she acted tough and your breakup didn't matter to her, but she's hurting so bad," payo ulit sa kanya ni Steven.

"Paano kung mawala siya ng tuluyan?"

Nagkibit-balikat si Aven. "Nasa iyo na 'yon kung hahayaan mong umabot doon?"

Napaisip siya sa mga sinabi ng kaibigan. Kung may magagawa lang siya. Kung may sapat lang siyang tapang at lakas ng loob. Hinding-hindi niya iiwan noon si Julianna. Pero lumipas na iyon, nangyari na, nasaktan na niya ang babaeng pinakamamahal niya. At pinagsisisihan ni Hajime ang araw na pinakawalan niya ang dalaga. Pero nangako siya sa sarili niya, aayusin muna niya ang kanyang problema bago balikan si Julianna. Sana lang, hindi pa huli ang lahat sa sandaling mangyari iyon. 

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now