Chapter 15

348 27 2
                                    

"ANO ulit ang kukunin mo sa condo ko?" tanong ni Hajime kay Ren.

"Iyong relo ko na nawawala, naalala ko na kung saan ko naiwan. Doon sa condo mo nung isang beses na mag-hang out tayo," sagot nito habang nagmamaneho.

Pilit siyang nag-isip pero hindi niya talaga maalala na may gamit si Ren doon sa unit niya. Magda-dalawang buwan na siyang hindi doon tumutuloy dahil sa renovation na ginawa. Ang totoo, matagal nang tapos gawin ang apartment niya. Hindi pa lang siya bumabalik dahil hindi pa rin tapos ang problema niya kay Yui.

"Oo nga pala, Haj, maitanong ko lang."

"Kumusta na kayo ni Jules?"

"Ayos naman. Pagkatapos noong gabi na pumunta si Yui sa bahay at nakita ni Julianna ang nangyari. She loosened up to me. Para bang bumalik kami sa dati, iyong klase ng friendship na mayroon kami bago ko siya maging girlfriend."

"Hanggang friendship na lang ba?" tanong ni Ren.

Napangiti siya. "No. I will still pursue her."

"Iyon naman pala eh, bakit hindi pa ngayon?"

Bumuntong-hininga si Hajime. "Alam mo naman ang sitwasyon ko, di ba?"

"Haj, you're my friend and I want to be honest with you. Alam mo kung bakit hanggang ngayon ay ginugulo ka pa rin ni Yui? Kasi hinahayaan mo siya. You're spoiling her."

Lumingon siya sa kotseng nasa likuran nila.

"See that car? Hindi mo ba napapansin kanina pa nakasunod 'yan sa atin pag-alis pa lang natin ng University? Tauhan ni Yui 'yan. That's the kind of monster she is. Kung susundin ko ang sinasabi mo, mapapahamak si Julianna. Ayoko siyang madamay."

Ren sighed and glanced at the rear-view mirror as well.

"Alam ko, kanina ko pa napapansin 'yan."

"Exactly, those men are armed. They are dangerous."

Ren smirked and shook his head. 

"Sa tingin mo talaga may magagawa silang masama sa'yo o kay Julianna? Pare, wala sila sa Japan. Nandito sila sa Pilipinas. Kung may gagawin 'yang masama kay Julianna, matagal na noon pa nang malaman ni Yui ang relasyon n'yo. Hindi 'yan makakagawa ng kalokohan dito dahil alam ni Yui kung malakas impluwensiya niya mas malakas ang impluwensiya ni Tito Leo, bukod pa sa wala sila sa bansa nila. Hindi 'yan basta makakagawa ng kalokohan nila dito. Tinatakot ka lang niya dahil alam niyang takot ka sa kanya at alam niya na susunod ka. She knows Julianna is one of your weakness, kaya ka niya hinahawakan sa leeg."

Hindi nakakibo si Hajime. Hindi rin niya magawang itanggi ang sinabi ng kaibigan dahil totoo naman ang lahat ng iyon. Hindi rin niya maintindihan ang sarili. Sa tuwing nakikita niya ang mukha ni Yui, parang rumaragsang ilog na nagbabalik sa alaala niya ang trauma na dinanas niya noong bata siya. Sa kamay ng sariling mga magulang at kay Yui. His body reacts automatically in fear. His trembling. His heart is beating so fast. At kapag hinahawakan siya ni Yui, nakakaramdam siya ng pandidiri sa katawan. Pilit na sumisiksik sa kanyang utak na hindi siya nararapat kay Julianna dahil sa kanyang nakaraan.

Pero mahal na mahal niya si Julianna. Sinabi niya noon, matapos niyang makipaghiwalay sa dalaga. Maghihintay siya ng tamang oras at babalikan muli ito. Kung takot si Hajime kay Yui, mas takot siyang mawala si Julianna sa buhay niya. Aaminin niya, alam niyang mahal pa rin siya ng dalaga at panatag ang kanyang loob noon na magkakabalikan sila at maghihintay lang ito sa kanya. But when James came in the picture, that's when he panicked. He's too perfect. Naghahanap siya ng ipipintas dito para ma-turn off si Julianna pero wala siyang makita. Natakot siya na baka tuluyan mawala sa kanya ang dalaga.

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now