Chapter 13

352 30 3
                                    

"THANKS, Tita," nakangiting sabi ni Hajime nang iabot sa kanya ni Panyang ang susi ng Flower Shop.

"Be careful, baka may makakita sa inyo."

"Opo."

Nang makalabas sa bakuran ng mga Cagalingan ay saka niya pinababa ng kotse si Julianna. Pagkatapos ay pumasok sila sa Flower Shop.

"Anong gagawin natin dito? Makikita rin nila ako agad dito eh," nagtatakang tanong ng dalaga.

"Hindi. Akong bahala."

Nakita ni Hajime ang pagtataka sa mukha nito nang buksan niya ang secret door papasok ng LCS Headquarter. She suddenly grabbed his shirt and hide behind him.

"Huy, anong ginagawa mo?! Baka pagalitan tayo ni Tita Panyang! Anong lugar 'yan?" may bahid na takot na tanong nito.

Natawa lang siya at hinawakan ito sa kamay. "Hindi 'yan! Nagpaalam nga ako, di ba?"

Nang pumasok sila ay ramdam niya ang takot at kaba ni Julianna. Mahigpit itong nakakapit sa damit niya sa likod.

"Nakakatakot naman dito, bakit kulay pula ang ilaw? Parang may lalabas na white lady eh, nasa horror house ba tayo? Kelan pa nagpatayo ng perya si Tita Panyang sa loob ng flower shop niya?"

Natawa na naman siya.

"Hindi horror house 'to, you'll see, malapit na tayo."

Nang buksan na niya ang pinto ng headquarters ay saka bumitaw sa kanya si Julianna at manghang napalingon sa paligid.

"Oh my gosh, what is this place?" puno ng pagtataka na tanong nito sabay lingon sa sinage na nakapaskil sa pader.

"Love Confessions Society?"

"Yes, welcome to our secret organization."

Natutop nito ang bibig nang makita ang mga kasama nito sa secret organization na iyon. Lahat ng kaibigan at kababata niyang lalaki at founder ang Tita Panyang niya.

"Okay, wait, anong ginagawa n'yo dito?" tanong ni Julianna sabay lingon sa kanya.

Hinila ni Hajime ang upuan ang tinapik iyon. Nakuha nito ang ibig niyang sabihin at lumapit saka umupon doon. Samantala, naupo naman siya sa kaagapay na silya.

"Let's say we help people confess their feelings to the one they love. Kapag sinabi ng tinutulungan namin na gusto nilang mag-confess sa mga taong mahal nila, tinutulungan namin sila. We prepare events for them. May mga happy ending. Mayroon naman hindi."

Hindi agad nakapagsalita si Julianna, tila ba ina-absorb ng isip nito ang mga sinabi niya.

"Itong lugar na 'to? Marami nang may alam nito?"

Umiling siya. "Gaya ng sinabi ko kanina, this organization is secret, even this place. Hindi lahat nakakaalam nito. Ang mga taong dito nagko-confess ay walang alam sa lokasyon ng lugar na ito. Sa Flower Shop pa lang ay pinipiringan na namin sila at dinadala dito. Ganoon din kapag lalabas na sila. So, they have no idea. And every confession that happened here, successful or not, LCS and the confessor made an agreement that they will keep it as a secret. At wala silang ideya kung sino ang mga miyembro ng org na 'to. We work in secret, like Private Investigators. And during confession, we wear mask to hide our identity," paliwanag niya.

Tumango-tango ito. "Interesting..." usal nito.

"Gusto mo bang i-kuwento sa akin ang nangyari?" bigla niyang pag-iiba sa usapan.

Bumalik ang lungkot sa mga mat anito. Tumungo si Julianna at nanahimik ng ilang minuto. Ilang sandali pa ang lumipas ay humihikbi na naman ito.

"Hey," aniya sabay hawak sa kamay nito.

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now