Chapter 16

336 34 3
                                    

HINDI makapaniwala si Julianna sa nakita. Ang katawan nito, sa harap, lalo na sa likod ay puno ng latay ng latigo. Mayroon din itong mga sugat na halos natutuyo na. What she's seeing that moment is a history of pain, abuse and misery. Halos lumaki sila ng sabay ni Hajime. Bakit hindi niya alam ang tungkol dito?

Kahit anong pigil ay kusang umagos ang luha niya habang tulalang nakatingin sa katawan nito. Dahan-dahan niyang nilapat ang mga kamay sa mga peklat ng sugat nito.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit nagkaganito ang katawan mo?" umiiyak na tanong niya.

Her heart is breaking every time she thought of the possible hell Hajime went through.

"I am a victim of child abuse, Julianna. Hindi lang ako basta kinuha ni Tito Leo sa Japan para dalhin dito at paaralin. My biological parents sold me to Yui when I was eight years old. My life has been a living hell since I lived with her. She never treated me as her own son. Para sa kanya isa lang akong laruan at libangan niyang bugbugin ako. Hindi lang bugbog ang dinanas ko sa kanya, marami pa siyang kahayupan ginawa sa akin na hindi ko pa kayang sabihin sa'yo. Dinala ako sa ospital ni Tito Leo nang mawalan ako ng malay sa isang convenience store. Nagkataon na naroon siya at dinala niya ako sa ospital. Nakita ng mga doctor ang mga latay, pasa at bugbog sa katawan ko. That's why they questioned Yui and accused her of child abuse. She denied it. Sinabi niyang dahil malikot ako kaya palagi akong nadidisgrasya. Hindi naniwala ang mga pulis, pero nakakapagtaka dahil makalipas ang ilang araw. Hindi na natuloy ang kaso at naniwala ang mga pulis sa alibi ni Yui."

"Hindi naniwala si Tito kay Yui. Kaya gumawa siya ng paraan, binigyan niya ako ng full scholarship at dinala dito sa Pilipinas. Hindi pumayag si Yui noong una, until Tito bribed her with money. She let me go. Simula noon, natahimik ako. Nakilala ko kayo. Naranasan ko kung paano magkaroon ng pamilya, kung paano magkaroon ng maraming kaibigan. It lasted until I was seventeen years old. Until my nightmare came back. Bigla na lang akong nakatanggap ng tawag mula kay Yui. Ang akala ko grabe na iyong hirap na pinagdaanan ko noong bata pa ako. Pero mas dobleng pahirap ang naranasan ko nang bumalik siya," umiiyak na kuwento ni Hajime.

Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at inangat ang mukha para salubungin ang tingin niya.

"What did she do to you? Tell me," umiiyak sa galit na tanong niya.

Sa halip na sumagot ay niyakap siya ni Hajime ng mahigpit.

"Wala pa akong lakas ng loob na sabihin sa'yo, Jules. Natatakot ako."

"Haj..."

Mayamaya ay nilayo siya nito at hinawakan siya sa mga kamay.

"Promise me one thing, that whatever happens, kahit anong malaman mo. Huwag kang lalayo sa akin. Dito ka lang sa tabi ko. Kaya kong tiisin ang kahit na ano, basta nandito ka lang."

"I promise," sagot niya at muling tiningnan ang bakas ng paghihirap nito sa katawan.

She traced her fingers on his swollen whip marks on his body. And gently kiss them before embracing him from the back. Naramdaman na lang ni Julianna na hinawakan siya nito sa kamay.

"I don't care what happened to you in the past, Haj. Dahil ang importante nandito ka, buhay ka at mahal kita," sabi pa niya.

Pumihit paharap si Hajime at muling sinakop ang kanyang mga labi. Muling nagpaubaya si Julianna at tinanggap ang matamis ngunit mapusok nitong halik. She wrapped her arms around his neck and respond to his kisses.

"I swear, I will do my best to put that evil b*tch in jail. I can't let her get in between us again. Never," puno ng galit na pangako ni Julianna sa sarili.

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon