Chapter 17

349 27 1
                                    

 "MAG-INGAT sa pagmamaneho, Haj," bilin ni Cassy sa anak-anakan.

"Opo."

"Bye Mom, see you later," sabi naman ni Julianna sabay halik sa pisngi ng ina.

Paglabas nila ng garahe sakay ng kotse ng binata. Agad nilang natanaw ang mga kaibigan na papasok na rin sa University at pasakay na rin sa kotse ng mga ito. Napangiti siya ng bumusina si Hajime kaya napatingin ang mga ito sa kanila.

"Sige, ipag-ingay n'yo pang nagkabalikan kayo," biro ni Channe paglapit nila dito.

Tumawa sila at nakipaghigh five siya dito. "Thanks guys, I owe you big," sabi niya.

"Iyon naman pala, eh di libre lunch namin mamaya?" sabad naman ni Page sumilip sa bintana sa side niya. Dahil pinagkukumpulan sila ng mga kaibigan, bumaba muna sila sa kotse para kausapin ang mga ito.

"Sure, kaming bahala," sagot ni Hajime.

"Yown!" masayang bulalas ng dalawa.

"Oy, narinig ko 'yon! Libre lunch natin?!" sabad ni Adam habang tumatakbo palapit sa kanila.

"Ayos ang pandinig mo ah, ang talas! Paano mo narinig 'yon ang layo mo pa?" natatawang tanong ni Ren.

"Siyempre, libre eh!" sagot nito.

Mayamaya ay lumapit na rin ang mga kaibigan nilang babae. "Bakla ka, ikaw pala 'yung huling subject ng LCS hindi ka nagsasabi! Hindi man lang namin napanood 'yong Confession mo!" maktol ni Regine.

"Oo nga, ang daya!" sang-ayon ni Yelena.

"Sorry girls, biglaan kasi 'yon saka gusto ko talagang maging intimate 'yong confession ko," paliwanag niya.

"Totoo 'yon, si Ren nga lang naghatid kay Hajime eh. Kahit kami wala doon," sabi rin ni Steven.

"Actually, everything happened so fast. Kayo talaga ang subject ng LCS, pinaplano pa lang namin kung paano kayo pagtatagpuin at ini-imbestigahan pa lang namin kayo kung ano ba talaga ang feelings n'yo para malaman namin kung gagawa kami ng event para sa Confession. But then, one night, Jules called and said she want to confess to Hajime," kuwento ni Aven.

Julianna flipped her hair and hugged Hajime's arms. "Yes, I did that," she proudly said, then, pull his face to her and planted a quick kiss on his cheeks.

"Ang taray!" tudyo sa kanila ni Nigella.

"Anak ng Pengkum, ang tamis! Yieee!" bulalas ni Makaio.

"Kinikilig ako, Pare! Nakakainis kinikilig ako! Teka, bigla kong namiss 'yong girlfriend ko, Jam!" malakas ang boses na tukso ni Dawson kaya nagtawanan sila ng malakas.

"Hey guys! Let's go, baka ma-late tayo!" yaya sa kanila ni Maceo.

"Guys, lunch time, canteen ha? Libre nila!" paalala ni Channe.

Napailing si Julianna. "Hay naku, basta talaga libre!" natatawang komento niya habang pasakay na sila sa kani-kanilang sasakyan.

Habang nasa biyahe ay panay ang kuwentuhan nilang dalawa. Kapag humihinto sila dahil sa traffic, sinisiguro ni Hajime na hawak nito ang kamay niya. Nang may biglang maalala ay agad lumingon si Julianna sa likod. Nang makitang ang kotse ni Ren ang naroon kasama si Yelena ay saka lang siya tila nakahinga ng maayos.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Hajime nang tila mahalata siya.

"Nothing, I just thought someone's following us again."

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now