Chapter 14

278 26 1
                                    

"I love her!"

Paulit-ulit nagre-replay ang mga salitang iyon na narinig ni Julianna mula kay Hajime noong nakaraan gabi. Mahigit bente-kuwatro oras na silang hindi nag-uusap. He seems avoiding her intentionally. Sinubukan niyang pilitin itong kausapin siya pero pinigilan siya ng kanyang ama.

"He loves me. Mahal pa rin niya ako. Hindi niya kagustuhan na makipaghiwalay sa akin noon. Mahal pa rin niya ako," maluha-luhang sabi niya sa kanyang isip.

Simula ng marinig niya mismo ang deklarasyon ni Hajime ng pagmamahal sa kanya sa harap ni Yui. Hindi na siya natahimik. Halos hindi siya makatulog sa kakaisip. She wants to hear it again. Gusto niyang kumpirmahin ang narinig dahil baka nagkakamali lang siya. At kung pagbabasehan niya ang mga narinig na palitan ng salita ng mag-ina. Bumabalik sa isip niya ang palaging sinasabi ni Hajime. Malalim at komplikado ang dahilan ng paghihiwalay nila. At ngayon sigurado na siyang may kinalaman si Yui sa lahat, naging mas determinado siyang tulungan ang binata. Pero bago ang lahat, may isa siyang kailangan gawin. To finally make a decision and settle her true feelings for Hajime.

"Morning, Dad," bati niya sa ama. Her voice is still raspy and a bit shaky.

"Hi hija, morning."

Humalik siya sa pisngi nito bago naupo sa puwesto niya sa hapag kainan.

"Where's Haj?" tanong niya agad.

"In his room," sagot ng Mommy niya.

"Hindi ba siya kakain?" tanong ulit niya.

Nagkibit-balikat ang ina. "Kinatok ko siya pero sabi niya ayaw niya daw kumain."

Napaisip siya at bumuntong-hininga. Now she's worried. At that moment, Julianna knew she has to do something.

"Don't worry, he'll be fine," sabi pa ng Daddy niya.

Pinilit niyang ngumiti para huwag na rin itong mag-alala sa kanya, pero ang totoo ay hindi pa rin siya mapakali hangga't hindi nakikita si Hajime.

"Eh ikaw, anak, kumusta ka na?" tanong bigla ng Mommy niya.

Napalingon siya dito.

"I'm okay, Mom."

"Are you sure?"

She sighed. "Hindi ganoon kadali tanggapin na may MTD ako. Singing is my life and to stop doing what I love is hard. Pero wala naman po akong magagawa eh. Nandito na 'to."

Napalingon siya sa Daddy niya nang hawakan nito ang kanyang kamay.

"Anak, sana ay maintindihan mo kung bakit hindi ka namin pinatuloy sa musical. Ayaw namin ng Mommy mo na makita ka na successful nga sa musical pero unti-unting lumalala ang kalagayan mo. Mga magulang mo kami, we can't just sit back and do nothing, lalo na't alam namin na mapapahamak ka kung sakaling pinayagan kami. Gaya ng sabi ko, ayokong pagsisihan natin sa huli ang lahat."

Malungkot siyang ngumiti.

"I know, Dad, and thank you. Sorry din po kung nag-walk out ako. Ngayon, ang gusto ko, mag-focus sa therapy ko. Naisip ko rin, gusto ko gamitin ang pagkakataon na 'to para subukan ang ibang side ng music."

"What do you mean?"

"I want to give it a try in composing music. Na-realize ko lang din po kasi na di dahil hindi ako makakanta ngayon, ibig sabihin ay magmumukmok na ako. I want to explore and expand my knowledge in music."

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon