Chapter 11

282 27 0
                                    

IT'S been four days since the last time she talked to Hajime. Matapos nilang magtalo sa school nang makauwi siya galing sa lunch kasama si James. Hindi na kinausap pa ni Julianna ang dating nobyo. Sinunod din niya ang payo ng kaibigan na huwag magsalita muna hanggang sa araw ng kanyang audition para ma-preserved ang kanyang boses. And it works, she feels less pain on her throat. Sa loob ng apat na araw na iyon, nagkukulong lang siya kuwarto kapag galing sa school. Sinadya din niyang hindi lumabas muna dahil kapag kasama ang mga kaibigan, panigurado hindi niya mapipigilan dumaldal, masarap kasi kausap ang mga iyon at laging nawawala ang stress niya.

"How are you feeling, honey?" tanong sa kanya ng inang si Cassy.

Nag-type siya sa kanyang phone at nang huminto ang kotse na minamaneho ng ina dahil sa traffic ay saka niya pinakita iyon. "I'm okay, Mom. Can I go see my friends when we get home?"

Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Oo naman."

Ang matipid na ngiti na binigay niya sa ina ay agad din napalis nang maalala ang nangyari kanina lang. Holiday ng araw na iyon at walang pasok sa University. Pero alas-sais pa lang ng umaga ay ginising na siya ng ina at pinag-ayos. Mula sa bahay ay nagpunta sila sa Doktor. Sinadya ng ina na hindi sabihin sa kanya na doon ang punta nila dahil alam nitong tatanggi siya. Habang chine-check up siya, hindi mawala ang malakas na kabog at takot sa dibdib niya. Kahit paano'y nakahinga siya ng maluwag nang sabihin na makukuha nila ang resulta makaraan ng dalawang araw dahil pauwi pa lang galing sa bakasyon ang doctor na babasa ng resulta ng kanyang check-up. And that's on Friday, sa mismong araw ng audition niya. Nang makarating sa bahay ay agad siyang lumabas nang makita sa tindahan ni Olay ang mga kaibigan.

"Oh, nandyan na pala si Jules eh," sabi pa ni Nigella nang makita siyang paparating.

"Girl... sa wakas nasikatan ka rin ng araw!" biro sa kanya ni Regine.

Tumawa lang siya at kumaway sa mga ito. Nang makalapit at dumiretso siya kay Olay na nasa loob ng tindahan at nagmano.

"God Bless sa maganda kong inaanak," sabi pa nito.

Nag-type siya ng message sa phone at pinakita sa kanyang Ninong. "Sabi po ni Mommy punta daw po kayo sa bahay."

"Ay sige. Inday, ikaw na muna bahala dito sa tindahan ko," bilin sa tindera nito saka umalis.

"Musta ka na?" tanong ni Karin, habang karga nito ang anak ni Aven na si Hani.

Nag-type siya sa phone ulit at hinarap ang screen dito. "Ayos lang, galing kami sa doctor, nagpa-check up."

Puno ng pagtataka na tiningnan siya ng mga kaibigan.

"Bakit hindi ka magsalita? Ahh... nalunok mo ba dila mo?" tanong pa ni Regine.

Natawa siya at sinunod ang sinabi nito. Muli siyang nag-type sa kanyang phone.

"I'm preserving my voice, sa Friday na kasi ang audition ko para sa Les Miserables broadway."

"Ahhh... okay! Akala namin kung ano na nangyari sa'yo," sabi pa ni Nadia.

"Ready ka na para sa audition mo?" tanong sa kanya ni Darlene.

Ngumiti siya dito at agad tumango. Mabilis siyang nagtype ng kanyang sagot.

"I'm ready. Mas confident ako ngayon dahil ilang araw ko nang pinapahinga ang boses ko. I will not miss this opportunity and I'll make sure I will get in the cast."

"Manonood kaming lahat, promise!" sabi pa ni Yellena.

"Aasahan ko kayo doon," sagot niya.

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now