Chapter 4

399 30 3
                                    

          TUMIKHIM ng ilang beses si Julianna bago uminom ng maligamgam na salabat saka nagsimula mag-vocalize. Naroon siya ng mga sandaling iyon sa Music Room sa University at kasalukuyan naghahanda para sa pag-eensayo niya.

"Are you ready?" tanong sa kanya ng pianist at coach niya.

"Yes coach."

When her coach starts playing the piano. Julianna closed her eyes and medidate. Nang pumasok ang cue key niya ay saka siya nagsimulang kumanta. She's singing the piece On My Own from Les Miserables movie for her audition piece on the upcoming audition for the lead role and character of Fantine for the remake Broadway musical version of the same title. Ito na ang pagkakataon na hinihintay ni Julianna. Ang pangarap niya simula pa bata siya. Ang maging lead role sa isang international broadway musical. Pero kahit anong role ang mapunta sa kanya, basta ang mahalaga ay makasama siya sa cast.

Nasa kalagitnaan na siya ng kanta ng biglang sumabit ang kanyang boses at napaos. Huminto sa pagtugtog ng piano ang coach niya.

"Julianna, are you okay?"

"Po? Opo," nakangiting sagot niya.

"Are you sure?"

Mabilis siyang tumango.

"Last week ko pa napapansin na hindi nawawala ang pagkapaos ng boses mo. Nagpa check up ka na ba?"

"H-Hindi po."

"Make sure to go to the doctor and have yourself check. Mabuti na 'yong sigurado kaysa magsisi sa huli."

"Opo," sagot niya.

Tinubuan ng matinding kaba si Julianna. Ang totoo ay napapansin na rin niya iyon hindi lang last week kung hindi mahigit dalawang linggo na. Parang ang bilis mapagod ng vocal cords niya, bukod doon ay madalas siyang minamalat at tila nagagasgas ang lalamunan niya at laging parang may bara doon.

"Kaya mo bang kumanta? Or you want another fifteen-minute break?"

Nahihiya siyang ngumiti. "If it's okay," sagot niya.

"Of course, may kailangan din akong tawagan eh. I'll be back."

"Okay po."

Nanlulumo na lumabas ng music room si Julianna pagkatapos ay sumandal sa pader. Humugot siya ng malalim na hininga. Mayamaya ay nagpasya siyang maglakad-lakad doon sa hallway. Napahinto siya nang makarating sa malaking bulletin board. Nilapat niya ang kamay sa poster ads ng Les Miserables audition na nakapaskil doon pagkatapos ay bumuntong-hininga ulit.

"Get better, Jules. You have to get this role, this is your dream," pagkausap pa niya sa sarili.

"You'll get it."

Gulat na napalingon siya at tumambad sa kanyang harapan si Hajime na nakatayo sa bandang likuran niya at nakatingin din sa poster.

"Sana," nanlulumo pa rin na sagot niya saka tumalikod at naglakad pabalik ng music room.

"Bakit? May problema ba?" habol sa kanya ni Hajime.

"My voice keeps failing me. Ilang linggo nang wala sa kondisyon ang vocal cords ko. Palagi na lang akong napapaos," sagot niya.

"Baka naman stress ka lang, simula nang i-announce 'yan audition, sinabi sa akin ni Lian na wala ka daw tigil sa pagpa-practice hanggang sa bahay."

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now