Chapter 7

338 22 1
                                    

          GAYA ng pinangako ni James sa Daddy niya, bago mag-alas-diyes ay hinatid na siya nito sa bahay. Nang dumating sila ay tinawag niya ang mga magulang para makapagpaalam ang lalaki.

"Thanks for the time, Jules," sabi nito paglabas nila ng bahay. 

"Ako nga dapat ang magpasalamat eh. Alam ko na masyadong kang busy pero napaglaanan mo pa ako ng oras."

"A promise is a promise. Anyway, I have to go."

"Sige, ingat ka sa pagmamaneho."

Bumaling si James sa mga magulang niya. "Sige po, mauna na po ako."

"Sige, hijo. Ingat," bilin ng Daddy niya.

"Salamat po."

Nang makaalis ito ay nanunudyo siyang tiningnan ng mga magulang.

"What?" maang niyang tanong.

"Happy?" tanong din ng Mommy niya.

"Oo naman po," nakangiting sagot niya.

Nang makapasok sila sa loob ng bahay, dumiretso na paakyat ang dalawa.

"Mauna na kaming matulog. Patayin mo 'yong mga ilaw dito sa baba bago ka umakyat ah," bilin pa ng Daddy niya.

"Yes, Dad."

Pinatay na ni Julianna ang mga ilaw sa living room maging sa dining room at ang naiwan na lang nakasindi ay ang nasa kusina. Hinubad muna niya ang sapatos pagkatapos ay binuksan ang ref bago nagsalin ng tubig sa baso saka iyon ininom. Natigilan siya nang biglang dumating si Hajime. Agad siyang umiwas ng tingin at binalik ang pitchel sa ref saka hinugasan ang ginamit na baso.

"How's your date?" tanong ni Hajime.

"Okay lang, masaya."

"You don't look happy though, hindi gaya noong unang beses tayong nag-date."

Nakasimangot na humarap siya dito.

"Puwede bang 'wag mo nang ipaalala 'yon?"

Sa inis niya ay nakuha pang tumawa nito. "Bakit kailangan mo ikumpara 'yong noon? Tigilan mo nga ako sa pang-aasar mo Hajime."

Magwa-walk out na sana si Julianna pero hinawakan siya ng binata sa braso.

"Did you kiss?" tanong ulit nito.

Lalong nagsalubong ang kilay niya. "Ano?!"

Naramdaman niya na lalong humigpit ang pagkakapit nito sa kanyang braso.

"I'm asking you if he kissed you?"

Pumiksi siya at binawi ang braso. "Ano ngayon sa'yo kung oo? We're both single and we like each other. Wala ka ng pakialam doon."

Hindi na niya hinintay na makasagot ito, pinatay niya ang ilaw doon sa kusina at dumiretso ng akyat. Kakabukas pa lang niya ng pinto ng kanyang kuwarto nang mula sa likod ay bigla siyang niyakap ni Hajime. Pumasok sila sa loob ng kuwarto niya at sumandal ito sa likod ng pinto.

"Alam mo bang halos mabaliw ako ng kakaisip sa'yo habang kasama mo ang James na 'yon?"

"Bitiwan mo ako, Hajime."

Imbes na sundin siya ay mas lalo pa siya nitong niyakap ng mahigpit at binaon ang mukha sa kanyang leeg. Kumabog ng husto ang dibdib niya. Kay bilis ng tibok ng kanyang puso na parang ano man oras ay sasabog iyon. Damdamin na hindi niya naramdaman kanina habang kasama si James. Pumikit siya nang maramdaman na sinandal ni Hajime ang pisngi gilid ng kanyang ulo habang ang mga braso nito ay nakayakap sa balikat at tiyan niya.

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant