Chapter 10

333 30 3
                                    

"BAKIT n'yo ba ako hinila dito?!"

Binitiwan siya ni Channe at saka humarap sa kanya ang mga kaibigan. Matapos hilahin palayo kay Julianna, dinala siya ng mga ito sa school garden.

"Pare, ano ba 'tong ginagawa mo? Naglalaro ka ba?" kompronta sa kanya ni Channe.

"Alam mo 'tol, magkaibigan tayo pero kapag nalaman ko gumagawa ka ng kalokohan sa pinsan ko, sasapakin talaga kita," sabi pa ni Steven.

"Pare, mahal ko si Julianna. Alam na alam mo 'yan. Hindi ko siya kayang lokohin."

"Iyon naman pala eh, ano 'tong sinasabi n'ya na nakita n'ya na magkaholding-hands kayo ni Charry."

Marahas siyang napabuntong-hininga at napaupo sa wooden bench. "It's all for a show," pag-amin niya.

"Para saan? Pagselosin siya?"

Umiling siya at pumikit. "Yui."

Ang tatlo naman ang napabuntong-hininga nang marinig ang pangalan ng babae.

"Ano na naman ang gusto n'ya?"

"Nakarating sa kanya na magkasama kami noong weekend at dinala ko si Jules sa apartment ko. Tumawag siya kaninang umaga at nagbanta ulit. Pinapasundan ako ni Yui sa mga tao niya. Iyong nakita ni Jules kanina, iyon 'yong mga oras na nakikita ako ng bantay niya. Kailangan ko ipakita na sweet ako kay Charry. Alam n'yo naman na ayaw n'ya kay Julianna. Wala daw siyang babaeng papayagan na maging girlfriend ko kung hindi si Charry lang. Palagi niyang sinusumbat sa akin na kapag pinilit ko ang relasyon namin ni Jules. Siya mismo ang magsasabi ng totoo sa kanya. I can't let her do that."

"Alam ba ni Tito Leo na nakikipagkita ka ulit kay Yui?" tanong ni Dawson.

Umiling siya. "I can't. Nagbanta ba siya na may gagawin masama laban kay Tito kapag nalaman niyang sinabi mo?"

Tumungo si Hajime. Steven crouches down in front of him to look at his face.

"Haj, hanggang kailan ka susunod sa mga gusto n'ya? Alam mo kung bakit malakas ang loob niya dahil pinapakita mo sa kanyang takot ka."

"Kapag hindi ko ginawa ang gusto niya, baka kung mapaano si Julianna. Wala kayong alam kung gaano kalawak ang impluwensiya niya. Ayokong madamay pati sila Tito Leo."

"Kaya nagpapasindak ka naman?" tanong ni Channe.

"Pare, kailan ka mo planong kumilos at labanan ang Yui na 'yan? Kapag naghihingalo ka na? Patuloy na masasaktan si Julianna sa ginagawa mo hangga't hindi mo sinasabi sa kanya ang totoo. Patuloy n'yang iisipin na pinaglalaruan mo siya. Baka magising ka na lang isang umaga na tuluyan na siyang wala sa'yo."

Natigilan siya at tumingin sa mga kaibigan. Pinatong ni Steven ang kamay sa balikat niya.

"Pare, para na tayong magkakapatid. Kung ayaw mong kumilos, kami ang gagawa ng paraan para sa'yo. Kung kailangan natin humingi ng tulong kila Daddy at gumamit sila ng koneksiyon. Gagawin namin. Ayaw namin mapahamak ka."

"Salamat, Steven."

"Sa ngayon, kailangan mong kausapin si Julianna. Ipaintindi mo sa kanya ang dahilan kung bakit nasa eksena si Charry. Hindi mo naman kailangan sabihin sa kanya ngayon 'yong pinaka malalim na dahilan," sabi ni Channe.

"I agree. Kapag nagdemand si Yui na gawin ang gusto niya sa'yo. Pare, please, don't give in," payo ni Dawson.

"Mas gugustuhin kong tanggapin ang hagupit ng latigo niya kaysa pagbigyan ko siya sa gusto niya," mariin niyang sagot, sabay tingin sa mga kaibigan. "Basta pare, kapag hindi ako bumalik in twenty-four hours. Alam n'yo na kung saan ako hahanapin."

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now