Chapter 6

346 28 3
                                    

"UNDER renovation kasi 'yung apartment ni Hajime, pinaayos ng may-ari kaya kailangan muna niya umalis doon. Kaysa naman kung saan siya makitulog, dito na lang, gaya lang ng dati," paliwanag ng Mommy ni Julianna.

"Hanggang kelan daw siya dito?"

Nagkibit-balikat ito. "I don't know."

Napabuntong-hininga siya. Wala naman kaso sa kanya kung doon ulit sa bahay nila tumira si Hajime. Walang problema sa kanya, kung hindi naging sila. Pero dahil ex-boyfriend ni Julianna ang binata. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng pagkailang, tapos ay sa ganoon tagpo pa sila nagkita.

"Bakit? Ayaw mo ba na nandito siya?" tanong ni Cassy sa anak.

Pinilit ngumiti si Julianna. "H-Hindi po, naitanong ko lang."

"Anak, alam ko na naiilang ka sa kanya dahil sa pinagsamahan ninyo. Pero bago pa man maging kayo, malalim ang naging friendship ninyo bukod pa na halos dito na siya lumaki sa atin."

Muli siyang napabuntong-hininga saka ngumiti sa ina.

"Subukan mo na pakisamahan siya anak, alam mo naman na tayo na ang tinuring na pamilya ni Hajime."

Marahan siyang tumango. "Opo."

Huminga ng malalim si Julianna matapos maalala ang usapan nilang mag-ina kagabi nang hatiran siya nito ng pagkain sa kuwarto niya. Nakaligtas siya kagabi mula sa mapang-asar na si Hajime pagkatapos niyang magdahilan na masakit ang kanyang ulo. Ngayon, wala na siyang maisip na i-dahilan. Hindi naman siya puwedeng umalis basta nang hindi kumakain ng almusal. Ayaw na ayaw na Mommy at Daddy niya na hindi sila kumakain ng umagahan.

"Good morning, Dad," nakangiting bati niya sa ama pagbaba niya sa dining area.

"Morning," sagot nito habang abala sa pagbabasa. "Masakit pa ulo mo?"

"Hindi na po."

Sumulyap ito sa kanya pagkatapos ay natatawa na napailing.

"What?" inosenteng tanong niya.

Hindi sumagot ang ama sa halip ay pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Ohayōgozaimasu, Tita Cas!" masiglang bati ni Hajime na ang ibig sabihin ay good morning.

Her heart suddenly starts pounding so hard. Mabilis niyang iniwas ang tingin nang magtama ang mga mata nila. Pakiramdam ni Julianna ay bigla siyang pinagpawisan ng malamig. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari nang nagdaang gabi.

"Ohayō!" sagot ng Mommy niya.

"Good Morning, Tito Leo!"

"Morning, how was your sleep, hijo?"

"It was great! Namiss ko 'yung kuwarto ko dito!" masiglang sagot ng binata.

"Balik ka na kasi dito, Kuya Haj!" sabad ni Third.

"Oo nga Kuya! Tapos magbalikan na rin kayo ni Ate!" walang prenong sabad din ni Sec.

Halos maibuga ni Julianna ang iniinom niyang kape saka naubo pagkatapos ay tiningnan niya ng masama ang kapatid.

"Kutos, gusto mo?" nanggigigil na banta niya sa kapatid.

"Good Morning, Jules!"

Doon siya napalingon kay Hajime. Nakangiti ito ng husto kaya halos nakapikit na ang mga mata nito. Sinadya niyang paklahan ang ngiti saka pasimpleng umirap. Tumawa lang ito maging ang mga kapatid niya.

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon