Chapter 9

300 28 2
                                    

NAGMAMADALI at tumatakbo pababa si Julianna mula sa library. Nakatanggap siya ng text message ilang minuto na ang nakakaraan mula kay James. Ayon sa binata ay naroon daw ito sa harap ng school nila at naghihintay sa loob ng kotse.

Napahinto lang siya nang makasalubong si Regine at Yellena. Hinawakan siya ng una sa braso.

"Ba't nagmamadali ka? Breaktime na, nandoon na sila sa canteen."

"Susunod ako, may kakausapin lang ako sandali sa labas."

"At sino naman 'yan? Suitor?" pang-uusisa pa ni Yellena.

Lumapit siya sa dalawang kaibigan at bumulong. "Sira hindi, si James."

"Ah, suitor nga," komento ni Regine.

"Basta mamaya na, babay!" sa halip ay sagot niya saka nagmamadaling lumabas ng gusali.

Pagdating sa gate ng University. Napalingon siya sa bandang kaliwa nang marinig na may bumusina at makita ang isang SUV na kulay puti. Mula sa loob ay pasimpleng kumaway sa kanya si James. Agad siyang ngumiti at kumaway din. Palapit na lang siya sa kotse nang mamataan si Hajime na tumatawid ng kalsada papunta sa restaurant ni Aven kasama si Charry. Bigla siyang natigilan at agad umahon ang matinding selos sa kanyang puso nang makitang magkahawak ng kamay ang dalawa.

Just days ago, they were okay. Ang sweet at ang saya nilang dalawa. Paulit-ulit nitong sinasabi sa kanya kung gaano siya namiss ng dating nobyo. And now, here he is walking and holding other girl's hands. Nang mga sandaling iyon ay mas doble ang sakit na naramdaman niya. Hindi maintindihan ni Julianna si Hajime. Isang araw nasa tabi niya ito, almost confessing his love for her. Ngayon, si Charry na ang kasama nito. Parang tumalon ang puso niya nang mapatingin ito sa gawi niya. She saw shock in his eyes. Mayamaya ay binitiwan nito ang kamay ng babae pagkatapos ay may sinabi. Ilang sandali pa ay naglakad ito papunta sa kanya. Sa halip na hintayin ay tumalikod siya at sumakay sa kotse ni James.

"Hey, you okay?" tanong pa nito.

Pinilit niyang ngumiti. "Yeah."

Lumingon ito kay Hajime na noon ay nakatayo lang sa kabilang kalsada at nakatingin sa kotse ni James habang hawak ang phone at nasa tapat ng tenga nito. Ilang sandali pa ay nag-ring ang phone niya kaya napalingon doon ang kasama niya.

"Sorry," nahihiyang sabi niya.

"No, it's okay. Baka importante."

Tumikhim siya. "Sandali lang ha?" paalam pa niya bago sinagot ang tawag.

"Hello?" sagot niya sa tawag.

"Sinong kasama mo?" tanong agad ni Hajime.

"Si James."

Marahas itong bumuntong-hininga. "Come down, let's talk," he demanded.

"I'm sorry, gaya mo, busy ako," seryoso pero mataray na sagot niya.

"Look, Charry and I are j—"

"I'm not interested to know... James, may three hours vacant period ako. Let's go and have lunch. Nagugutom na ako," sa halip ay sagot niya. Sinadya ni Julianna na iparinig ang huling sinabi kay Hajime bago putulin ang tawag.

Sinubukan pa siyang tawagan nito ulit pero kinakansel na niya ang tawag nito at minute din ang phone para hindi siya ma-distract habang kasama si James.

"Sorry about that," sabi niya.

Ngumiti si James. "Nah, it's okay. Naiintindihan ko naman. He's jealous."

Love Confessions Society Series 9: Hajime Kento (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now