PROLOGUE

479 4 1
                                    

It is a bright sunny afternoon. From my afternoon nap, I hurriedly go out of my room, down to the grand staircase that feels like a million steps, out into the main door and run towards our garden near the gate. Dito ko siya aabangan. Alam kong ilang minuto lang ang hihintayin ko at makikita ko na naman ang pagdaan niya sa kalye namin, nakasakay sa scooter niya. 

Simula ng summer vacation namin, araw-araw ko na siyang inaabangan. Kelangan nasa labas ako sa pagitan ng alas kuwarto hanggang alas singko ng hapon. Hindi na masyadong mainit ang araw at nasisilungan ako ng anino ng malaking bahay sa tapat ng kalye namin kaya mainam ang oras na yun para sa aking paghihintay. 

Nagkakanda haba-haba ang leeg ko sa kakatingin sa tarangkahan ng gate namin. Hinihintay ang pagdaan ng kaisa-isang lalaking pumukaw ng aking interes sa mura kong edad. Kakatapos ko lang sa ikaapat na baitang sa elementarya. Sa pasukan ay nasa ikalimang baitang na ako sa eksklusibong paaralan sa may labasan ng tinitirahan naming village. 

Kaisa-isang anak ako ng kilalang may-ari ng isa sa pinakamalaking korporasyon ng bansa, ang Dominguez Enterprises Holdings. My father Don Alejandro Dominguez runs the whole company with the help of my mother, Doña Juanita Dominguez. They are such loving parents, and they spoil me with anything and everything I need. But most of all, they spoil me with their unconditional love. At kasi nga wala akong kapatid, nasa akin lahat ang atensyon nila.

"Annie hija, magdidilim na. Halika na pumasok ka na at parating na ang mga magulang mo," tawag sa akin ng aking yaya na nagpabalik sa 'kin sa reyalidad. Malapit na ngang dumilim. Hindi siya dumaan ngayong araw, hindi ko nasilayan ang mukhang hinahangaan ko.

"Opo, Yaya Ebyang, papasok na po." Nanlulumo kong tugon at dahan-dahan akong naglakad papasok ng bahay.

Nagtataka ako. Bakit kaya hindi siya dumaan ngayong araw na to? Meron kayang nangyaring hindi maganda sa kanya. Nanginig ako sa aking naisip. Huwag naman sana. Ni hindi ko pa nga nakikilala kahit pangalan niya. At dahil ayoko ng mag-isip ng mga masasamang bagay, dali-dali kong hinanap ang aking yaya.

"O bakit parang malungkot ka? May dinadamdam ka ba?"

"Wala po yaya, medyo napagod lang sa kakalaro," tugon ko habang paakyat ako pabalik sa aking silid. Nahiga sa kama at inisip ang unang araw na nakita ko siya. Isang hapon habang naglalaro ako ng bahay-bahayan sa may garden ay may tumilapong bola sa harapan ko na naging dahilan kung bakit natabig ang playhouse ko.

"I am so sorry, I didn't mean to hit you with the ball." A baritone voice came from nowhere. Nang lumingon ako ay napangaga ako. Ito yata ang pinaka guwapong mukha na nasilayan ko sa tanang buhay ko. Matangkad, makisig ang katawan at napakaputi. And those round green eyes that looked so innocent and apologetic. It's like they're staring straight into my soul and left me dumbfounded. "Are you ok? Did I hurt you?"

"Ahm.." I really don't know what to say because I was so distracted by this very beautiful man in front of me.

"Please say something." Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses siya subalit nanatili akong tahimik. Hindi ko talaga alam kung bakit tila napipi ako.

Tumayo ako at kinuha ko ang bola. Dahan-dahan akong lumapit sa gate at binuksan. Tumayo ako sa harapan niya at dun ko napagtantong napakatangkad niya pala. Halos hindi ako umabot sa dibdib niya.

He looked down at me and smiled, then gently took the ball from my small hands. He then gave me his shy smile and walked away. Wala akong ibang nagawa kundi sundan ang papalayong likod niya at tanungin ang aking sarili kung sino kaya siya? At simula nuon ay araw-araw ko ng inaabangan ang pagdaan niya sa bahay namin. Masilayan ko lang ng ilang segundo ang mukha niya ay napakasaya ko na. 

Kadalasan ay nginingitian niya ako, o di kaya ay kinakawayan. May mga pagkakataon din na humihinto siya sa harapan ng gate namin at pinapanood akong maglaro. Nung una ay naaasiwa ako sa tuwing pinapanood niya ako. Subalit nitong huli ay napakasaya ko sa tuwing tumatambay siya sa labas ng gate namin. 

Maliban sa araw na to dahil hindi ko siya nakita. At muli akong nanlumo. Simula noon ay hindi ko na siya ulit nakita. Hanggang sa natapos ang bakasyon at muling nagsimula ang klase namin ay hindi ko na nakita ang anino ng nag-iisang lalaking hinahangaan ko hanggang sa aking paglaki.

Every Moment with YouWhere stories live. Discover now