CHAPTER 7

2 0 0
                                    


I reluctantly opened my eyes. It's barely morning judging from the missing light coming in from the windows of my room. I lazily got up and stretch. I hardly had any sleep. I was awake until probably around 1 AM. At hindi dire-diretso ang tulog ko. Palagi akong napapabalikwas ng gising dahil sa isiping natutulog lang sa kabilang silid ang lalaking pakakasalan ko. Napaisip ako kung nakatulog ba ng maayos si Eniel.

Sabado nga pala ngayon at nagkayayaan kami ng mga kaibigan ko na mag-relax. Matapos ang napakahabang dalawang linggo ng aking karera, ngayon higit kailanman ko kailangan ng mahaba-habang pahinga. Medyo matagal na rin nung huli kaming nagbakasyon at medyo nami-miss ko na sila. Tuluyan na akong bumangon, sinuot ang aking roba, at lumabas ng kwarto ko. Magkakape na lang muna ako habang naghihintay sa dalawa kong kaibigan.

Pagdaan ko sa katabing silid ay tahimik ito, subalit may mga mahihinang boses akong naririnig mula sa kusina. Dumiretso agad ako sa kusina at napako ako sa aking kinatatayuan ng mapagtanto ko kung kanino galing ang mga boses na naririnig ko.

"Oh my God Eniel, I own several restaurants but I'm really impressed with your pancakes. Kung hindi ka lang pagmamay-ari ng kaibigan ko, naku baka itinanan na kita," ang maharot na pahayag ng bestfriend kong si Lindsay.

"Girl get a number. Mauuna muna ako sa'yo," dagdag naman ng kaibigan kong bading na si John. Pero mas gusto niyang magpatawag ng Jane.

Biglang lumingon si Eniel at nakita niya akong nakatayo di kalayuan sa kanila at matiim na tumitig sa 'kin.

"I don't think my fiancée would appreciate those kind words ladies," at medyo yumuko para itago ang pamumula ng pisngi nito.

Sabay na lumingon ang dalawa sa 'kin at tumalon mula sa kinauupoan at sabay na yumakap sa 'kin.

"Good morning sleeping beauty," sabay pang turan ng dalawa.

"What are you guys doing here this early," medyo nagugulumihan kong turan sa kanilang dalawa.

"Well Jane crashed in my apartment last night and we decided to come here early para mas mahaba ang bonding time natin," sagot ni Lindsay.

"We were supposed to surprise you, pero kami ang mas nasurpresa ng pinagbuksan kami ng napakagwapong lalaking to," sabay kindat ni Jane kay Eniel.

"I decided to prepare some breakfast for you before I go downstairs. You know, para sa pang-aabala ko sa'yo. At naabutan nila ako," and there's that shy smile again.

Hinila ako ng dalawa paupo sa breakfast counter at halos sabay-sabay na nagtanong tungkol sa amin ni Eniel. Eniel was gentleman enough and didn't provide any details of how our engagement came about. At hindi ako magsisinungaling kung sasabihin kong hindi ko talaga alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat sa kanilang dalawa.

Hindi ko nga rin pala nasabihan ang dalawang to na ang lalaking pinagnanasaan nila ay ang parehong lalaki na naging obsesyon ko sa lumipas na mga taon. Pinilit ko na lang na ibahin ang usapan para hindi na nila ako tanungin ng mga detalye tungkol sa aming dalawa ni Eniel.

"So saan ang rampa natin today?" pag-iiba ko sa usapan.

"I was thinking out of town, you know, yung medyo malayo sa city. Para naman makapag unwind tayo," sagot ni Lindsay.

"Can we go to the beach?" suhestiyon ni Jane. "And I want to see Eniel almost naked on the beach." Sabay ngiti ng malagkit sa lalaki.

Pinandilatan ko si Jane. Alam naming tatlo na medyo may pagka-malandi talaga tong kaibigan namin. Siya ang unang nagka boyfriend at siya rin ang may pinakamaraming naging boyfriend. Not that it matters to me, kasi nga wala akong naging kasintahan kahit isa.

Every Moment with YouWhere stories live. Discover now