CHAPTER 4

2 0 0
                                    

"Let's play house. You be the mom and I will be the dad. Then we will have babies, lots of them," nakangiting sabi sa 'kin ng binata. Damn those green eyes. Why are they so mesmerizing. Nawawala ang kakayahan kong mag-isip sa tuwing tumititig ako sa mga matang yun. "Hey mommy, ok ka lang ba? Gutom na ako, magluto ka na ng dinner natin."

"Ten years old pa lang ako. Hindi pa ako marunong magluto," nagmamaktol kong tugon.

"Then pretend that you know how to cook. Come on cook me something delicious."

"I don't know what you want."

"Anything you prepare will be good enough for me." Banaad ang panunukso sa boses niya.

"Can we play something else? I don't like this game at all," sabi ko kasi medyo naiinis na ako sa binata.

"But I like this game. I like to do it with you," pangungumbinsi niya sa 'kin.

"Bakit ganito ang larong gusto mo?"

"Kasi nga magiging asawa kita, so kelangan na nating mag practice." At dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa 'kin. Awtomatiko akong napapikit dahit alam kong hahalikan niya ako. Ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko. Nagtama ang mga ilong namin.

But the kiss never came. So I opened my eyes again. And looking at me are those round green eyes, but a little shade darker. Full of desire towards me. He's no longer a teenager but the full-grown man that I have met just a few hours ago.

He slowly lifts his hand and caress my face using his knuckles. Then his hand slides slowly towards my ears and to my nape. He firmly holds my neck in place and slowly bridged the distance between our faces. And I feel that this time he is really going to kiss me.

Napabalikwas ako. What's happening to me? I really thought that was real. I was a ten-year-old girl again and Eniel was a teenager. He looked exactly the same way as I remembered him. But then he morphed into the adult man that looks really attractive. Bakit ko siya napanaginipan? At bakit ganun ang tema ng panaginip ko? Bigla akong napalunok ng maalala ang panaginip ko. Nabigla ako dahil hawak-hawak ko pa rin ang suit ni Eniel. Maingat ko itong itinupi at ipinatong sa bedside table. 

Tumayo ako at dire-diretso sa bathroom. Maliligo ako. Baka sakaling maibsan ang nararamdaman ko. Nahihiya ako sa sarili ko dahil sa panaginip ko. The warm water cascading from the showers is a welcome distraction to the unconventional start of my day. Medyo tumagal ang ligo ko ngayon dahil gusto kong lunurin ang alaala ng panaginip ko.

Napili ko ang red Prada dress mula sa aking closet. Medyo hapit ito sa katawan ko. At pansin ko na maraming kalalakihan ang napapalingon sa tuwing suot ko ito. Hindi ko masyadong sinusuot ito sa kadahilanang medyo daring ang damit. Mababa ang neckline nito na kita ang cleavage ko. Mababa rin ang likod at kita ang kalahati ng likod ko. Pagkatapos maglagay ng konting mascara at lip gloss, handa na akong pumasok sa opisina.

"You look mighty fine this morning, Ms. Dominguez," muntik na akong mapatalon sa surpresa ng makita ko si Eniel na prenteng nakaupo sa isa sa mga stool sa harap ng breakfast counter.

"Magandang umaga Annie, nakahanda na ang agahan mo," masiglang bungad sa 'kin ni Yaya Ebyang.

"Ahm anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng bumalik na ang kakayahan kong magsalita.

Eniel didn't say anything. He was staring at me intently. In fact, he was looking at me in a very appreciative way, that I felt shy. Why did I chose to wear this dress today? Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Si Eniel pala ang bagong nakatira sa lower penthouse dito," nakangiting tugon ni Yaya Ebyang.

Bigla akong napalingon sa napakaguwapong nilalang sa harapan ko. Nakataas ang kilay na nanghihingi ako ng paliwanag sa kanya.

Every Moment with YouWhere stories live. Discover now