CHAPTER 3

3 0 0
                                    


Nakatayo ako sa garden ng bahay namin. Narito pa rin ang playhouse ko. Paborito kong tambayan nung bata pa ako. Narito pa rin ang mga laruan ko. Naisip ko kung gaano kasimple ang buhay ko nung bata pa ako. Basta makapaglaro lang ako, masaya na ako. At tuwing makikita ko si Eniel noon, lalo akong nagiging masaya. Dahil sa murang edad ko, alam ko na sa unang pagkakataon, nagkagusto ako sa isang lalaki. Kahit hindi ko pa maintindihan ang nararamdaman ko noon.

Pero ngayon ay alam ko na kung ano yun. Crush ko si Eniel sa murang edad ko. Hinahangaan ko ang pisikal na anyo niya. At ngayon, hindi ko mawari ang pakiramdam ko na ang lalaking hinahangaan ko ay naitadhanang ipakasal sa 'kin. Na ng naipanganak kami ay ginusto na ng mga magulang namin na ipakasal kami. Kung tutuusin maganda ang plano ng mga magulang namin. Sino ba ang niloloko ko? Mula bata pa lang pinapantasya ko na si Eniel. Palagay ko nga mahal ko na siya kahit hindi ko pa siya kilala.

Subalit ang napakalaking tanong, parehas ba kami ng nararamdaman? Sa loob ng labinlimang taon, ngayon lang ulit kami nagkita. Ngayon ko lang nalaman ang buong pangalan niya. Hindi ko kilala ang pagkatao niya. Hindi ko alam kung ano ang ugali niya. Pano kung hindi kami bagay sa isa't isa? Pano kung may mahal siyang iba at pinilit lang siya ng mga magulang niya na pakasalan ako? Ni hindi ko nga alam kung gusto niya rin ba ang kasunduang ito. At yun ang lalong nakadagdag ng panlulumo ko.

Pano kung hindi kami magkasundo? Pano kung hindi niya gusto ang ugali ko? Pano kung mag-asawa na kami at nakatagpo siya ng babaeng mamahalin niya? Hindi imposibleng isipin na may magkakagusto sa kanya. Napakagwapong lalaki ni Eniel. At batid ko na maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Pano kung may mahal na siya ngayon? Napabuntong-hininga na lang ako sa dami ng tanong na tumatakbo sa isipan ko.

Nakapagdesisyon ako na umuwi na lang muna sa condo ko. Iisipin ng mabuti ang mga rebelasyon ng mga magulang ko at iisipin kung ano ang dapat kong gawin. Huminga ako ng malalim at ng medyo lumuwag ang dibdib ko, pumihit ako para bumalik sa bahay. Paglingon ko ay muntik na akong mapahiyaw ng makita si Eniel na nakatayo sa likod ko at nakatitig sa 'kin.

His gaze is so intense. His face unreadable. At kita ko mula sa malamlam na liwanag sa bakuran namin ang pungay ng mga mata niya.

"Hi," simpleng sabi ni Eniel.

"Hi," tugon ko naman.

"I.... You... Ahm..." Eniel is stammering. I can't believe that this beautiful man standing before me sounds nervous and unsure.

"Did you know about this agreement made by our parents?" diretsahang tanong ko sa kanya. I must seize this opportunity to talk to him. Seeing him looking so nervous, I feel that I have the upper hand.

"Ahm yes!" He responded after a few breaths. 

"How long have you known about this?"

"I've known it for a while. Since I was fifteen," unti-unti ay bumabalik ang kompiyansa sa mukha ni Eniel. "I was a naughty boy back then." I can't comprehend how a naughty Eniel would look like. He seemed so nice all the time. Always smiling.

"I had a lot of flings back then." Biglang sabi niya na para bang nabasa niya ang iniisip ko. "My dad was really upset with me one time when I didn't come home for two days. I went to my ex's province at the time to visit her. Then siguro sa galit niya, bigla niyang nasabi na I am supposed to marry a girl when I'm of the right age." Then I saw that shy smile again that I've come to realize is my favorite smile of his.

I didn't know what to say to all of this. I just stare at his eyes, willing him to talk more. I love the sound of his voice. I love the way his eyes shine while reminiscing his younger years. And I like to see those perfect lips move while he was talking.

Every Moment with YouWhere stories live. Discover now