CHAPTER 2

2 0 0
                                    

"Kuya Mario diretso na tayo sa bahay ng mga magulang ko," sabi ko sa driver ko.

"Sige po Ma'am."

At tinahak namin ang daan papunta sa village kung saan ako lumaki. Isa itong eksklusibong village na karamihan sa mga nakatira ay mga mayamang pamilya. Tahimik ang lugar namin. May guard house at may umiikot na mga roving guards para panatilihin ang katahimikan sa lugar. May malaking clubhouse sa puso ng village, may simbahan, may mall sa may labasan. Halos lahat ng bahay ay malalaki at hindi maikukubli ang rangya ng bawat isa sa kanila. At kabilang dun ang bahay ng mga magulang ko.

Isa itong Victorian-inspired na mansyon. May sampung silid ang bahay namin. May sariling library sa loob na naglalaman ng napakaraming klasikal na libro. Mahilig magbasa ang mga magulang ko. Kaya ang pinakaunang negosyo na initayo ng papa ko ay ang Dominguez Publishing. Ito rin ang naging daan upang makahiligan ko rin ang pagbabasa.

May swimming pool sa likurang parte ng bahay kung saan ako natutong lumangoy. Kadalasan si Yaya Ebyang ang kasama kong maligo dun. May malawak na bakuran na natataniman ng mga matatayog na puno na nagbibigay ng sariwang hangin.

Pagdating ko ng bahay ay dumiretso ako sa kusina. Alam kong magiging abala si Mama sa paghahanda ng hapunan namin.

"Hi Mom, kumusta." Bati ko sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap.

"O hija andito ka na pala? Maayos naman ako. Ikaw, kumusta ang araw mo?" Ang nakangiting bati sa 'kin ng mommy ko.

Si mama ay nasa singkwenta na. Pero mababanaag pa rin ang ganda niya. Very regal and poise in her golden age.

"Maayos lang din."

"Sige magpahinga ka na muna dun. Yung papa mo ay nasa study niya."

Dumiretso ako sa study ni papa. Pagbukas ko ng pinto ay nakaharap si papa sa bintana ng opisina niya. May kausap sa telepono. Matangkad at matikas pa rin si papa kahit nasa mid-fifties na siya. May lahing Kastila si papa at sa kanya ko namana ang balat ko.

"Aba maayos naman at matiwasay ang biyahe ninyo. Nasabihan ko na si Juanita na darating kayo ngayong gabi. At nasasabik na siya na magkita kayong muli," biglang lumingon si papa at nagliwanag ang mukha niya ng makita ako.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Isang malaking ngiti ang naging tugon sa 'kin ng papa ko.

"Are we really discussing that tonight?" Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng papa ko habang nakikinig sa kausap niya. "Well, if that's what you think. I thought this may be a good time to go at it." At tinapos niya ang tawag. "How is my most beautiful daughter?" muling bumalik ang malawak na ngiti ng papa ko.

"Dad, I'm your only daughter," medyo naiinis kong sagot.

"That you are right." And he laughed hard which made me laugh with him too.

"Who were you talking to?" interesado kong tanong.

"Old friends. You will meet them tonight."

"Ok. Akyat na muna ako sa taas." Tugon ko dahil alam kong hindi na magkukwento pa ng iba ang papa ko. He is always a man of few words. Pero pinigilan ako ni papa. Tila may gusto pa siyang pag-usapan.

"How was our proposal with EGN?" Umupo ako sa harap ng desk niya at umupo rin si papa sa swivel chair niya sa loob ng study niya sa bahay.

"Well, the presentation went well. We just have to wait for their decision."

Ngumiti si papa at kitang-kita ko ang kinang sa mga mata niya. Alam kong proud na proud siya sa mga achievements ko sa opisina namin.

"Be ready for tonight. And for the next few years. I'm sure you're going to be very busy." Dismissing me. At medyo nanibago ako sa reaksiyon ng papa ko.

Every Moment with YouWhere stories live. Discover now