CHAPTER 8

9 0 0
                                    


Halos hindi kami makapag-usap habang bumabiyahe dahil medyo maingay. Aliw na aliw ang dalawa kong kaibigan na tumatanaw sa labas at panay ang turo nila sa mga nadadaanan naming mga bahay at gusali na kalaunan ay napalitan ng malawak na mga bukirin at mga bulubundoking bahagi ng Luzon.

Maya-maya ay hindi ko na maramdaman ang paghaplos ni Eniel sa palad ko. Napalingon ako sa kanya at napagtanto kong natutulog pala ito. Parang naramdaman nito ang paggalaw ko at akala ko ay magigising ito subalit humiga lang ito sa balikat ko. Dahil sa lapit ng ulo niya sa mukha ko ay naamoy ko na naman ang natural niyang amoy. At ramdam ko na namumula na naman ang aking pisngi.

Nung tumingin ako sa mga kaibigan ko ay nanunuksong mga ngiti ang nakita ko. Inuudyokan pa ako ni Jane na halikan ko raw ang lalaki. Napapailing na lang ako sa kapilyohan ng mga kaibigan ko.

Halos umabot lang ng isang oras ang biyahe namin at papalapag na kami sa isang pribadong beach resort. Nakita ko na may mga open cottages malapit sa shoreline na kung hindi ako nagkakamali ay tatlo lahat. Sa may likurang bahagi naman ay may isang two-storey beach house at kung hindi ko lang alam na nasa Pilipinas kami ay iisipin kong maaring nasa Bali, Indonesia kami. Malawak ang beach resort.

Nang tuluyang makalapag ang helicopter ay dali-daling tinanggal ni Lindsay at Jane ang seatbelts nila. Matapos sabihan ng piloto na pwede na kaming bumaba ay halos lumundag ang dalawa. Tulog pa rin ang katabi ko at marahan ko siyang niyugyog para magising. Sumenyas sa 'kin ang piloto na bababa na ito at tumango na lang ako bilang tugon.

Hindi pa rin nagigising si Eniel kahit nilakasan ko na ang pagyugyog sa balikat nito. Sa halip na gumising ay sumandal lang ito sa upuan. Nakaangat ng kaunti ang mukha nito. Dumako ang paningin ko sa nakaawang na mga labi ng lalaki. Bigla sumagi sa isipan ko na halikan si Eniel. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at bigla kong inilapit ang mukha ko sa natutulog na lalaki. At bago pa magbago ang isipan ko ay dumampi ang mga labi ko sa labi niya. Napakalambot ng mga labi ng lalaki. Nabigla ako ng may humawak sa likod ng ulo ko at gumalaw ang labi ng lalaki.

Naitulak ko si Eniel at dali-daling dumilat. Sparkling green eyes greeted me.

"You remembered. That was so sweet," sabay haplos nito sa pisngi ko. Natitiyak kong namumula na naman ang mga pisngi ko. "You sure know how to wake up your man."

Wala akong maisagot kaya bigla na lang akong humakbang palabas ng helicopter at dali-dali akong tumakbo patungo sa mga kaibigan ko na nagsisimula ng magtampisaw sa tubig.

"Ba't ang tagal mo?" May pagtatakang tanong sa 'kin ni Lindsay.

"Gi-ginising ko pa si Eniel," medyo nauutal kong sagot.

"I'm sure he had to kiss Eniel to wake him up. He looked so delicious while sleeping you know," panunukso naman sa 'kin ni Jane. At ramdam kong mas lalong namula ang pisngi ko.

Bigla kong naramdamang may yumakap sa bewang ko mula sa likuran. And judging by my body's reaction to that touch, I knew it was him. I just felt his face near me and then he spoke.

"Hey why did you run away just when things were getting a little interesting?," Bulong niya sa 'kin.

Para akong ipinako sa aking kinatatayuan. Kahit tirik ang araw ay para akong nanlalamig. I felt all the hairs in my body stood in response to what Eniel said. And I must say that I am starting to enjoy this sensation every time that Eniel is this close to me.

"Pwede ba huwag niyo na nga akong inggitin. Kung maglalampungan kayo, umalis kayo sa harapan namin," pang-aalaska sa 'min ni Jane.

"I'll just check the house ladies. Feel free to roam around. This is a private resort," sabi ni Eniel sabay halik sa pisngi ko. At umalis na ito. Lumingon na lang ako at tinitigan ang papalayong likod na lalaki.

Every Moment with YouWhere stories live. Discover now