CHAPTER 17

3 0 0
                                    

Amsterdam, Netherlands.

 Yun ang una naming naging destinasyon. Matapos ang halos labing-siyam na oras sa ere ay lumapag din kami sa Amsteram Airport Schiphol. Medyo nakakapagod ang biyahe. Paglabas ng eroplano ay dumiretso kami sa Sheraton Hotel, naglakad lang kami papunta doon dahil nasa labas lang ito ng airport.

"We're just going to stay here for the night, our pilots need to take a rest too. And honestly, I need a good night sleep too," paliwanag ni Eniel habang naglalakad kami.

"Aren't we going to check out the city?"

"We need to be at our destination by tomorrow," marahang tanggi nito.

"You still haven't told me where were going," tumingala ako kay Eniel at nagtatanong ang mukha ko.

"It's a surprise baby," at hinagkan ako sa ulo ko. "Come," sabay hila sa 'kin papunta sa elevators.

Nakacheck-in kami sa Executive Guest room ng hotel. May isang king bed, may malaking flat-screen tv, at ang bintana ay nakaharap mismo sa airport.

"I would've selected a better hotel but seeing that we won't be staying here for long, I just chose the nearest one. You can freshen up while I order us some dinner." Suhestiyon sa 'kin ni Eniel.

Pumasok ako sa banyo. Maluwag naman kahit papano sa banyo. Naisipan kong maghilamos muna at mag toothbrush na rin. Maya-maya ay lumabas na ako ng banyo. Naabutan ko si Eniel na kumukuha ng damit mula sa travelling bag namin.

"Our dinner will be served in thirty minutes," at lumapit ito sa 'kin at yumakap. "How was your flight Mrs. Gonzales?" At hinagkan ako.

"Medyo nakakapagod din," sabay yakap din ng mahigpit sa asawa ko.

"I'd really like to take you here and now, but I know you're a bit tired so I'm gonna let you sleep. We'll have plenty of time to do it later," at muli akong hinagkan. Sa pagkakataong ito ay mas naging mapangahas ang halik ni Eniel.

Nadadarang na rin ako sa halik ng asawa ko. Sa lahat ng pagkakataong hinahalikan ako ni Eniel ng ganito ay mabilis na nag-iinit ang katawan ko. Aaminin ko na magaling humalik si Eniel kahit wala naman akong karanasan sa mga bagay na ganito. Pagkatapos ng makapugtong-hiningang halik ay kumawala na si Eniel.

"I think we better stop. I might not be able to control myself anymore. I'm just going to take a shower," at pumasok na rin ito ng banyo.

Naiwan akong napapangiti habang naghahanda rin ng isusuot ko. Nabigla ako ng makita na wala ang mga paborito kong pajamas sa bag. Pawang mga lingerie at nightgowns ang nasa loob. Napabuntong-hininga na lang ako habang iniisip na panibagong pagsubok na naman ito para sa self-control ng asawa ko.

Matapos ang dinner ay nagpaalam ako na maliligo na din. Matapos ang halos kalahating oras ay lumabas na ako ng silid. Nakita ko ang asawa ko na nakaharap sa laptop at tila abalang-abala sa ginagawa. Ng tumingala ito sa direksyon ko ay napanganga ito. Kasalukuyan akong nakasuot ng beige na silk nightgown na manipis ang tela.

"Are you trying to destroy all my underwear Mrs. Gonzales?" at napapailing ito.

"This is the most decent nightwear I have in that bag," sabay turo ko sa bag namin.

"Unbelievable. Will you not come too close to me please. I can barely keep my eyes off you, let alone the rest of my body." And he gave me his most salacious smile.

"I'll try my best Mr. Gonzales," at dumiretso na ako sa kama. "What are you doing?"

"I'm just checking that all our reservations are in order," sabay sara nito sa laptop at tumabi sa 'kin sa kama. Pagkatapos ay pinahiga ako sa braso nito. "You smell really good my wife. I really need you to get some rest so I'm not going to give you a good night kiss, okay?"

Every Moment with YouWhere stories live. Discover now