CHAPTER 14

3 0 0
                                    

Naging madalas ang pagtulog ni Eniel sa apartment ko. Ayos lang naman sa akin yun ay dahil mapapangasawa ko na naman siya sa loob ng ilang linggo. Naging maayos na rin lahat ng gusot sa opisina at tuluyan na kaming nakabangon sa trahedyang nangyari ng nakaraang buwan. Araw-araw na nakakasama ko ang lalaki ay mas lalo ko siyang hinahangaan.

Parang napakadali para dito ang magpatakbo ng isang napakalaking kompanya. Hindi ko siya gaanong nakikitang nagtatrabaho. May mga pagkakataon na nakikipagkwentuhan pa ito sa yaya ko. At minsan nga ay nagpapaturo pa itong magluto ng mga bagong putahe at aaminin ko na masarap magluto ang binata. At dahil sa mga nakikita ko sa kanya ay hindi ko mapigilan ang sarili na mas lalong magkagusto dito.

Simula rin ng sabihin ko sa kanya na mahal ko siya ay parang mas natanggap ko sa sarili na nahuhulog na nga ako sa lalaking pakakasalan ko. Hindi rin naman kasi mahirap mahalin si Eniel. Aaminin ko na napakapalad ko at sa madaling panahon ay magiging asawa ko na ito.

Habang tumatagal ay nasasanay na ako sa presensiya niya sa bahay ko. May mga pagkakataong umuuwi siya sa apartment niya lalo pa't kung may mahalaga itong gagawin tungkol sa trabaho. At yun ang mga pagkakataong labis ko siyang namimiss.

"Baby I miss you so much, I really wanna be with you right now," paglalambing sa akin Eniel habang nag-uusap kami sa telepono.

"Eniel I understand why you can't be here. You need to be where you are right now," sagot ko naman.

"I promise once the contract has been signed and everything is in place, I will come home as soon as I can," natutunaw na ang puso ko dahil sa kalambingan ng binata.

"You know this is a major deal between your company and that TV Network. You would need all your strength for tomorrow. You need to rest," sambit ko para maitago ang kilig sa puso ko.

"But I rest more when I'm with you."

"Sige na matulog ka na at para makagising ka ng maaga bukas."

"I will call you tomorrow when I wake up, I promise."

"Alright. Now go to bed." And I love you, gusto ko sanang idugtong subalit pinangunahan ako ng hiya.

"Ok baby. I will dream of you tonight." At tinapos na nito ang tawag.

Kinikilig pa rin ako kahit tapos na ang tawag naming dalawa. Subalit sa kaibuturan ng puso ko ay may munting sundot din akong nararamdaman. Gusto kong itanong kung ano ang nararamdaman ni Eniel para sa akin. Hindi maikakailang napakalambing nito sa 'kin. Maalaga din ito sa 'kin at palaging iniisip ang kapakanan ko.

Kung tutuusin ay mukhang mahal ako ni Eniel. Dahil sa napakagandang pakikitungo na ipinapakita nito sa 'kin ay maituturing na may pagtingin din ito sa 'kin. But that's where the problem begins. I'm incredibly unsure whether the sweetness that he's showing me is only derived from the fact that we are going to be married in less than a month.

What if he's just being nice because like he said, he wanted us to get married too? What if he's just doing this to appease both our parents and he really doesn't feel any other affection towards me? And that has been bothering me all the time. He kisses me all the time. He tells me that he loves being with me, but that's it. He never verbalized any feelings towards me.

Ang isa pang ipinagtataka ko ay hindi lang iisang pagkakataon na muntik ng may mangyari sa amin subalit palagi itong tumitigil. Hindi ako magsisinungaling kung sasabihin ko na sa mga pagkakataong iyun ay nadadarang ako at gusto kong magpaanod sa ragasa ng emosyong nararamdaman ko sa lalaki. Subalit ito na mismo ang humihinto at wala akong ibang magawa kundi tanggapin yun.

Dahil sa dami ng iniisip ko ay hindi ako masyadong nakatulog ng gabing yun. At gumising ako ng medyo masakit ang ulo ko dahil dun. Matagal bago ako bumangon at lihim akong naghihintay ng tawag mula sa lalaking mahal ko, subalit walang tawag na dumating. Kahit text ay wala rin akong natanggap mula dito. Kaya bumangon na lang ako at naghanda para sa trabaho.

Every Moment with YouWhere stories live. Discover now