CHAPTER 9

2 0 0
                                    


"Mauna na kayo. Magpapaalam lang ako kay Eniel," sabi ko sa dalawa. Tumango lang sila at tuluyan ng lumabas ng bahay.

Tantiya ko ay yung silid na nakasarado kanina ang study ni Eniel. Dahan-dahan akong lumapit at nalaman kong tama ang hinala ko ng marinig ko ang boses ni Eniel sa loob. Kumatok ako ng mahina at binuksan ko ang pinto ng wala akong marinig na tugon mula sa loob. Nakatayo si Eniel paharap sa labas at namangha ako sa ganda ng view mula sa opisina nito. Dahil gawa sa salamin ang buong opisina ay kitang-kita mula dito ang puting-puti at pinong buhangin ng resort sa labas.

Dahil nakatalikod si Eniel, malaya kong napagmasdan ang kabuo-an nito. Matangkad si Eniel siguro nasa 6'3" or 6'4" ang height. Malapad ang balikat nito at maliit ang bewang. Bumaba ang tingin ko sa pwet niya at maumbok ito. Siguro ay masarap itong pisil-pisilin. Marahil ay naramdaman nitong may ibang presensiya sa loob kaya lumingon ito. Tumitig ito sa mga mata ko at dahan-dahang bumaba ang mga mata nito sa suot ko. Napanganga ito ng makita ang suot ko.

"Julius I need to call you back," at tinapos ang tawag nito. "Please don't tell me you're going out wearing that?"

"Well that's the idea," medyo nararamdaman kong namumula na ang pisngi ko dahil sa intensidad ng mga tingin ni Eniel.

"You are going to create a commotion with that dress. Please change into something that doesn't reveal too much of you," pagsusumamong sambit ni Eniel.

"I don't have anything else. Alangan namang mag-beach ako ng naka jeans," Medyo natatawa kong tugon.

"But..." bago pa matapos ni Eniel ang sasabihin niya ay tinalikuran ko na siya.

"I need to go. Naghihintay na sa 'kin sina Lindsay at Jane. I just came by to tell you that we're going to the beach," sabay kindat kong sabi at dali-dali akong tumalikod palabas ng opisina nito.

"Please don't go," subalit hindi ko na narining ang kabuo-an ng sinabi nito kasi sinara ko na agad ang pinto.

Dali-dali akong lumabas ng bahay diretso sa beach. Napangiti ako dahil tagumpay ang plano ko. I got the reaction that I needed from him by my outfit. Nandun ang dalawa at nakahiga sa buhangin. Enjoy na enjoy sa sunbathing nila. Mag-aalas tres na ng hapon kaya hindi na masyadong mahapdi ang init.

"O akala ko kasama mo si Eniel na susunod dito?" Tanong sa 'kin ni Lindsay.

"He's not done with whatever he was doing," sagot ko naman.

"OMG! It's a Saturday. Does he even rest?" Turan naman ni Jane.

"Like I said, he was away for two weeks. I'm sure he got a gazillion things to finish."

"Well maybe running a multi-billion company is like that. I mean look at you, you barely had time for us," sang-ayon naman ni Jane. "Which makes me think, what happens if you guys are married? I mean you are both super-busy. Will you have time for each other?"

At natulala ako sa tanong ni Jane. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong na yun. Paano nga kaya kung kasal na kami. May ideya ako kung gaano kahirap magpatakbo ng kompanya dahil ganun din ang daddy ko. Paano namin makilala ang isa't isa kung palagi kaming walang oras? Akala ko nga ay magkakaroon kami ng konting pagkakataon na magkakilanlan ni Eniel ngayon dahil nasa bakasyon kami, subalit nandun ito sa opisina at punong-puno ng trabahong kailangang tapusin. Napabuntong-hininga nalang ako sa mga naisip ko.

Pagkatapos magbilad sa araw ay naligo kami sa dagat. Napakalinaw ng dagat. Enjoy na enjoy kami sa pagsu-swimming at parang ayaw na naming umahon mula sa tubig. Malapit ng dumilim at napagdesisyunan naming bumalik na sa bahay. Pabalik na sana kami ng makasalubong namin si Eniel.

Every Moment with YouWhere stories live. Discover now