CHAPTER 18

2 0 0
                                    

I opened my eyes. It was dark outside and the only light came from the bedside lamp. I felt so warm all over. I felt my body is very heavy. Then after a few seconds, I realized that Eniel's arm and legs are over me that's why I felt hot and heavy. I tried to move but I felt a pang of pain right between my thighs. I am very sore.

Eniel is sleeping soundlessly beside me, lips slightly parted, and looked so peaceful after our first lovemaking. Nakakaakit itong tingnan habang natutulog. Hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin ako. Ang lalaking pinagpapantasyahan ko lang noon ay asawa ko na ngayon. Idagdag pa na mahal din ako ng lalaking mahal na mahal ko. At kani-kanina lang ay pinagkaloob ko sa kanya ang sarili ko.

Marahan kong hinaplos ang pisngi ng asawa ko. Kumibot ang labi nito. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko at hinalikan ko si Eniel. Maya-maya ay naramdaman kong tumugon si Eniel sa halik ko. Napaungol na lang ako ng lumalim ang halik namin. Gumalaw si Eniel dahilan para mapakislot ako, dahil sa sakit ay nakagat ko ang labi nito.

"Ah baby, I like that," biglang ungol ni Eniel. "What's wrong? Are you very sore?" At kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nito.

"A little bit," pagsisinungaling ko, "but I really need to go to the bathroom right now."

"Here, let me help you." At tinulungan ako ni Eniel na tumayo. Halos mapangiwi ako ng maramdaman ko ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko. "Can I carry you to the bathroom?"

"No I'm fine," tanggi ko. Nakakahiya na makita niya akong napapangiwi.

"I'll order some dinner. What would you like to eat?"

"Ikaw," I was walking slowly to the bathroom when I heard my husband laugh. Napalingon ako dito at nakita ko na namumungay ang mga mata nito.

"You'd rather have me for dinner than actual food?"

"No. I meant ikaw na bahala. Tigilan mo nga ako Eniel," at tuloy-tuloy akong pumasok sa banyo. Dinig ko pa rin ang malutong na tawa ng asawa ko at napapailing na lang ako sa kapilyuhan nito.

Hirap akong gumalaw at ramdam ko ang hapdi habang gumagalaw ako. Pero sa kabila ng iniinda ko ay masaya ako. Hindi maikakaila ang luwalhating nararamdaman ko habang nasa paborito kong siyudad sa buong mundo at kasama ang pinakamamahal kong lalaki. Napagdesisyunan kong maligo para maibsan ang pamimigat ng katawan ko. Ang maligamgam na tubig ay napakalaking tulong para gumaan ang pakiramdam ko.

Matapos maligo ay kumuha ako ng roba at binalot ang katawan ko. Kumuha din ako ng isang tuwalya at binalot sa basang buhok ko. Paglabas ko ng kwarto ay wala si Eniel dun. Tuluyan kong tinuyo ang buhok ko at kumuha ng damit para makapagbihis. Lumabas ako at nakita ko si Eniel na nasa balkonahe at may kausap sa telepono.

"What the hell is wrong with you? I can't be there right now. Just deal with it by yourself for now," natigil ako dahil narinig ko na galit si Eniel. "You know that's never going to happen anymore. I am married now and I am very happy. So stop pestering me and just let me be." Tumigil ito at nakinig sa kausap nito. "I will only tell you this once, don't even think about involving her with any of this. You'll have me to deal with if you do that," at tinapos nito ang tawag.

Nakaharap si Eniel sa dagat kaya hindi ko makita ang mukha nito. Sino ang kausap nito sa telepono? Bakit tila nanggagalaiti ito? At bakit nabanggit nito na ang tungkol sa kasal namin? Ramdam ko ang bigat ng paghinga nito. Maya-maya ay kumalma ito. At marahil ay napansin nito ang presensiya ko kaya humarap ito sa 'kin. At biglang nagbago ang ekspresyon nito, lumambot ang titig nito at binigyan ako ng isang napakatamis na ngiti.

"There you are my wife," at lumapit ito sa 'kin. "Hmm fresh from the showers, I'd like that." At ginawaran ako ng malalim na halik na humigop lahat ng agam-agam na nararamdaman ko. "If you weren't so sore, I would've taken you again. But seeing that you were in so much pain earlier, I need to let you heal first." At binigyan ako ng halik.

Every Moment with YouWhere stories live. Discover now