CHAPTER 20

2 0 0
                                    

Manila. 

After three weeks of our honeymoon ay nakauwi na kami. It was an amazing three weeks. Now that we're home, muling nanumbalik lahat ng mga agam-agam ko. Ngayong nakabalik na kami, ano kaya ang magiging mga pagbabago na mangyayari sa buhay ko? Nung nasa honeymoon kami ay ayos lang ang lahat dahil araw-araw kaming magkasama. Ngayong babalik na kami sa mga trabaho namin, anong mga adjustments ang kailangan kong gawin sa pang-araw-araw ko?

At ang higit na nakakapagpabagabag sa 'kin ay ang isiping babalik na si Eniel sa trabaho. Maaaring magkita silang muli ni Alyssa. I know na nasa New York ang babae pero dahil nga may kaugnayan ang mga kompanya nila ay hindi imposible na magkita ulit ang dalawa. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi kay Eniel ang tungkol sa tawag na tinanggap ko ng nasa Santorini kami.

Dumiretso kami sa apartment ko at dun na muna kami titira habang hinihintay namin na matapos ang pinapagawang bahay ni Eniel. Mas maigi nga naman yun dahil malapit ito sa mga opisina namin. Tahimik kaming dalawa habang nagmamaneho si Eniel. Ng tingnan ko ang asawa ko ay diretso lang ang tingin nito sa daan. Mabuti na lamang at hindi masyadong ma-traffic ng araw na yun at madali kaming nakaabot sa destinasyon namin.

"I have been waiting to get a chance to kiss you ever since we landed," sambit ni Eniel matapos ang makapugtong-hiningang halik na iginawad nito sa 'kin ng makapasok kami ng elevator.

"Whoa, what was that all about?" Ang nakangiti kong turan habang habol ang hininga ko.

"Baby I know you've been secretly eyeing me throughout our journey from the airport. And I was so aroused that I needed to concentrate hard with my driving. Don't want to get into an accident with you in the same car with me."

"Kaya ba napakatahimik mo habang nagmamaneho?" At tumango ito bilang tugon.

"Come on, I need you right now. Let's get to your room as fast as we can." Napapangiti ako sa kapilyohan ng asawa ko. Aaminin ko rin na pareho kami ng nararamdaman matapos ang mahabang halikan namin sa elevator.

Mabilis nitong binuksan ang pinto ng apartment ko at kinarga ako papasok. Ng makapasok ay bigla na lang niya akong hinagkan. Ramdam ko ang kasabikan sa mga halik ng asawa ko. Tila hindi nito alintana na maaari kaming abutan ng yaya ko sa tagpong yun.

"Ahem," bigla kaming natigilan ng marinig namin ang tinig na yun. Ibinaba ako ni Eniel at hinanap ang pinanggagalingan ng boses.

"What are you doing here?" Narinig kong tanong ni Eniel. Napanganga ako ng mapagtanto kung kanino galing ang boses na yun. There she is, sitting comfortably in my living room. The woman who has been haunting my thoughts these past few weeks.

"I said I needed to talk to you and you have been avoiding me. So I thought, why not come and visit you myself," malumanay na paliwanag nito. Aaminin ko na ngayong kaharap ko na ang babae ay medyo nanliliit ako.

Alyssa is tall. Maybe a few inches shy from six feet. She's wearing killer heels right now so she's almost as tall as my husband. And to add to it, she is exceptionally beautiful. Blonde hair, blue eyes, and a killer figure to match. She is also impeccably dressed.

"You know very well why I was unavailable Alyssa. Like I said before, I'll come to you as soon as I can." Eniel sounded alarmingly calm while speaking to the woman and he didn't even bother hiding the fact that he plans on meeting Alyssa somewhere.

"I don't think your wife would appreciate it if she found out what I needed to talk to you about." Her equally calm response.

"Like you said, she's my wife. Anything you say concerns her as well. So go ahead, talk." At hinila ako ni Eniel paupo kaharap si Alyssa.

Every Moment with YouWhere stories live. Discover now