02

179 12 5
                                    

Pag pasok ng plaza ay agad akong napatakip sa aking tenga, sobrang ingay ng mga tao. Bakit ko ba kasi naisip na manood ng basketball?

"Hi, Ethan," bati ng babaeng nakasalubong namin sa kasama ko.

Ethan just smiled at her before we continued walking. "Sa taas nalang ako uupo, baka matamaan ako ng bola," I said.

"Just here, marami nang tao ang nakaupo doon. Makikipag siksikan ka lang," he immediately replied, yumuko muna siya bago pagpagan ang uupuan namin. "Maupo kana."

I could do nothing but follow what he said, I sat down first before looking around.

"Kelvin," I immediately looked at the man in front of us, probably in his quadragenarian.

"Coach, kamusta po?" Ethan politely said.

The man looked at me first and smiled before looking at Ethan again. "Ayos lang naman.  Girlfriend mo ba ang kasama mo?"

I immediately turned in another direction because of the man's strange question. Normal ba talaga na mag tanong ng ganong klase habang nakaharap sa tinutukoy?

"Hindi po coach, pamangkin po ng asawa ni ate," he said before I could hear the faint grin.

"Osiya, sige at pupunta na ako doon," paalam ng lalaki bago umalis.

Halos mabingi ako nang saba'y-saba'y na nag sigawan ang mga kababaihan. How can they not shout, the players are literally handsome, so maybe a lot of teenager are watching.

"Naka t-shit ka naman, tanggalin mo na ang jacket," medyo malakas na saad ni Ethan dahil sa patuloy na tilian

Sinunod ko nalang siya, pag tapos taggalin ay agad ko itong binigay sakaniya. But I was a little surprised when he put it over my thigh. "Nag short pa kasi," he said before weakly saying 'tss'.

Nang mag umpisa ang basketball ay tutok lang ako sa mga naglalaro kahit hindi ko naman gaanong alam kung paano ang takbo ng laro. Tatlong puntos ang lamang nang grupo nung coach na lumapit kay Ethan.

The game continued until finally the group that Ethan knew the coach won. "Tapos na, tara lapit muna tayo doon." Saad ng lalaki saba'y turo sa nagkukumpulan na mga player.

"Ikaw nalang, mauna na ako sa labas."

"Tss," he said before pulling me towards what he was referring to.

Wala akong nagawang pagtutol dahil sa utot na kasama ko. Bwiset talaga kahit kailan.

"Congrats!" Ethan said before tapping the players' arms.

Tumango naman sila bilang tugon. Napayuko ako dahil ang iba ay nakatingin sakin habang may malawak na ngiti.

"Ipakilala mo naman samin ang kasama mo, bro." Said the man with the number five on his jersey.

"Lahari, mga kaibigan ko nga pala--"

"Slash team mates. Remember, kaya ka hindi nag laro ngayon dahil may hinihintay kang babae na pupunta sa bahay niyo." Pag putol ng isa pang lalaki sa dapat na sasabihin ni Ethan.

"Siya ba iyon, pare?" Singit pa nung isa habang may ngisi sa labi.

What are they talking about? And is Ethan waiting for a girl?

"Shut up, Ron!"

Ethan's friends laughed at him. "Alam na," the man said named Ron.

"Tss, aalis na kami." Sabi lang ni Ethan bago kami tumalikod at naglakad paalis.

Pagsakay ng sasakyan ay kaagad niya itong binuhay. "Kain muna tayo sa labas," maiksing saad niya.

"'Di ba sabi ng mga kaibigan mo may hinihintay kang babae, baka andoon na sa bahay. Saka gabi na din," kunot noo na sabi ko.

Totoo naman kasi, paano kung andoon na iyong babae na hinihintay niya.

"Nine thirty palang--"

"Palang, takte iyan ang oras ng tulog ko! Dalian mo, umuwi na tayo. Masisira ang routine ko," I hurriedly said.

Hindi ko na siya narinig na nag salita bagamat ay pinaandar na niya ang sasakyan. "Hoy! Bakit ibang daan ito?" Tanong ko nang mapansin na iba ang dinadaanan namin.

Hindi ito ang daan pabalik sa bahay.

"Wag kang maingay, kakain muna tayo saglit sa labas dahil nagugutom na ako." Seryosong sabi niya, "baka ikaw ang kainin ko jan pag hindi kapa tumigil."

"Tangina mo!" I finally said before falling silent, I heard him laugh but I ignored that.

Medyo matagal ang ginugol namin sa pag punta sa mcdo nxtgen. Ito nalang kasi ang medyo malapit na fastfood na bukas pa.

Pag pasok ay may nakakasalubong kami na bumabati kay Ethan. Nginingitian lang naman ito ng lalaki.

"Maupo kana, oorder lang ako." Sabi niya bago ako igayak sa table na pang dalawahan ang upuan.

Umupo ako doon habang hinihintay si Ethan. Ano ba kasing naisip ng lalaki at nagyaya mag dinner kahit kumain naman na kami sa bahay kanina.

"Oh, kumain kana." Seryosong saad niya pag lapag ng mga inorder.

Tumingin ako sa mga inilapag niya bago kumunot ang noo, "ang dami nito."

He looked at me before also frowning, "sino ba ang nag sabi na sayo lahat iyan?"

"Bakit, narinig mo bang sinabi ko na 'para sakin'?" Taas kilay na pag tataray ko.

Kung magaling kang mamilosopo, syempre mas magaling ako. I said to myself.

Napailing nalang siya bago simulang kumain. Nag simula na din akong kumain bago humarap sakaniya. Inaalala ang itatanong.

"Masamang tumitig," I almost choked because of what he said. Feeling.

"Hangin mo. May itatanong kasi ako, famous ka ba dito at ang daming nakakakilala sayo?"

"Hindi ako famous pero kilala ako, ganun talaga kapag magandang lalaki," he was literally windy.

Napailing nalang ako bago ipag patuloy ang pagkain. Hindi ko pa nalulunok ng maayos nang mag salita siya.

"Lahari, may boyfriend kana?" He asked seriously.

I looked at him and shook my head, "bakit mo naman naisip itanong iyan?" Balik na tanong ko bago mahinang tumawa, "wala, pero gusto ko ma-try magkaroon ng boyfriend."

"Ma-try? Why, you haven't tried to have a relationship?" Kunot noo na tanong niya habang palabas kami ng fastfood.

"Hindi pa, strikto kasi sila tito. Ngayon lang nila ako pinayagan basta daw mag sasabi ako sakanila," saad ko lang bago sumakay ng sasakyan.

"Let's try, it might work." Sabi niya pag pasok din ng sasakyan.

"Huh?" I don’t know what he’s referring to.

"Let's try to have a relationship, ikaw at ako," pag papaintindi niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o dapat ireak sa kaniyang sinabi. I feel nothing for him, at sigurado akong ganun din siya para sakin dahil kakakilala lang namin sa isa't-isa.

"Pero wala akong nararamdaman para sayo," diretsyong sagot ko.

Lumihis muna siya ng tingin bago tumawa. "Don't worry, wala din naman akong nararamdaman para sayo. Itatry lang natin."

Matagal bago ako sumagot sa sinabi niya. Itatry lang naman namin, so why not?

"Okay, wag mo na akong ligawan.  Tayo na agad," tumawa din ako matapos kong sabihin iyan.

He looked at me again before smiling very sweetly. "Okay... love."

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now