11

96 7 0
                                    

"Love, wake up. Maaga ang pasok mo," Ethan said as he tapped my shoulder.

Ghad! Nawala sa isip kong first day of school ngayon. Mabilis akong tumayo mula sa pag kakahiga bago kuhanin ang cellphone para tawagan si Adva.

Naka ilang ring palang iyon nang agad niyag sinagot. "Good morning, susunduin nalang kita jan para saba'y na tayo papuntang university." I said immediately.

"Okay, hihintayin nalang kita dito." She answered in a low voice.

"Alright, see you." Huling sinabi ko bago ibaba ang tawag at dumiretsyo sa cr para maligo.

Napatampal nalang ako sa noo nang  makalimutan kong kunin ang towel. "Ethan! Paabot ng towel!" I shouted.

"Psh, ulyanin." Ethan said while shaking his head, inirapan ko lang siya bago muling isara ang pinto.

Habang nag aayos ng necktie ay siya namang pag b-blower ni Ethan sa buhok ko. "Ang haba na ng buhok mo," anas niya.

Totoo iyong sinabi niya, haggang bewang ko na ang haba ng buhok ko. "Pinag iisipan ko nga kung ipapa-rebond ko or pagupitan nalang muna," I said before looking at him in the reflection of the mirror.

He smiled when our eyes met, the two dimples were exposed, "wag na, maganda at maayos naman ang buhok mo."

I smiled at his small compliment bago mag sabi ng 'thank you'. Saba'y na kaming bumaba para mag agahan. "Wow! Sinong nag prepare nito?" I asked, grabe natakam ako sa mga nakita. Bacon, toasted bread with egg on the top and tocino.

"Of course, your handsome boyfriend," mayabang na saad ni Ethan. "Where is my reward, hmm?" When I heard the last thing he said I immediately rolled my eyes at him.

"I'm sorry Mr. handsome, I haven't prepared a reward for you." I said before shrugging.

"Morning kiss, wala?" Umiling lang ako bago simulang kumain.

Habang nasa hapag ay pasimple akong ngumingiti dahil sa itsura ng lalaki, naka-simangot kasi ito at halos mag dikit na ang dalawang kilay.

"Mang, aalis na po kami." Paalam ni Ethan kay Mamang na kabababa lang ng hagdan.

"Osiya, mag iingat kayo. Dahan-dahan sa pag d-drive," ani naman ni Mamang bago ako halikan sa pisnge. "Good luck sa first day of school, apo."

Pag sakay palang sa sasakyan ay sinabi ko na kaagad kay Ethan na dadaan pa kami sa bahay nila Adva. Tumango lang naman siya at hindi na kumibo, nag tatampo padin.

Nang makarating sa bahay ng kaibigan ay bumusina lang si Ethan. Agad namang lumabas si Adva bago sumakay sa likod.

"Tumawag kana kay Aria?" Mahinahon na tanong ni Adva.

Umiling ako, "hindi pa, wait tatawagan ko."

Agad akong nag tipa sa aking cellphone para tawagan ang kaibigan. "Hindi sinasagot," saad ko ng huminto ang pag ring.

Naka ilang ulit pa ako sa pag tawag bago sagutin iyon. "Hello Aria,---"

"Lahari, tulog pa si Aria." Boses iyon ni Alex.

"Oh okay, ikaw na bahala kay Aria mamaya pag gising niya. Alex, mga masusustansyang pagkain ang lutuin, wag mong hayaan na mag buhat ng mabigat,---" napairap nalang ako sa kawalan nang putulin na naman niya ang sasabihin ko.

"Yes ma'am, magiging best daddy kaya ito. Ako na bahala sa mag ina ko," saad niya sa kabilang linya na bakas ang saya sa boses.

Nag paalam na din ako bago ibaba ang tawag, nag palit ng schedule si Alex para mas ma-bantayan niya si Aria sa umaga, para din hindi makaligtaan nito ang pagkain ng breakfast lalo na at nagiging tulunggis ito.

Nang makarating sa tapat ng university ay nag park lang si Ethan bago naunang bumaba si Adva ng sasakyan.

"Susunduin nalang kita mamaya," Ethan said before handing over my bag that was in the back. "Good luck, love you."

Tumango naman ako bago ngumuso, "what?" Ethan asked.

"Kiss," I said before sniffing again, napangisi naman ang lalaki bago gawaran ng mabilis na halik ang labi ko. "Take care, love you." Ani ko bago lumabas ng sasakyan bitbit ang bag.

Maligayang humawak ako sa braso ni Adva, "let's go?" Tanong ko. Tumango naman ang kaibigan bago kami saba'y na nag lakad papasok sa university.

My whole system was full of excitement. But there is also a bit of sadness because we are not with Aria.

"Good morning, class. I am Mrs. Carol Santiago, I will be your professor in return demonstration and nursing skills or called RLE." Pakilala ng professor namin pagpasok, "just call me Mrs. Santiago for short."

Tumango naman kami bago makinig, "why do we need to study a demonstration and skills? Anyone?" Tanong niya.

Halos lahat ay nag taas ng kamay, of course isa na ako doon. Madali lang naman kasi sagutin ang tanong niya. "Okay, the girl at the back. The one with the mirror," dahan-dahan akong tumayo bago ngumiti.

"We need to study demonstration and skills so that we know what to do when we are the ones to help and treat those in need." I answered her question, nakita kong may sumilay na ngiti sa kaniyang labi kaya kahit papaano ay nawala ang kaba ko.

"Okay, very good. What is your name?" She asked again, sinabi ko naman ang pangalan ko.

Napabuga ako ng hininga dahil sa nalaman na hindi siya terror. Kinakabahan kasi talaga ako, lalo na at madaming nag sasabi na halos lahat daw ng striktong teacher ay nasa college.

"Return demonstration is an essential component of the nursing practice that paves way for student nurses to gain knowledge of the nursing procedures. It enables them to grasp ideas of what nurses do in the hospitals or communities when they take care of patients and of how they do these procedures to them," panimula muli ni Mrs. Santiago. "Tuturuan kayo dito kung paano isuot ang gloves ng maayos, paano ang tamang pag-suot ng face mask and all. This first semester lang ituturo iyan kaya dapat makinig kayo ng maigi kapag nag l-lesson ako."

Marami pa siyang sinabi at pinaliwanag hanggang sa matapos ang oras niya sa pag tuturo, next day na daw niya sisimulan ang pag discuss ng lessons.

"Tara, sa next class na tayo." Pag-aaya ko kay Adva matapos isukbit sa balikat ang bag, tumango naman siya kaya saba'y na kaming lumabas.

Pag pasok namin sa second class ay nakakabinging kaingayan ang bumungad samin. Ang alam ko kapag first day ay tahimik ang mga studyante dahil hindi pa mag kakakilala ang ilan, pero bakit ganito kaingay ang dadatnan namin?

Siguro mag kakakilala ang iba. I mentally though.

Nag kibit-balikat nalang ako hanggang sa dumating ang professor namin.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now