09

117 7 0
                                    

"Psh! Nakakapagod," reklamo ko pag sakay ng sasakyan.

"Starbucks?" Ethan asked, alam na niya talaga ang isa pang lunas ko sa pagod maliban sakaniya.

I immediately smiled, "you got it."

Twenty-seven days have passed since the new year where I was attacked by a breakdown, three weeks na akong nag-aaral ng driving. Naging official na din kami sa isa't-isa ni Ethan, simula nung nangyare ang first kiss ko, ang halikan naming dalawa.

"Blueberry oat cake and iced americano?" Paninigurado ng lalaki, I just nodded before finding a table with only two chairs.

"One and a half week nalang, tapos kana mag aral sa driving school mo." Ethan said before serving me the food he ordered.

Tumango naman ako, "malapit na din mag back to school, college na ako. Ang bilis ng panahon, nakakakaba ang maging nursing student."

"Kaya mo iyun, ikaw pa ba?" He said before smiling.

"Tuturuan mo ko kapag hindi ko ma-gets ang lessons, ahh?" Naka-ngisi kong saad.

He nodded then smiled sweetly, "yes, I will be a nursing slash engineering student for you."

Habang pauwi ay inaalala ko kung ano pa ang dapat gawin. "Mag lalaba pa pala tayo."

Sa halos dalawang buwan na nakalipas ay saba'y na kaming nag lalaba ng mga damit namin maski damit ni Levi.

"Ako na mag lalaba, mag pahinga ka nalang." He just said while focusing on parking the car.

He was always like that, when he knew I was tired he just let me rest and he would do what the two of us should do. Kaya madalas pinapasigla ko ang sarili.

"Hindi naman na ako pagod, kasi kasama kita. You know that you are my reliever."

Totoo iyon, lalo na kapag nasa school driving ako tapos pag nag kita kami hahalikan pa niya ako sa labi. Ackk! Wala agad iyung pagod ko.

Ang harot mo, Lahari! I mentally hissed to myself.

"Tigilan mo ako, Lahari. Kakagatin ko iyang pisnge mong mataba," Ethan said before grinning foolishly.

Tangna!

"Ituloy mo nalang ang pag-aayos ng labahan mo. Bwiset!" Singhal ko bago humiga sa kama.

Rinig kong pagak siyang tumawa habang inaayos padin ang mga damit na lalabahan namin. "Dalawa nga tayong mag lalaba. Ang kulit mo naman." I said, annoyed.

Kanina pa kasi siya, pinipilit niya akong mag pahinga na lang. "Hindi na nga, ako na ang mag lalaba dito. Mahiga ka nalang doon o hindi kaya ay mag cellphone," mapilit talaga ang lalaki.

"Osige, dalhin mo ang mga damit mo at umuwi kana sa Nueva Ecija at doon ka mag laba,---"

"Oo na, mag lalaba na tayong dalawa. Taga baliktad ka nalang sa wina-washing, ako mag kukusot ng mga puti." Detalyado na anas niya.

I rolled my eyes at him, "bahala ka sa buhay mo, sumakit sana ang likod mo pag tapos." I said before starting to put dye in the washing.

"Okay lang, alam ko naman na hihilutin ng asawa ko." He said before grinning weakly, hindi talaga nag papatalo kahit kailan.

Asawa mo mukha mo! Pero langya, kinikilig ako!

Ang sarap pakinggan ng salitang 'asawa'.

"Ang harot-harot mo kahit kailan--"

"Mana sayo," bwelta pa niya.

Napailing nalang ako sa kakulitan niya, parang bata kahit kailan. Hindi ko nalang siya pinansin at sinimulan na lamang ang pag babaliktad ng mga damit.

Punong-puno na talaga ang buong araw ko kapag kasama ko si Ethan, lalo na kapag nag babangayan kami.

"Ano pagod kana?" I asked after washing.

He nodded gently, "asawa naman kita diba? Responsibilidad ng babae na pag silbihan ang asawa niyang lalaki... aray!" Daing niya nang kurutin ko ang tagilihan, napaka harot kasi.

Lumipas ang isa't-kalahating linggo ay ganoon lang ang ikot ng buhay namin, aalis kami ni Ethan sa umaga ng five a.m at uuwi ng two p.m. Mahaba ang byahe kaya makaka-uwi kami ay five p.m na.

"Aalis ako,---" napailing nalang ako dahil sa ginawa niyang pag putol sa dapat na sasabihin ko.

"Saan ka pupunta?" he asked immediately.

"Mang lalalaki," I joked.

"Okay, then. Walang aalis," seryoso niyang anas.

Sakto naman ang timing dahil tumawag ang kaibigan kong si Aria. "Hello, nasaan kana?" agad na bungad sakin ng kaibigan.

"Ayaw ako paalisin ng katulong namin, sorry. Next time nalang tayo mag meet," pigil tawa kong anas.

"Hoy, babae! Anong next time nalang mag meet? Ipapaalala ko lang noh, enrollment po ngayon sa university na papasukan natin at hindi meet up."

Agad akong tumalikod bago pumasok sa banyo, gagi ang hirap mag pigil ng tawa.

"Gaga, joke lang. Niloloko ko iyung kasama ko, eh." I said in a low voice.

"Sige, take your time. Paalis palang din kami, susunduin pa namin si Adva." Sagot niya bago ibaba ang tawag. Pag labas ko ng banyo ay kaagad dinaga ang dibdib ko dahil sa itsura ni Ethan.

"Katulong, really?" He sarcastically asked before slowly approaching me.

Natatawa akong kumaripas ng takbo palabas ng kwarto. "Mang! Si Ethan, ohhh!" Sigaw ko nang maramdaman na sumusunod si Ethan.

Agad akong nag tago sa likod ni Mamang nang makalapit ako sakaniya. "Mang, pagalitan mo nga si Ethan," sumbong ko.

"Bakit ako? Baka ikaw, sabi mo aalis ka at mang lalalaki." Pa-awa effect niya pa.

"Jusko! Aatakihin ako sainyo, akala ko kung ano na ang nangyari at nag sisisigaw ka Lahari"

"Mang, man lalalaki si Lahari." Sumbong padin ni Ethan.

"Hindi kana mahal ng apo ko? Aww, my poor Ethan." Lalo akong natawa dahil sa tinuran ni Mamang, "just kidding, mag e-enroll lang iyan. Huwag ka mag alala," bawi din niya.

"Sasama po ako, para sigurado,---"

"Sama din ako! Saka si Aliza!" Sigaw ng kapatid ko.

Isa pa ito, kapag narinig ang salitang 'aalis' ay talagang papalahaw.

"Mag e-enroll ako, hindi gagala." Saad ko bago pantayan si Levi at punasan ang gilid ng labi niya, "ang kalat mo kumain."

"Hindi impusibleng walang gala, Lahari." Mamang said, hindi naniniwala sakin.

"Mag bihis na kayo," saad ni Ethan kaya kunot-noo ko siyang binalingan ng tingin. Kulit naman nito!

"Bawal natin sila isama, school iyun. Masyado madaming tao."

Nag kibit balikat naman siya, "hindi kami lalabas ng sasakyan kapag nasa school."

Napailing na naman ako, pag gusto niya talagang gusto niya, walang makakapigil doon.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now